Kabanata 8

1110 Words
Kabanata 8             Mataas na ang sikat ng araw, hindi ko na alintana ang maalinsangang panahon, dahil na rin sa ‘di magandang pakiramdam ko ngayon. Hindi naman ako mainit, pero kumikirot ang aking ulo, may pumipintig-pintig sa loob nito. Baka nasobrahan lang ako sa pagtitig kagabi sa aking laptop. Doon ko kasi ibinuhos ang lahat ng frustration na naramdaman ko for the whole week.             Sa kadahilanang tinanghali na nga ako ng gising, wala akong choice kung ‘di ngayong hapon na papasok. Nilalamig ang katawan ko, para akong nalalantang pananim na hindi nadidiligan. Wala akong lakas na bumangon.             Pinilit ko na lang ang sariling tumayo, dinala ako ng aking mga paa malapit sa aking water dispenser at doon nagsalin ng tubig para makainom ako. Mabuti na lang talaga, sa pagsimsim ko ng tubig, dahandahang bumabalik ang lakas ko. Gayunpaman, hindi pa rin naibsan ang panankit ng aking ulo.             Pero sa mga oras na ito, kaya ko na naman.             “Mabuti pa, ililigo ko na lamang ito, baka iyon lang ang hanap ng katawan ko.” Kausap ko sa sarili. Dimiretso na ako sa banyo, tinatanggal ko na ang mga saplot ko sa katawan, bago nagbuhos ng tubig, nag-sign of the cross na muna ako.             Nagbilang ng isa hanggang tatlo sabay buhos ng isang tabo ng tubig sa aking ulo. Ang lamig ng tubig!             Nagmadali na akong matapos maligo, para naman maaga akong makapunta sa El Federico Academy. Ilang sandali lang ay natapos na rin ako, kumain ng tanghalian, kasi nga hindi na naman iyon matatawag na agahan.             Tanging notebook at ballpen lang ang dala ko. Wala namang importanteng gagawin sa hapon, saka PE rin naman, kaya hindi kami sa room maglalagi. Nakapang-PE uniform na nga rin lang ako.             “Oh? Ngayon ka lang pala nagising, Hijo? Nakakain ka na ba?” natigilan si manang sa paglilinis ng kanyang bakuran.             “Opo, katatapos lang po. Natanghali po ang gising kaya hindi ako nakapasok sa umaga.” Pinipilit ko lang talagang pasiglahin ang boses ko, para hindi mapansin ni manang ang panlalanta ng buong katawan ko. Mukha kasing lumubha nang pagkatapos kong maligo. Sana pala naghilamos na lang ako.             “Sige, hintay lang muna, may kukunin lang ako sa loob.” Sinundan ko lang ng tingin si manang. Malayo pa naman ang oras kaya hindi ako nagmamadali sa ngayon. Nakapamulsa lang ako, sabay inaaliw ang ang mga mata sa buong paligid. Ngayon ko lang napansin na ang linis-linis ng paligid, kahit na may pagkaluma na ang bahay, nakikinita pa rin ang kagandahan nito. Antique kumbaga.             “Ito, Hijo. Sa iyo na ito, palagi mo itong isuot, ha?” may pagtataka sa isipan ko, pero hinayaan ko lang si manang na isuot sa akin ang kwentas na kulay ginto.             “Para saan po ito, Manang?” ‘Di ko mapigilan ang sariling hindi magtanong.             “Proteksiyon mo ‘yan, sa mga taong---.”             “Po?”             “Sabi ko, magtungo ka na para hindi ka mahuli sa klase mo.” Tinalikuran na ako ng ginang, saka nagligpit na ng mga gamit panglinis, saka pumasok na ng loob ng apartamento.             May kakaiba talaga sa caretaker na ito, minsan napapaisip ako, kung caretaker lang ba talaga siya rito, o siya ang may-ari ng apartamento na ito. Pero imposible, iba kasi ang mukha ng nasa larawan na sinabi niyang may-ari ng bahay. Baka hindi nga, bakit ko nga pala iniisip kung siya o hindi ang may-ari ng bahay?             Hmm…pero para saan pala ulit ang kwentas na ito? Hindi ko masiyadong marinig ang huling mga salitang nabanggit niya.             ‘Di bale na nga lang, pumara na ako ng tricycle, para makasakay papunta sa aking paaralan.  Nasa gate pa nga lang ako, hindi na maganda ang pakiramdam ko, parang uminit ang kwentas na isinuot ni manang sa akin.             Hindi ko na lang inalintana iyon, pumasok pa rin ako sa loob ng academya. Mabibigat ang paghakbang ko ng aking mga paa. Parang may gustong pumigil sa akin na magpatuloy sa paglalakad. Pero hindi naman pwedeng hindi ako magpatuloy, kasi nga may klase pa ako.             Ilang minutong panlalaban sa sarili, nasa bukana na rin ako ng silid namin. Nang napansin kong sarado ang pinto, pati ang mga bintana ay sarado rin, hindi ko alam kung kakataok, pipihit, o papasok na lang ba agad ng silid.             Sinubukan ko namang sumilip, pero wala akong makita, mas nangingibabaw sa loob ko ang pagpihit ng siradora. Malakas ang t***k ng puso ko, gayon din ang pang-iinit ng kwentas na suot ko. Ano ba ang mahikang mayroon ang kwentas na ito?             Mahina kong itinulak pasarado ang pinto ng silid. Nang wala man lang akong maaninag na kahit kaunting liwanag.             Hindi ako gumawa ng kahit na anong ingay, pati paghinga ko ay hindi na rin normal, taas-baba aking balikat, sa kabang naramdaman. Ngayon lang kasi nangyari na madilim ang silid. Baka wala kaming pasok ngayong hapon.             Mainam na lumabas na lang ako, hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan kanina, kaya niliko ko na ang sarili at hinarap ang pinto para sana pihitin ito, nang---.             “Aray!” napadaing ako nang biglaang hinigit ang aking buhok. Namayani na ang kirot ng aking anit, mistulang mapupunit na ito.             “At saan mo naman balak pumunta, Deeve?” bulong nito sa aking tainga, na nakapagpataas ng aking mga balahibo sa aking buong katawan.             “S-Sino ka?” hindi ko matunugan ang mga boses nila, dahil siguro sa sakit na natatamasa ko ngayon-ngayon lang. Dagdagan pa ng hindi magandang pakiramdam na kanina ko pa iniinda.             “Nakalulungkot namang isipin, Deeve, ultimo boses namin, hindi mo nakikilala. Mas mainam na siguro iyon, para hindi mo kami multuhin, kung sakaling malalagutan ka na ng hininga.” Halinghing na ang aking naririnig, hindi ko na malinawan ang kanyang sinasabi, pero ang kanyang pabango, kilalang-kilala ko!             “Mikel!” pumalakpak pa ito.             “I am touch, at nakilala mo ako, pero---.” Malaki ang boses na banggit nito, kasunod ang mga tunog ng mga metal, at kaluskos ng mga bagay na hindi ko mawari kung ano.                        May biglang pumalakpak ng dalawang beses. Sabay dagdag sa kasunod na pasaring ni Mikel.             “---hindi ko matatanggap ang panggagago mo sa sagot sa exam! At paglapit mo kay Faye na aking pinopormahan! Magpaalam ka na!” Umalingawngaw ang boses nito sa buong paligid ng silid, kasabay ang pagtama ng matigas na bagay sa aking ulo, nahihilo na ako’t, nanghihina ang buong katawan.             “T-Tulong, t-tulongan ninyo ako.” Mahinang halinghing ng aking boses.             Kitang-kita ko pa ang pagbukas ng pinto ng silid, at tanging mga anino na lang ang nakikita ko, ilang sandali lang ay kusa na ngang pumipikit ang aking mga talukap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD