Kabanata 1
Malamig at maulan na hapon, habang ako’y tulala na naglalakad lamang na sa gilid ng kalye, walang pakialam kung saan dadalhin ng aking mga paa. Ang gusto ko lang ay marating ang hangganan nitong walang katapusan na sementong dinadaanan. May nakakasalubong akong mga sasakyan, pero ako naman ay kanilang iniilagan.
“Hoy! Kung gusto mong magpakamay, huwag kang mandamay ng iba! Bwiset! Tumabi ka nga, o baka mas mabuting tumalon ka na lang diyan sa tulay! Tsk!” iritadong sigaw nang napadaan na lalaki sakay ang kanyang magarang sasakyan. Marahan naman akong napatingin sa banda kung saan ay nasa gilid na pala ako ng tulay. Hindi ko na lang namalayan na nandito na pala ako, ibig sabihin lang nito na malayo-layo na talaga ang nalakad ko.
Marahan akong tumalikod sa kalye at lutang na lumalapit sa harang na bato nitong tulay. Naiiyak na naman ako kasabay ng pagbuhos ng malakas na pagbuhos ng ulan. Napapaisip na lang ako habang nakatingin sa umaagos na tubig nitong ilalim ng tulay. Kung bakit ako ipinanganak na duwag? Kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga magawang protektahan ang aking sarili sa mga kaklaseng mapang-api. Kung noong nasa elementarya ako, nakakaranan na ako ng pam-bu-bully, pero hindi naman ganito kalala nitong nasa sekondarya na ako. Ganito ba talaga kapag mahihina? Pero bakit nga naman ba kasi ako mahina? Kalalaking tao ko pero hindi ako marunong lumaban.
Nakakainis!
Sinabunutan ko ang aking buhok dahil sa sobrang frustration sa sarili. Araw-araw na lang ganito, walang lugar sa paaralan, walang lugar sa salitang payapa at kasiyahan. Paano ko ba matutuldukan ang lahat ng pasakit na dala nila sa akin. Wala naman akong problema sa mga magulang ko, pero bakit nga ba ako ganito ngayon? Punong-puno na ako, sawang-sawa na ako sa paulit-ulit nilang pang-aapi. Gusto ko na lang sumuko.
Nakatanaw na ako sa kawalan nitong tulay, para akong tinatawag ng mga agos ng tubig kung saan magkarugtong ang dagat saka anyong tubig na nanggagaling sa bukirin ng Illustrado.
Noong umalis ako sa bahay at nagdesisyong magrenta na lang ng isang apartment ay excited ako dahil nga unang araw ko sa papasukang paaralan na El FedericoAcademy, pero ang lahat ng excitement ay nawala nang napuno ako ng mga tukso at kung ano-ano pa. Ano baa ng nangayayari sa paaralang ito? Parang ako lang ang nakikita nilang pwedeng api-apihin.
“Pagod na pagod na ako, ayaw ko na rito sa mundo, ma, pa, patawad…pero hindi ko na po kayang mabuhay rito sa mundo na punong-puno ng mapang-api. Ayaw kong sabihin sa inyo dahil ayaw ko kayong madamay. Ayaw kong makaramdam kayo ng lungkot, ma, pa, mahal na mahal ko kayo. Pati na rin ang mga kapatid ko. Mag-ingat kayoo palagi. Paalam.” Hinanda ko na ang aking sarili sa pagtalon, nakapikit na ako at nag-uunahan na sa pag-agos ng aking mga luhang galing sa mata papunta sa pisngi.
Ang sikip-sikip na ng ilong ko dahil sa labis na pag-iyak. Nanlalabo na ang paningin dahil sa mga luhang nakaarang. Basang-basa na ako nang dahil sa ulan, at higit sa lahat, nagmumukha na akong ewan na nakakapit sa mismong tulay.
Nagbilang ako sa aking isipan ng isa hanggang sa lima.
Pero nang nasa pang-apat na akong pagbibilang, napabitiw na ang isa kong kamay sa hawakang bato. At sa panlimang bilang, tuluyan na nga akong kumawala at handa ng mahulog sa napakataas na tulay pabagsak ng tubig.
“Hijo, may dumating na delivery para sa iyo, hijo, gising na.” nagsisigaw ako sa labis na takot nang pabagsak na ako sa mismong tubig nang parang nahinto ako sa gitna ng pagbagsak.
“Hijo,” naririnig ko na may tumatawag.
“Hijo, Deeve,” pangalan ko iyon, sh*t!
Abot-tahip na ang aking paghinga at kaba ang namamayani sa aking dibdib sa lakas ng dagundong ng aking puso. Akala ko’y totoo na, nang wala naman pala ako sa tulay at wala na akong nakikitang tubig.
“Manang? Bakit kayo nandito?”
“Ahh, pasensiya na, hijo, kung basta-basta na lang akong pumasok dito, may dumating kasi na delivery para sa iyo, tinanggap ko naman kasi nga tapos na naman dawng bayaran.
“Naku! Salamat po, manang. Nakatulog po pala ako.
“Oo hijo, kanina pa kita ginigising pero ngayon ka lang napabangon. Napagod ka tuloy riyan sa pagsusulat mo sa iyong maliit na TV.”
“Ahh, computer poi to, manang, I mean laptop. Hindi poi to TV.” Napakamot naman ang matansa sa kanyang anit saka nahihiyang ngumiti.
“Ahh, ganoon ba, hijo. Wala kasi sa amin niyan sa probinsiya, sige, hijo. Balik lang muna ako sa aking ginagawa,”
“Sige po, maraming salamat po.”
Tinignan ko ang package na pinadala ni mama sa akin, naka-receive kasi ako ng text kanina sa kanya na may ipapadala raw siya, hindi ko naman lubos akalain na ngayon pala darating. Ang bilis-bilis.
Napako ang aking mga mata sa laptop dahil sa bigla na lang itong nagliwanag kahit na hindi ko naman iyon ginagalaw.
Nakabukas pala ito sa MS Word, nagsusulat nga pala ako kanina, napaidlip, pero ano ang panaginip kong iyon? Bakit parang totoo?
Binasa ko ang naitipa ko literal na nanlaki ang mata ko saka bagsak ang aking panga dahil ang kaninang napanaginipan ko ay iyon din ang nakasulat sa mismong kwentong sinusulat ko. Kaya siguro ako nanaginip ng ganoon, kasi iyon ang naisulat ko kanina. Weird. Ngayon lang kasi ako nanaginip ng ganoon kapag napapaidlip sa pagod sa kasusulat at pagtitipa.
Pero sa parte na palagi na lang akong binu-bully, iyon ang hindi lang isang panaginip. Dahil totoo talaga iyong nangyayari sa akin, pero katulad ng isinusulat ko sa bawat kabanata ng aking kwento ngayon na isang fantasy, dumating na rin sa punto na napapaisip na lang ako kung bakit nga ba ang dalidali kong apihin? Ano nga baa ng nakikita nila sa akin?
Kung hindi lang dahil sa pangarap kong maging isang sikat na manunulat balang-araw, at sa pamilyang umaasa sa aking pagtatapos at ang kanilang walang humpay na suporta at pagmamahal, baka noon pa lang ay tumalon na ako sa tulay.
Naiiling na lang ako at sinarado na muna ang aking laptop matapos iyong ma-save. Nahiga na muna ako sa kama at ipinagpatuloy ang kaninang naudlot na pagtulog. Nakaramdam na rin kasi ako ng pagkirot at pamamanhid ng batok saka sa likod sa tagal ko sigurong ganoon na posisyon