Kabanata 43
Naglakbay na kami, mga iilang metro na rin ang nalalakad namin, lagpas na siguro kami sa mga nadadaanan naming mga balu-baluktot na mga puno. Naririnig ko na rin ang tubig. Pero ang sabi ni Eon na dapat sa bandang unahan kami lalabas ng gubat at doon simulan ang pagtawid sa ilog, para hindi kami malayo sa nais na puntahan.
“Ito na yata ang sinasabi ni Eon kanina kung saan tayo pupwedeng dumaan. Grabe, hindi pa nga natin nakikita ang ilog, pero rinig na rinig ko na ang agos ng tubig nito.” Manghang usal ni Aztar.
Sa banda namin, naririnig na nga namin ang tunog ng agos ng ilog na sobrang lakas, sa tunog pa nga lang ay kakabahan ka na talagang tumawid. Napalingon na lang ako kay Kith. Tinatantiya ko ngayon ang kanyang reaksiyon, pero wala naman akong nakikitang pagkahabag sa kanyang mukha, blangko nga lang ito na para bang wala siyang paki sa kung gaano man kalakas ang agos ng tubig sa ilog.
Pero hindi rin malabong itinatago lang ni Kith ang kanyang reaksiyon para naman hindi kami mag-alala sa kanya. Pinapatatag lang siguro niya ang sarili, ayaw niya sigurong makaramdam na pabigat siya sa amin. Pero hindi naman dapat ganoon ang iisipin niya, gayong iisa kaming grupo na magkasama sa misyon, at higit pa roon ay magkaibigan na kaming lima. Hindi ko rin naman siya masisisi kung ganoon ang kanyang nasa isipan. Wala rin kasi namang may alam sa kung ano ang iniisip ng kapwa.
“Ang ganda!” rinig na rinig ko na ang kanilang mga papuri. At dahil nga nasa hulihan ako, ibig sabihin…huli ko na ring nakita ang kabuoang ganda ng ilog. Napakalapad ng ilog, saka ang layo-layo nga talaga ng tatawirin namin. Ngayon makikita namin na ang ilog ay napakalakas ang agos ng tubig, parang ang taas ng tubig ay hanggang binti. Kaya tiwala kaming matatawid namin kaagad ito kapag nagmadali kami, bago mas lalong tumaas ang tubig sa ilog.
“Tara na, bilisan na natin ang pagtawid sa ilog, habang hanggang binti pa lang ang taas nito. Halika, Kith. Paggitnaan ka namin ni Aztar. Ikaw naman, Ave. Samahan mo si Hamina.” Agaran namang tumango si Ave, sabay lapit na niya kay Hamina. Habang kami naman ay sinalubong na rin namin si Kith na ngayon ay ramdam namin ang lamig ng kamay, dahil sa kaba.
“Kalma lang, Kith. Nandito naman kami ni Deeve sa tabi mo. Hindi ka namin pababayaan.” Pangako ni Aztar sa kaibigan. Sumang-ayon naman kaagad ako.
“Mauna kayong lumusong na dalawa, Hamina at Ave. Susunod kami. Bilisan na rin ninyo ang paghakbang para mas mabilis tayong makaabot sa kabila, at hindi tayo maabutan ng pagtaas ng tubig. Sabi pa naman ni Eon na lagpas ulo ang lalim ng ilog na ito. Baka ito pa ang maging mitya ng katapusan natin, hindi pa nga natin natatapos ang misyon, naubosan na tayo ng hininga sa ilog.” Pasaring ko. Nang sinaway naman ako ni Aztar.
“Sinabi ko lang naman ang totoo, saka mas mainam na iyon na sabihin ko iyon, para mas lalong lakihan natin an gating mga hakbang.” Seryoso talaga ako sa mga pinagsasabi ko. Ayaw kong makampante sila. Kasi walang kasiguraduan ang buhay namin ngayon. Hindi tao ang kalaban namin, o, kahit na anong nilalang…ang kalaban namin ngayon ay ang kalikasan, hindi namin kayang labanan ang kalikasan, kung ito na ang magpapamalas ng kanyang hagupit.
“Ang l-lamig n-ng tubig.” Nauutal pang usal ni Ave, habang nakaalalay kay Hamina sa braso nito. Kita ko si Hamina na mataman lamang na nakatingin sa tubig, animo’y nagbabantay kung kailan tataas ang tubig, kung malalaking hakbang lang ang gagawin namin, paniguradong makakapunta kami sa kabila ng walang kahirap-hirap.
“Tara na, Kith. Huwag kang matakot. Ayon na sila, malayo-layo na ang nalakad nila.” Turo ko gamit ng aking nguso sa kung nasaan na ngayon sina Hamina at Ave.
“Natatakot ako, Deeve, saka kinakabahan. Paano kung---.”
“Shhh…huwag kang mag-isip ng ganyan. Ang mabuti pa, suimakaya ka na lang kaya sa likod ko, para hindi ka na mahirapang sumulong sa tubig. Para tuloy-tuloy na ang pagtawid natin.” Hindi siya makapaniwala sa mga pinagsasabi ngayon ni Aztar. Seryoso naman ang mukha ni Aztar, walang halong panloloko, kaya nakasisiguro akong hindi siya nagbibiro sa mga oras na ito.
“Pero---.” Bago pa umalma si Kith, bigla-bigla na lang kinarga ni Aztar ang dalaga.
“Ibaba mo ‘ko, Aztar, mabigat ako, nakahihiya.” Namumula na ang pisngi ni Kith sa kahihiyan. Dahil sa pagkarga sa kanya ni Aztar na parang pambagong kasal.
Napangiti na lang ako sa naging posisyon nilang dalawa, para silang magkasintahan na galing sa away. Naiiling na lang ako sa aking mga naiisip. Dahil sa kinakarga na nga ngayon ni Aztar si Kith, mas malalaking hakbang ngayon ang aming nagagawa. Saka ang dalawa ay malapit na rin sa mismong gilid ng ilog, grabe ang bilis naman nila maglakad. O, baka natagalan lang talaga kami kanina sa pagkumbinsi kay Kith na kumarga kay Aztar.
“Walang mabigat sa akin, Kith. Kaya huwag ka nang mahiya riyan.” Mas lalong namula ang pisngi ni Kith sa mga pinagbibitiw na salita ni Aztar. Nagtakip na lang ito ng mukha na animo’y ayaw ipakita ang nagmumukhang kamatis nitong mga pisngi.
Nang nasa kalagitnaan na kami ng ilog, ramdam na rin namin ang sobrang lamig ng tubig.
“Ang lamig ng tubig! Mukhang tumataas na ang tubig sa ilog. Pwede mo na akong ibaba, Aztar. Baka nangangalay ka na.” posible ngang nangangalay na si Aztar. Kaya ako naman ang nag-alok na ako naman ang kakarga kay Kith, ipinuwesto ko na ang kamay ko, nang ibinigay nga ni Aztar sa akin si Kith. Hindi naman gaanong mabigat si Kith. Bumibigat lang siguro dahil nasa tubig kami.
“Mauna kayong maglakad, para sakaling lalakas ang agos ng ilog ay maagapan ko kayo.” Anas ni Aztar na ngayon ay nakaagapay lang sa likod namin.
Habang si Kith naman ngayon ay nasasanay nang kargahin namin, ang dalawa naming kasama ay sa wakas nakarating na rin sa kabila. Mabuti na lang talaga.
“Bilisan pa natin ang hakbang natin, Deeve, nararamdaman kong umaalog ang lupa sa ilalim ng tubig, mukhang may nagbabadyang malakas na pagbuga ng tubig sa ilog. Ito na siguro ang dahilan ng pagtaas ng tubig. Tara na!” habang karga ko sa aking dalawang kamay si Kith, hanggang baywang na rin ang taas ng tubig, nakikita na namin ng malinaw sina Hamina at Ave. Naririnig na rin namin ang kanilang mga tawag.
Nang ramdam ko na rin ang sinabi kanina ni Aztar na paggalaw ng lupa sa ilalim ng tubig. Kaya napayuko ako at mahigpita na hinawakan ko si Kith.
“Aztar! Higpitan moa ng hawak sa dalawang balikat ko! May pararating na malakas na bulwak ng tubig!” Mariin kong naipikit ang mga mata ko, ramdam ko rin ang mahigpit na kapit ni Aztar sa aking mga balikat nang hindi na namin alam ang kasunod na nangyari. Naririnig ko pa rin naman ang ragasa ng tubig sa ilog, pero wala akong nararamdaman na kung anong masakit na tumama sa katawan ko. Anong nangyari?
Marahan kong ibinuka ang aking mga mata, nang sa pagbukas ko ng dalawa kong mga mata ay parang nakakita ng multo ang dalawa, nakanganga pa ito, at hindi makagalaw. Anong nangyayari sa kanila? Humihinga naman sila dahil kita kong tumataas-baba ang kanilang mga balikat.
Nang may gumalaw sa gilid ko, oo nga pala, sina Kith at Aztar. Ano ba kasi ang nangyari? Ang bilis naman ng mga kaganapan, kanina lang ay nasa gitna kami ng ilog, saka naririnig ko ang pararating na pagbulwak ng tubig sa ilog na para bang sinadyang pagbomba ng tubig.
“Nakarating na ba tayo?” ani Aztar na ngayon ay hawak-hawak niya ang kanyang noo.
“Anong nangyari?” mistula namang lasing si Kith sa kanyang paraan ng pananalita.
“H-Hindi ko rin alam, nagising na lang ako na nandito na tayo sa kabilang dako ng ilog ng Kanluran, ito ngang dalawa, hindi ko malaman kung ano ang nangyari, kasi nga hindi na gumagalaw, parang nagulat sila sa kung ano man ang nasaksihan nilang pangyayari.
Nagsitayuan na nga kaming tatlo, saka marahang naglakad palapit sa naunang kasamahan namin dito.
“Hamina, Ave. Galaw-galaw rin.” Biro kong yugyog sa kanilang dalawa, habang unti-unti naman silang bumabalik sa kanilang mga sarili.
Nakaramdam pa sila ng pangangalay sa kanilang mga panga, sa tagal ba nilang nakanganga kanina, sino ba naman mangangalay ang bibig.
“Ano ba ang nangyari sa inyong dalawa? At para kayong nakakita ng multo, huh?” ulit kong tanong sa kanila.
Nakatunganga lang kaming tatlo na nakikinig sa magiging sagot ng dalawa, pero wala pa rin talaga silang naitugon sa amin. Mistulang mga pipi, tanging mga mata lang ang naigagalaw, kahit na nakabalik na naman sila sa dati nilang sarili.
“Iwanan na lang siguro natin silang dalawa, ayaw naman magsalita.” Sinabi ko lang naman ang mga katagang ito, para naman ma-trigger sila at tuluyan nang magsalita.
“Tara,” sang-ayon naman ni Aztar. Buti na lang talaga at nakisama ang dalawa sa naging pasaring ko, aakma n asana kaming aalis nang hinigit nila ang kamay namin.
“Oops, oops, kayo naman, hindi na mabiro.” Tanging usal ni Ave na ngayon ay halos hindi makatingin sa akin.
“So, ano nga? Bakit nga kayo naging ganoon?” pag-uulit ko.
Nagtinginan pa talaga silang dalawa, na parang sila lang din ang nagkakaunawaan. Kaya wala na lang kaming nagawa kung ‘di maghintay na naman kung kailan nila kami sasagutin sa mga turan namin sa kanila.
“Ano? Magtititigan na lang ba tayo rito? Alam niyo, nag-aaksaya lang tayo ng oras ngayon. Kaya tara na, hindi na lang kami magtatanong sa kung bakit kayo natulala kanina, ang importante naman ay pare-pareho tayo lahat na ligtas na nakatawid ng ilog.” May halong inis na ang boses ni Aztar, pero pigil lang ang boses niya, sa tingin ko rin naman ay ako lang ang nakapansin ng boses na iyon ni Aztar.
Nauna na akong lumakad sa kanila, para pangunahan ang paglalakbay. Wala na akong pakialam sa kung ano man ang dahilan kung bakit nagkaganoon sila. Saka isa pa, ang mas importante naman sa ngayon na hindi ligtas kaming lahat. Labis talaga akong nagpapasalamat at nakatawid kami sa buwis buhay na paglalakbay naming iyon.
Tahimik lang naman ang apat na naglalakad sa likod ko, kaya wala akong ibang iniisip kung ‘di ang maglakad lang nang maglakad.
Pero paano nga kaya kami nakarating ng mabilis? Naalala ko pa nga na karga-karga ko pa sa mga oras na iyon si Kith. Tapos may nagbabadyang bulwak na malakas na tubig sa ilog, tapos naalala ko rin na halos baywang na ang taas ng tubig, eh, nasa kalagitnaan pa kami no’n ng ilog.
“Siyanga pala, Deeve, bakit mo nga pala ako pinapakapit kanina sa balikat mo?” natigil ako sa mga naging tanong ko sa aking isipan sa pagkausap sa akin ni Aztar.
Natigilan naman ako sa paglalakad, kasi naman hindi ko naman maiisip ng maayos kong maglalakad pa ako, kaya tumigil muna ako s aka mariing pumikit para maalala ang dahilan. Pero wala namang pumapasok sa utak ko kung bakit ko iyon sinabi sa kanya.
“Ewan, wala akong naalala na rason. O, baka naman kaya lang kita sinabihan no’n, para walang mahiwalay sa atin kung sakali mang bumulwak ng tuluyan ang tubig sa ilog.” Marahan namang napatango si Aztar.
Nakita ko naman sa likod na parang may kung anong tinginan sina Hamina at Ave sa likod. Parang nag-uusap lang sila gamit ang kanilang mga mata.
“Kayong dalawa ba, may alam? Pwede niyo naman sigurong sabihin ‘di ba?” kalmado lang naman ang boses ko, para naman hindi nila isiping galit ako sa kanila.
Nagtutulakan pa silang dalawa gamit ang kanilang mga siko.
“Ikaw na kasi ang magsabi,”
“Anong, ako? Ikaw na lang kasi, Hamina. Kasi ikaw naman iyong mas nakakakita kanina.” Walang tigil sila sa pagtutulakan kung sino ang magsasalita. Napahawak ako sa aking noo, para pigilan ang sarili ko.
Nang si Aztar na ang nagbukas ng usapin.
“Kung wala naman kayong balak sabihin, ayos lang. Saka hindi na lang namin kayo pipiliting magsalita. Tara na, Deeve.” Hindi katulad kanina, na ako lang mag-isa ang naglalakad, kasi kaming tatlo na ngayon ang sabayang naglalakad.
“Ikaw kasi, eh.”
“Anong, ako na naman? Kung sana sinabi mo na lang ‘di ba?” naiirita na talaga ako sa bulungan nila, kaya hindi ko na nakayanan, hinarap ko na sila at kinausap.
“Kung ayaw niyo namang sabihin, huwag na kayong magbulong-bulongan diyan sa likod. Ang ingay kasi.” Anas ko sa kanila, kahit na sa totoo ay nagpipigil na ako ng init ng ulo.
Naikuyom ko ng mahigpit ang aking mga kamao sa loob ng aking bulsa. Para hindi nila makita na nagpipigil ako ng aking inis.
Inakbayan ako ni Aztar na ngayon ay ramdam din siguro ang pagpipigil ko.
…
Sa layo na nang nilakad namin, simula nang nakatawid kami sa mismong tumataas-babang tubig sa ilog, nakakita kami ng isang malaking puno na kahawig ng kay Eon, kaya roon kami nagpasyang maglatag ng aming tent. Sana sa pagkakataong ito, wala nang mga ganoong mga nilalang na nagpapakita sa amin noon sa rati naming napagpahingaan.
Sa palagay ko naman ay wala, kasi wala naman akong nararamdaman na kakaiba. Kaya maayos lang siguro na rito na magpahinga.
Oras na ng pagkain namin, kaya sakto naman na sa pagkatapos naming maglatag ng aming pahingahan, ay may nahulog galing sa ibabaw na isang bag ng pagkain, galing na siguro ito kay Eon, o kay Vee.
Hindi naman natatapon ang mga pagkain, kasi nga selyado palagi ang mga lagayan ng plastic. Saka iniba-iba ng lagay ang bawat ulam at kanin, para hindi maghalo.
Umupo na kami ng pabilog, magdidilim na rin, kaya matapos naming maghugas ng kamay gamit ang mga tubig na iinomin namin, ay kumain na rin kaming nagkakamay. Gutom na gutom ako, kaya hindi ko na alintana pa ang pinaggagawa ng aking mga kasamahan. Kaya panay lang ako subo ng aking pagkain, hanggang sa matapos ako, ininom ko ang aking tubig saka nagpasya munang magpunta sa ibang parte ng paligid para magtingin-tingin ng mga sanga na maaari naming gamitin sa pagpapaapoy para walang lamok.
Ilang saglit lang din ay nakabalik ako sa aming puwesto, dala ang mga sanga na pinagpupulot ko kanina, pero bago pa man ako nakalapit sa kanila ng tuluyan, nagtago muna ako sa tent nang narinig ko ang pangalan ko sa kanilang usapan.
Nagpasya akong gamitin ang kapangyarihan na invisible, at nagplano na umupo malapit sa kanila, para naman mas malinaw kong naririnig ang kanilang mga pinag-uusapan.
Nang inilapag ko muna sa lupa ang nakuhang mga sanga, saka nag-invisible na ako, maingat akong umupo sa malapit sa puno, para makinig ng kanilang mga usapan.
“Ano ba kasi ang dahilan kanina na natunganga kayong dalawa ni Hamina, Ave?”
“Shhh…hinaan niyo ang boses niyo, baka kasi marinig kayo ni Deeve.” Pigil na boses ni Ave, Kaya halos pabulong na lang ang kanyang boses.
“Oo na, ano ba kasi iyon?” seryosong turan ni Kith.
“K-Kasi kanina, nang pinakapit ka ni Deeve sa likod niya, bigla na lang kayong nawala sa paningin namin, sakto naman na bumulwak ang tubig sa ilog at hindi na namin kayo nakita. Nang nagulat na lang kami nang naroon na kayo sa paanan ng ilog at walang mga malay, malayo-layo pa kayo no’n pero kaagad kayong napunta roon sa gilid ng ilog sa isang iglap lang. Sa tingin ko si Deeve ang may gawa no’n. baka isa iyon sa kapangyarihan niya.” Ganoon pala, pero bakit naman hindi nila masabi kaagad sa akin, anong mahirap doon?
“Iyon lang naman pala, akala ko kung ano na, siya lang naman kasi ang may kakayahang magawa iyon, kaya siguro niya ako pinakapit para sa ganoon ay hindi mahirap sa kanyang mag-isip ng paraan sa utak niyang maiahon kami sa ilog ng walang maiiwan.” Naiintindihan ko na, oo, tama! Naalala ko na, nagpikit ako ng mata noon para mag-isip ng paraan para mapabilis kami sa pagdating sa mismong kabilang ibayo ng kagubatan. Mabuti na lang talaga at bago kami natangay ng bulwak ng tubig ay nakaahon kaagad kami.
Nagpasalamat ako sa itaas, napaangat ako ng ulo saka nagpasalamat sa mas makapanguarihan sa lahat.
Nalimutan kong invisible pala ako, nang unti-unti kong pinasawalang-bisa ang aking mahika, kaya nanlaki ang mata nila nang makita ako, na nakasandala lang dito sa puno.
“D-Deeve? K-Kanina ka pa ba riyan?” ‘di makapaniwalang tanong nila.
“Oo, saka huwag kayong mag-alala, narinig ko ang lahat. Kukunin ko lang muna ang mga sanga na iniwan ko sa likod ng tent, para hindi tayo malamigan.
Kaagad naman akong tumayo saka iniwanan sila, hindi naman ako galit sa kanila. Saka naiintindihan naman nila ang ginawa kong iyon. Katulad na lang ng sinabi ni Aztar. Baka nagulat lang sila na mayroon akong ganoong klase ng kapangyarihan. Ako nga hindi ko naalala.