Kabanata 42

2226 Words
Kabanata 42             Umaga na, nagtutulakan pa kaming lima kung sino ang mauunang lalabas.             “Ikaw na ang mauna, Deeve.” Tulak pa ni Aztar sa akin.             “Anong ako? Dapat ikaw, kasi alphabetical order tayo.” Nag-isip talaga ako ng paraan para sakaling siya ang maunang lumabas.             “A nga ang unang letra ng pangalan ko, pero Z naman ang kasunod,” malokong tumingin si Aztar kay Ave.             “Oo na, oo na. Ako na.” natigilan kami sa naging usal ni Ave. Wala man lang siyang kontra sa pagtulak namin sa kanya na siya ang maunang lumabas.             Sa katunayan niyan, kanina pa talaga kaming gising lahat, kaso nga lang…dahil sa pangyayari kagabi. Walang niisa sa amin ang gustong lumabas ng tent. Sa sobrang napakamapaglaro ng aming isipan, naduduwag kaming lumabas. Maski pagsilip lang sa labas ay hindi namin magawa.             “Sigurado ka ba talaga, Ave?” pambawing tanong ko sa kaibigan. Nakaramdam kasi tuloy ako ng konsensya.             “No choice, ako iyong kailangan---.”             “Teka, ‘di ba Lavender naman ang pangalan mo, so that means letter L ka, kaya hindi dapat na ikaw ang tumingin sa labas. Dapat talaga si Aztar.” Dahil sa sinabing iyon ni Hamina. Napatingin kami sa gawi ni Aztar. Na ngayon ay inaangat-angat pa niya ang kanyang dalawang kilay, saka nginunguso ang kanyang labi.             “Oh? Anong mga tingin naman iyan? Oo na, ako na. Kayo talaga kahit kailan naghahanap talaga kayo ng paraan para ako ang ipain niyo sa labas. Ano ba ang ikinatakot niyo rito sa labas, wala na naman ang mga nilalang na iyon dito.” Habang abala siya sa pagtatalak sa amin, binubuksan naman niya ang zipper ng tent at tuluyan na nga rin siyang nakalabas ng tulugan namin. Hinarap niya kami saka pinaglebel ang kanyang kamay sa bandang dibdib, sabay taas ng kanyang mga balikat.             "Sabi ko sa inyo wala na, eh. Kayo talaga puro takot ang pinapairal niyo sa inyong ulo. Lumabas na nga kayo riyan.” Sumunod na nga ako kay Aztar. Nang patuloy pa rin akong nagmamasid sa buong paligid. Wala na nga ang mga umaali-aligid sa amin kagabi. Maliban na lamang sa mga kakaibang mga bakas sa lupa. Animo’y mga apak ng mga kabayo. Ito siguro ang mga paa ng mga tikbalang kagabi na patakbo-takbo kagabi. Yumukod ako saka hinawakan ang bakas ng nasa lupa.             Hindi ko alam na nasa likod lang pala sila sa akin at sinusundan lang kung ano ang aking tinitignan.             “Ano iyang tinitignan mo riyan, Deeve?” usisa ni Ave sa ginagawa ko. Kaagad naman siyang tumabi sa akin at yumukod na rin kagaya ng ginawa ko. Saka pinakita ko sa kanya ang mga bakas ng mga paa.             “Tama ka nga, Deeve. Iyan nga ang mga paa ng mga nilalang na iyon. Huwag na lang natin banggitin ang mga pangalan nila, baka bigla na lang silang sumulpot dito, mahirap na. Nakatatakot pa namang makakita ng ganoong klaseng mga nilalang.” Pagsasabi niya ng totoo. Normal lang naman ang matakot, mismo naman ako natatakot din makakita ng ganoong mga nilalang. Saka mga tao kami.             “Dapat lang din naman na sanayin natin ang ating mga sarili na makakita ng mga engkantong kagaya nila. Dahil sa pagdating ng pagkakataong makahaharap natin ang mga ganoong nilalang sa pangalawa nating misyon. Baka mas mangibabaw pa sa atin ang takot, kaysa sa lumaban. Kaya magpakatatag lang tayo. Kahit na ang totoo ay may takot pa ring nakabaon sa ating mga sistema.” Mahabang payo ni Aztar. Hindi man direkta ang pagkasabi niyang natatakot din siya. Pero labis akong natutuwa dahil hindi lang pala kami ang mayroong naramdaman.             “Teka nga pala, muntikan ko nang makalimutan.” Agaran akong tumayo. Nilingon-lingon ang paligid. Saka hinanap ng mga mata ko si Hamina.             “Puntahan ko lang si Hamina.” Paalam ko sa kanila. Nasa malapit pa kasi ng tent ang dalawa. Sinamahan pa rin ni Kith ang kaibigan.             “Samahan ka na namin, Deeve.” Sumama naman ang dalawa sa akin, mga ilang hakbang lang din ay nandito na kami sa harapan nilang dalawa.             “Hamina, kumusta na ang pakiramdam mo? Natatakot ka pa rin ba?” marahan naman siayng umiling.             “Hindi na masyado, saka pasensya na talaga kayong lahat sa akin kagabi, hindi ko napigilan ang kaduwagan ko.” Iniling-iling ko ang aking ulo.             “Don’t say such words like that, Hamina. Hindi dahil sa natatakot ka kagabi ay duwag ka na. Remember, we are called a group, to fight and to protect each other. So, don’t let your imaginations detroy our strength. Nandito lang kami para sa iyo, at alam naming nandiyan ka rin para sa amin. Kung ano man ang ikinatakot mo, walain mo na iyan ng paunti-unti para naman hindi ka na mapagod sa kaiisip ng kung ano-ano. Saka hindi natin maiiwasang makalaban natin sila sa darating na mga araw, habang umaabante kasi tayo ng lakad, palapit rin tayo nang palapit sa Hilaga kung saan na magsisimula ang totoong laban ng buhay.” Mahabang salaysay ko sa kanya. Gusto kong ipahayag sa kanya na hindi namin siya pababayaan. Kaya huwag na siyang mag-alala pa.             “Tama ang sinabi ni Deeve, Hamina. Kaya ngumiti ka na riyan at kagabi pa iyan nangangalay si Kith. Hindi lang iyan nagsasalita. Mukhang mas mabigat ka pa naman kay Kith.” Imbes na seryoso ang lumabas sa bibig ni Aztar. Sa tingin ko ay panunukso na niya iyon kay Hamina. Kaya ito namang si Hamina, nagsimula nan gang mag-usok ng ilong. Mabuti na lang talaga at napigilan pa ni Kith ang dalaga para sugurin si Aztar. Natatawa na naiiling na lang ako sa kanilang kakulitan. Mas mainam na rin na ganito, kaysa naman makita namin si Hamina na matamlay, at kinakain ng takot.             “Tutuloy na ba tayo sa paglalakbay?” usapan namin matapos naming makakain, pinadalhan na naman kasi kami ni Eon ng agahan. Napapansin na rin naming hindi na namin nakakausap si Vee. Ano na kaya ang nangyayari sa kanya? Posible kayang may mga nangyayari sa mundo ng mga tao at abala ang tagapangalaga sa mundo namin?             “Oo mamaya, pero makinig muna kayo sa tanong ko.” Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi sila tanungin sa kung ano ang tumatakbo sa isipan ko.             “Ano iyon, Deeve?” sabay nilang usal.             “Napapansin niyo bang si Eon na lang ang kumakausap sa atin? Hindi na natin masyadong naririnig ang boses ni Vee, sa tingin niyo, ano kaya ang nangyayari sa kanya?” paunang bungad ko sa kanilang katanungan ko.             “Hmm…malay natin, abala siguro. Bakit? Ayaw mo bang si Eon ang nakauusap natin?” agaran akong napailing.             “Hindi, ah. Ang gusto ko lang naman sabihin na napapadalas nang hindi natin nakauusap ang tagapangalaga, baka kung ano na ang kababalaghang nangyayari sa mundo ng mga tao, kaya siya wala ng oras na makipag-usap sa atin. Nakuha niyo baa ng punto ko?” marahan naman silang tumango. Kaya napabitiw ako ng napakalalim na hininga.             “Eh, ‘di tanungin na lang natin si Eon. Kung ano ang nangyayayri kay Vee. Para naman walang katanungang gumugulo riyan sa isipan mo.” Ani Aztar.             “Kunwari ka pang walang pakialam,” bulong ko sa hangin.             “Ano ‘yon, Deeve?” natawa na lang ako ng palihim.             “Wala, kinakausap ko lang ang sarili ko.” Inginuso niya ang kanyang labi, sabay tango.             “Mamaya na lang siguro natin abalahin si Eon.” Aniya pa.             “Ako na lang ang tatawag.” Presenta ko.             Nang biglang nagliwanag ang batong nasa gitna namin. At nakita namin ngayon ang mukha ni Eon.             “Eon,” anas ko.             “Naririnig ko ang mga pinag-uusapan ninyo riyan, ano pala ang mga tanong niyo?” narinig pala niya kami, nahiya naman tuloy ako.             “Hmm…ayon nga ang tanong ko.” Hindi ko magawang ulitin, kasi nga nahihiya na ako.             “Oo nga naman, narinig ko na kanina, bakit ko pa tatanungin sa iyo kung ano iyon. Kahit minsan talaga ako, shunga rin talaga.” Panlalait niya sa kanyang sarili. Natawa ako sa salitang shunga na ginamit niya. May alam pa lang salita ang punong kahoy na ito.             “Sa tanong mo, ninyo. Tungkol kay Vee, abala nga talaga siya sa mundo ninyo. Dahil mas lumalakas at lumalago ang mga kalaban na pinapadala niya sa mundo ng mga tao. Kaya magulo na ngayon doon, pero huwag kayong mag-aalala, dahil ang mga pamilya ninyo ay amin nang pinotreksiyonan ang inyong mga tirahan, saka pinagbabawal na ring lumabas ng bahay, kaya nag-stock na rin sila ng kanilang makakain sa loob ng napakahabang panahon.” Nabuhayan ang dugo ko sa naging turan ni Eon.             “Paano ang dad ko? Eon?”             “Si Mr. Ruiz ay maayos lang ang kalagayan, huwag kang mag-alala, kahit na sila ang kumakalaban ngayon sa mga nagsusulputang mga engkanto roon at mga gumagalaw na mga puno. May proteksyon pa rin na nilagay si Vee sa ama mo, para kung sakaling matamaan man siya. Hindi siya tablan.” Nakahingang malalim naman si Aztar. Kahit papaano ay hindi kami gaanong mag-aalala sa aming mga magulang. Dahil nga kay Vee. Ginagawa niya ang parte niya roon para maprotektahan ang mga mahal namin sa buhay at sa ibang mga tao roon. Kaya bilang sukli ay dapat gagawin din namin an gaming misyon ng maayos, para maging maayos na rin ang lahat.             “Siyanga pala, Eon. Saan na pala kami susunod na pupunta ngayon? Gusto naming magtanong kung saan sa mga ito kami daraan?” kinuha ko na ang pagkakataong tanungin ang kaibigan sa kung saan kami nararapat na magpunta. Para hindi na kami manghula pa. Baka maligaw pa kami.             “Sa kanan. Dahil naroon ang papunta sa kung saan may rumaragasang tubig. Kailangan niyo iyong tawirin papunta sa kabilang ibayo ng Kanluran.” Usal niya. Nakikinig lang sa ang mga kasamahan namin. Nagpaalam na rin si Eon. Nang kami naman ngayon ang nag-uusap-usap sa maaari naming gawin ngayon. Gumawa kami ng plano sa gagawing pagtawid sa sinabi kanina ni Eon na tubig. Anong klaseng anyong tubig naman kaya iyon? Saka hindi naman siguro dagat, dahil nga nandito kami sa bukid.             “Baka mga ilog, o hindi ba, batis. Talon?” pag-iisa-isa ni Ave sa mga anyong tubig sa bukid.             “Hmm…sa tingin ko isa sa mga iyan nga ang tinutukoy ni Eon kanina. Pero kahit na ganoon ay nakaramdam ako ng kaba, paano kung ang tubig na pagtatawiran namin ang napakalalim?             “Kung sakaling malalim ang tubig na iyon, ipagsapalagay na lang natin na ilog an gating tatawirin, so, kailangan nating sulungin ang mga rumaragasang agos ng tubig nito. Ang lahat naman ‘di ba ay marunong lumangoy?” nagtango naman sila, maliban sa isa.             Tinapik ko si Kith sa kanyang balikat.             “Ako ang bahala sa iyo.” Inangat naman ni Kith ang kanyang mukha saka tinignan ako ng mapanuri.             “Oo nga naman, nandito rin naman kami, kaya huwag kang mag-alala, hawak kamay tayong lahat.” Dagdag pa ni Aztar.             “Pasensya na talaga kayo sa akin, kung sa puntong ito ako ang nagbibigay sa inyo ng hirap. Pero huwag kayong mag-aalala, hindi ko pabibigatin ang sarili ko.” Pambawi niya.             “Asos! Para ka namang iba, saka ano ka ba, hindi naman kasi tayo mga perpekto. Mayroon din namang mga kakulangan ang isa sa atin, kagaya mo, hindi marunong lumangoy, kami naman may sari-sariling kinatatakutan. Kaya huwag mo nang isipin ang mga ganyang bagay.” Pag-aalo ko kay Kith. Mabuti na lang ay bumalik na sa kanyang labi dahil sa nasabi ko.             Masaya talaga ako, kapag nakikita ko ang lahat na masaya. Dahil sila na ang itinuturing kong pamilya rito at mga totoong tao na naging mga kaibigan ko.             Uminit ang kwentas ko, ibig sabihin na naman nito ay may tawag na naman kami galing kay Eon, o, ‘di kaya ay kay Vee. Pero sa tingin ko si Eon ito.             “Oh? Bakit ka ulit napatawag? Eon?” sabay namin ni Aztar. Kaya nagkatinginan kaming dalawa saka nagtawanan. Naiiling sabay balik ulit sa pagkausap sa kaibigan. Nakikinig na rin ang iba sa anunsiyong gagawin ni Eon.             “Magmadali na kayo ngayon na lumakad. Dahil ang inyong tatawiran na tubig ay kakaiba, tumataas-baba kasi ang tubig.” Ani Eon na ikinakunot ng aking noo.             “Anong ibig mo bang sabihin sa tumataas-baba ang tubig, Eon?” si Aztar na ang nagtanong.             “Ang ibig kong sabihin, pabigla-biglang tumataas ang lebel ng tubig, saka bumababa rin. Kaya kung tatawid kayo roon, malalaman niyo rin ang ibig kong sabihin, kaya mas mainam talaga na maglakbay na kayo ngayon, habang maaga pa. Kung sakaling gabi na kayo makarating doon, huwag niyo nang ipilit na tumawid ng ilog.” So ang anyog tubig na tatawiran namin ay isang ilog.             “Gaano ba kalapad at kalalim ang ilog, Eon?”             “Mga nasa limang kilometro ang haba ng ilog, saka may lalim itong lagpas sa ulo. Kaya kailangan marunong kayong lumangoy, kung may isa sa inyong hindi marunong, kailangan niyo siyang alalayan. Alalahanin niyo palagi na mag-ingat, dahil ilog iyon, malakas ang ragasa at agos ng ilog na iyon.” Dagdag impormasyon ni Eon, bago pa ito nagpaalam. Tulala kaming lima ngayon. Nag-iisip ng paraan  para makatawid sa ilog. Kahit na wala pa kami roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD