Kabanata 30

2195 Words
Kabanata 30 “Magsigising na mga bata!” pampukaw sa amin ni Eon. Ako naman itong maaga naman sanang nakatulog kagabi, pero mukhang ako pa yata ang bangag ngayon at hindi man lang makabangon agad sa higaan.             “Hoy! Deeve, bangon na.” yugyog sa akin ni Aztar.             Ramdam ko pa ang kagustuhan ng mga mata kong pumikit, pero ayon nga at ginigising na kami ni Eon. Nakahihiya naman kung ako na lang ang matitira rito sa kubo.             “Mauna ka na, Aztar. Susunod lang ako. Magliligpit lang muna ako ng higaan.” Nagtango lang ang kaibigan. Saka siya lumabas ng kubo.             Narinig ko agad ang tanong nila kung nasaan ako, nang bigla akong nakaramdam ng sobrang pagkahilo, nang ang huli ko na lang naalala na nangyari ay ang natumba ako nang patayo na sana ako sa higaan.             …             “Gising na kayo, guys! Hoy! Ano ba namang mga ito. Hindi man lang magsigising. Ngayon pa naman ang simula ng pang-apat naming pagsasanay.             Panay talaga ako yugyog sa kanila.             “Hamina! Gising na.”             “Kith! Ave! Ano ba naman iyan.” Lipat lang ako nang lipat ng pwesto, hanggang sa nandito na ako sa may paanan ni Aztar. Nag-unat na siya ng kanyang kamay, kaya hindi ko na siya niyugyog. Pero sinigurado ko pa rin na hindi na siya makatulog muli.             “Aztar, gising ka na, at bumangon ka na. Ngayon na ang pang-apat na araw natin. Saka tulungan mo na rin akong gisingin ang mga ‘to.” Patuloy ko pa ring daldal, nang sa wakas ay bumangon na rin siya. Nagkusot pa ito ng kanyang mata. Bago ako tuluyang hinarap. Lupaypay pa rin ang kanyang mga balikat, saka nakayuko pa ring nakaharap sa akin.             “Pakisabi na lang siguro kay Eon, Deeve na pass muna ako sa pagsasanay. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko. Saka mukhang wala ring balak itong mga kasama natin.” Inabot niyang muli ang kumot saka humiga pabalik.             Dahil sa kanyang turan, nagdadalawang-isip na tuloy akong pilitin siyang gisingin, paano na lang kung totoo ang kanyang sinabi na hindi maganda ang pakiramdam niya. Baka mas lumala ang kanyang iniinda.             Napabuga na lang ako ng marahas na hininga. Saka walang nagawa kung ‘di ang lumabas ng kubo at puntahan si Eon, para ipaaalam ang mga pangyayari sa loob ng kubo.             “Oh, Deeve. Mabuti naman at nauna kang nagising sa kanila. Ano? Handa ka na ba sa gagawin nating ikaapat na pagsasanay? Ito ang pagsukat natin ng iyong tatag ng loob. Saka katulad ng ginawa natin sa unang pagsubok natin, gumamit tayo ng hourglass para sa limitadong oras sa paggawa natin ngayon sa ating pagsasanay.” Mahabang imporma nito. Nang nakikinig na lang din ako sa mga detalyeng sinasabi ni Eon. Pero hindi talaga ako napapanatag kung hindi ko sabihin ang tungkol sa mga kasama ko.             “Ahh, kasi---ano, Eon. Sila kasi, mukhang hindi raw muna sila makasasali sa kanilang pagsasanay, kasi si Aztar, sabi niya masama raw ang kanyang pakiramdam, tapos ang iba naman, hindi sila bumabangon kahit anong gawin kong yugyog sa kanilang mga pagtulog.” Imbes na mangamba ang reaksiyon ng mukha. Nakikitaan ko pa tuloy ang kanyang mga labi ng pagbahagyang pagkurba.             “Ayos lang iyon, Deeve. Ibig sabihin lang niyan ay ikaw ang mauunang sumabak sa ating pang-apat na pagsasanay.” Gumilid siya para mabigyan ako ng daan para makita ang nag-isang daan papasok ng kagubatan. Kung kanina ay wala akong kabang naramdaman, ngayon naman ay hindi ko mapigilang hindi pagkiskisin ang dalawang palad, dahil sa hindi malamang panlalamig ng katawan.             “Oh? Hindi pa man tayo nagsisimula, mukhang aayaw ka na, Deeve.” Pasaring ni Eon sa akin. Hindi pwedeng hindi ko gawin ang pagsasanay na ito. Nakahihiya naman, ako pa ang naunang napunta rito at naunang ipinadala ng kung sino man ang tagapangalaga na nagsabing may malaki siyang tiwala sa akin, sa amin. Tapos ngayon, makararamdam ako ng panlalanta ng tuhod? Deeve! Magpakatatag ka!             Alam ko na! Tama! Sakto pala ang pangalan ng pagsasanay namin ngayon, ang pagsukat ng katatagan ng aming loob!             “Kakayanin ko ang lahat ng pagsasanay!” sigaw ko, pagpapatatag ko pa sa aking sarili.             “Mabuti kung ganoon, masaya ako sa narinig kong mga salita galing sa bibig mo, Deeve, hindi nagkamali ang tagapangalaga sa pagpili sa iyong maging isa sa mga magliligtas sa aming kaharian, saka ang magliligtas sa kapwa niyo estudyante sa El Federico.” Nagkibit-balikat naman siya ngayon.             “Ngayon naman, ang gusto kong gawin mo ay makinig sa mga sasabihin kong mga panuto. Bubuksan ko ang lagusan papasok sa kagubatan, hindi naman lingid sa iyo na ang mga laman ng kagubatan ay ang mga ligaw na hayop, agresibong mga baboy ramo, saka mga mababangis na iba pang mga hayop.” Habang nagsasalita si Eon, ang aking mga mata ay nakatingin lang din sa nag-iisang daan papasok ng kagubatan. Talaga bang papasok ako riyan? Na wala man lang dala na kahit anong protekta sa aking katawan? Paano kung ano ang mangyari sa akin doon? Lalo na at ako lang ang mag-isa.             “Wala ba akong ibang dadalhin doon, Eon?” umiling naman si Eon.             Hindi ko alam ang gagawin.             “Paano kung may mangyari sa akin diyan sa loob ng kagubatan, Eon? Paano kung hindi na ako makababalik ng ligtas dito?” kunot-noo kong pasabi.             “Hindi mangyayari iyan, Deeve. Kung may tiwala ka sa sarili mong magagawa moa ng pagsasanay natin ngayon nang walang takot.” Mas lalong gumulo ang isipan ko. Ano ba talaga ang susukatin sa pagsasanay na ito? Ang tatag ng loob o ang pagharap sa aming takot?             “Bubuksan ko na ang lagusan, at sisimulan ko na ring baligtarin ang hourglass. Ang gagawin mo lang sa loob ng kagubatan. Ay ang hanapin ang putting tela na nakatago sa iba’t ibang bahagi ng kagubatan. Saka limang tela iyon, may kanya-kanyang pangalan ninyong lima. Kailangan mahanap moa ng sa iyo, kung maling pangalan ang makukuha mo, kailangan mong umulit. Hanggang sa makuha mo na talaga ang tela na may pangalan mo, maliwanag ba?” tango lang ako nang tango. Saka binuksan na nga ni Eon ang lagusan papasok sa loob ng kagubatan.             “Ikaw ay maaari nang magsimula, Deeve.” Naglakad na ako papasok sa lagusan, nang sa pagpasok ko roon, ramdam ko na ang nakabibinging katahimikan. Tanging mga tunog lang ng mga insekto ang aking naririnig. Nananayo na rin ang aking mga balahibo, dahil sa lamig na galing sa umiihip na hangin. Ganito pala tlaga kalamig dito sa loob ng gubat.             May natatanaw na rin akong mga iba’t ibang uri ng ibon, parang hapon na kung nandito ka sa masukal na kakahoyan, kasi nga sa natatabunan ang kalangitan sa mismong mga malalabong na punong kahoy.             Ramdam ko ang mga hamog, nang masasagi ko ang mga malalaking dahon sa aking mga kamay. Kasi nga may mga tubig ito na dala siguro sa magdamagang lamig ng panahon.             Napalingon ako nang pansin kong may kaluskos na akong naririnig sa bandang likod ko. Ngayon pa lang, napasukan na ang sistema ko ng takot na baka ang kaluskos na iyon ay galing sa isang mabangis na hayop. Ang imahe na pumasok talaga sa aking isipan ay ang mabangis na hari ng kagubatan. Ang leon!             “Hindi naman sinabi ni Eon na kailangan kong kalabanin ang mga mababangis na hayop. Ang sabi lang naman niya ay kailangan kong makuha ang putting tela na may pangalan ko. Nang ibinalik ko ang aking paningin sa kung saan sana ako patungo, saktong napadapo ang mga mata ko sa sanga ng puno. May putting tela nga na nakatali roon, ang problema, sobrang layo nito. Mahihirapan akong abutin ito. Tapos hindi pa sigurado kong akin ba ang putting tela na iyon.             May pumasok naman na ideya sa utak ko, na paano kung hanapin ko muna ang ibang mga putting tela, bago ako hahanap ng paraan para makaakyat ng puno at makuha sa sanga ang nakataling iyon.             Nagpatuloy ako sa pag-iikot, nang may nakita ulit akong isang putting tela, mabuti na lang at nasa damohan lang ito. Kinuha ko ito at tinignan ang pangalan.             “Ave.” basa ko, nailing ako saka ibinalik ang putting tela sa pwesto nito.             “Kay Ave pala ito.” Dagdag kong pasaring.             Muli na rin akong nagpatuloy, hanggang sa mas lalo napapalayo sa aming lokasyon. Pero wala akong mapagpipilian, kasi nga kailangan ko ngang mahanap ang putting tela.             “Ayon! May nakasulat na Deeve! Pero teka, ano ‘yong kulay abong bumabalot sa tela?” ang kaninang napakataas kong kagalakan nang mabasa ang pangalan ko sa puting tela ay nabagsak sa napakalalim na nilaglagan.             Habang palalapit ako sa mismong tela, ganoon na rin kalinaw ang aking nakikitang ahas, na siyang nakapaikot sa sanga ng pananim na malapit pa talaga sa tela. Ano ba naman ito, oh! Kung kailan pang nahanap ko na ang puting tela. Ganito naman, may ahas pa talaga sa tabi!             “Paano ko ba mapapaalis ang ahas na ito? Mukhang King Cobra pa yata ito, eh.” nag-isip ako ng paraan. Nang may nakita akong mataas na sanga ng kahoy, kaagad ko itong kinuha.             Unti-unti ko namang sinusundot ang ahas gamit ang sanga, nang bigla itong tumalon papunta sa akin, mabuti na lang at hindi ako nito nalapitan. Pero ang ipinagtataka ko lang, kung paano ko nagawa ang pag-iwas sa ahas ng ganoon kabilis ang aking kilos.             Nasa ahas pa rin ang mga mata ko, nang unti-unti na rin akong umaatras patalikod, para makuha ko ang puting tela na siyang pinakaimportante kong makuha para sa pagsasanay na ito. Nang saktong pagkakuha ko ng tela ay ang biglaang paggapang muli ng ahas sa akin, kaya sobrang kaba ko sa pagkakataong iyon. Nang naipikit ko na lang ang aking mga mata dahil hindi ko na alam ang gagawin.             Nang may malakas na pwersang parang humila sa akin, kaya napadilat na lang ako at nakita ko na nga si Eon na nakangiti sa akin. Nilingon ko ang likod ko, nang napagtanto ngang nakabalik na ako rito. Nakahinga ako ng maayos. Nang makabawi na nga sa kaninang takot. Tumayo ako ng maayos, saka malapad na nakangiting iwinagayway sa harap ni Eon ang nakuha kong tela na may pangalan ko.             “Sabi ko naman sa iyo ‘di ba? Kaya mo ang magpunta sa gubat na wala man lang dala. Basta magtiwala ka lang sa sarili mo, at tatagan mo lang ang loob mo, ihanda ang sariling harapin ang takot.” Napabilog ko ang bibig, saka napalaki ko ang aking mga mata.             “Ang ibig mo bang sabihin, Eon, dalawa ang nasusukat sa pagsasanay nating ito ngayon? Bali ang ibig mo ring sabihin, kompleto na ako sa pagsubok natin ngayon?” nakangiting tumango ang kaibigan. Hindi ko napigilan ang sariling hindi siya yakapin. Hindi ko rin napigilang hindi maglabas ng luha, dahil sa labis na kasiyahan.             “Maraming salamat, Eon.” Hindi ko alam kung bakit ako nagpapasalamat, ang pumasok lang sa isip ko ay gusto kong magpasalamat sa kanya dahil siya ang nagsilbing tagapagsanay namin.             “Nandito ako para sanayin kayo, saka tungkulin ko iyon. Ikaw, saka sarili mo lang naman ang katulong mo sa paglampas mo sa lahat ng pagsasanay na ating ginawa. Alam kong handa ka na.” hinahagod nito ang aking likod. Kaya nawawala na ang aking pag-iyak. Pinalis ko ang nabasa kong mukha, saka ngumiti.             “Punta lang akong kubo, Eon. Ibabalita ko sa kanila na natapos ko ang pagsasanay natin ngayon. At kailangan na rin nilang gumising para matapos na rin nila ang kanilang mga pagsasanay.” Iniwanan ko na si Eon sa kanyang pwesto. Nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at may parang nakahawak sa aking mga braso.             …             “Deeve! Gising! Deeve.” Panay yugyog sila sa akin, kaya nagising ako. Hindi ako nakabangon agad nang bigla akong naalimpungatan.             Naalala ko ang ginawa ko kaninang pagsasanay. Panaginip lang baa ng lahat? Teka?             Itinaas ko ang aking kamay, nang wala sa akin ang puting tela. Panaginip lang talaga!             Ngayon ko lang din silang napansin na nakapalibot pala sila sa akin ngayon. Kaya tinignan ko sila isa-isa.             “Tapos na kami sa pagsasanay! Katatapos lang namin! Kanina kasi ginigising ka namin, ayaw mo namang magising.” Angil pa sa akin ni Aztar.             “Oo nga, Deeve!” sang-ayon naman ng iba.             “Ganoon ba talaga kahimbing ang naging tulog ko?”             “Oo! Tulog-mantika ka. Grabe!” dagdag pang bulyaw ni Aztar sa akin. Ganito kami ni Aztar, kasi nga siya ang una kong nakilala at naging kasama rito.             “Tapos na kayo sa pagsasanay?”             “Oo! Saka huling pagsasanay na iyong ginawa kanina! Naroon na nga sa labas ang mga puting mga tela sa labas, eh. Na may mga pangalan natin. Ikaw, huh! Mabuti talaga at kahit hindi ka nagising kanina, binigyan ka pa rin ng pagsasanay ni Eon sa panaginip mo! Kaya ayon sa labas ang tela mong may pangalan!” nabunotan ako ng tinik sa dibdib. Akala ko talaga hindi ako nakasali sa pagsasanay. At talaga bang sa panaginip lang ako nagsanay? Grabe naman iyon. Sa panaginip ko, sila ang tulog at ako ang nanggigising sa kanila. Tapos ako pala itong tulog-mantika. Nakahihiya!      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD