Kabanata 11

1202 Words
Kabanata 11             Mistulang makina ang mga kamay ko sa bilis kong magtipa. Hindi naman ako nakararamdam ng pagod. Halos hindi ko na magawang pigilin ang aking mga kamay, ‘di ko na rin alam kung paano patitigilin ito. Parang may kumukontrol mismo ng kamay ko, napako ang mga mata ko sa mga letrang nakasulat sa kwentong aking sinusulat.             Ngayon ko lang napansin, na ang kwento kong kasalukuyang pinagbuhusan ng oras, ito rin pala ang sinusulatan ko ngayon, pero hindi ko alam kung ano ang mga laman na nito, kasi nga, hindi naman ako ang nag-iisip, ang kamay ko lang ang gumagawa ng kilos.             “M-Maraming nawawalang mga bata sa El Federico Academy, kung saan ay kasalukuyan akong nag-aaral. Kinakabahan ako no’ng unang pag-apak ko sa pasilyo papunta sa aming silid, sa kadahilanang tatambangan na naman ako ni Mikel at ang mga kaibigan nito.” Sinimulan ko nang basahin ang iilang parte nang mga naitipa ko.             Bakit mga personal na pangalan na ang nakasulat nito, ‘di ba nga ibang pangalan naman ang gamit ko sa mga tauhan ko rito? At bakit ito ang itinitipa ngayon ng aking mga kamay, anong mayroon sa akin? Nababaliw na ako sa kaiisip.             Nangangalay na ang mga braso ko, ngayon ko lang napansin ito. Kinakagat ko na ang aking ibabang bahagi ng aking labi, para tiisin ang pangangalay ng aking braso, nang sa isang iglap lang ay nagpalabas ng liwanag ang monitor ng aking laptop, dahil sa sobrang liwanag nito, ipinaling ko ang aking ulo sa kanan, habang nakalukot pa rin ang mukha. Patuloy pa rin ang pagtitipa ng mga kamay ko.             Pero ibang klase ang init na hatid ng liwanag. Para akong pinapaso. Kaya buong lakas ko na ngang binawi ang kamay ko, nang sa wakas, natigil ko rin ang ginagawang kababalaghan ng kamay ko. Napatilapon pa nga ako dahil sa lakas ng impact ng paghila ko sa sariling kamay.             Nakaupo na ako ngayon sa sahig, sabay titig ng aking mga kamay, wala naman akong nakikitang kakaiba, ang hindi ko lang maisip kung bakit nagkaganoon.             “Tulungan mo kami, Deeve, tulong.” Ngayon nama’y mga mistulang bulong ng mga humihingi ng tulong ang aking naririnig.             “Ikaw lang ang makaliligtas sa amin, Deeve.” Iyak nang iyak nitong bulong, ewan ko, nababaliw na ba ako? May mga tinig akong naririnig.             Nilapat ko ang dalawang palad sa dalawa kong tainga. Saka sinubsob ang mukha sa aking nakabaluktok na mga tuhod. Para hindi ko marinig ang mga boses.             “Sino ba kayo? Tumigil na kayo!” bawat mga salitang sinisigaw ko, ay punong-puno ng takot at pangamba.             Mga ilang minuto kong pinakiramdaman ang paligid, wala namang pagbabagong nangyari, kumalma na rin ang buong silid. Pero maliwanag pa rin ang pinanggalingan ng laptop. Marahan akong tumayo, para matignan ang aking gamit. Nang sa pagtayo ko’y napako kaagad ang aking mga mata sa monitor ng aking laptop. Nagkulay lila ito, saka parang isang video screen saver lang ito kung titignan, gumagalaw ito na parang paikot-ikot. May mga parang illusions na nakikita. Pero sa pinakasentro nito ay bilog na itim. Bilang isang fantasy writer, maihahalintulad ko ito sa isang lagusan. Lagusan kung saan ay kapag napasok ka rito ay mapupunta ka sa ibang mundo. Mundo na hindi mo aakalaing nag-e-exist pala sa mundong ibabaw.             At dahil nga malikot ang aking imahinasyon, sinubukan kong ilapit ang aking daliri sa bukana ng bilog na itim, nang nanigas ang aking katawan sa gulat nang paghigop ng kamay ko.             Hindi ako maniniwala sa portal. Kasi nga kathang-isip lamang ito ng aking mga kapwa manunulat, at saka, katulad sa mga hindi ko malamang panaginip. Natatakot din ako kung ano ang nag-aabang sa akin sa kabilang mundo.             “Para namang sigurado ako na portal nga ito, tsk! Tama na nga ang kabaliwan na ito, makatulog na nga at papatayin ko na itong laptop---k--woah!” naidikit ko ang kamay ko sa monitor ng laptop, kaya hinigop ako sa loob nito. Wala akong kaide-ideya sa nangyayari sa akin. Paikot-ikot lang ako na parang lumilipad sa ere! Ano ba itong napasok ko? Hindi na yata ako makababalik.             “Ma, Pa, Kuya. Ma-mi-miss ko kayo.” Naiinis ako sa sarili, panaginip lang ba ulit ito? Dahil kung panaginip lang, sana nga.             Animo’y nasa isang napakahabang spiral slides ako ngayon sa tagal ng paikot-ikot ko rito sa loob ng hindi ko malamang bagay.             Ipinikit ko na lang ang aking mga mata, sabay pulupot ng aking kamay na nakakrus sa harap ng aking dibdib. Ipinagsabahala ko na lang ang lahat, kung saan ako dadalhin ng pagbagsak ko.             Naglalaro na sa isipan ko ang mga bagay na maaari kong makita sa kabilang panig ng mundo. Mga bagay na malimit nating makita sa totoong buhay.             Mataman lang na nakapikit ang aking mata, nang napaimpit ako dahil sa pagbagsak ng puwetan ko sa lupa. Na wala man lang nakaharang na kahit na ano mang malambot na bagay. Ano pa ba ang inaasahan ko? Tama na naman ako ng iniisip kanina, kagaya na naman ito sa mga panaginip ko. Pero ngayon, hindi ko masasabing panaginip lang ito. Dahil sa nararamdaman kong sakit.             Nang nakabawi na ako sa kaninang pagbagsak. Nakaupo pa rin ako, habang hinahaplos-haplos ang aking likod.             Mayayabong na puno ang nakikita ko sa paligid, inilibot ko ang buong paningin sa buong paligid. Nang wala naman akong ibang nakikita kung ‘di ay mga puno.             Habang ako naman ay nasa gitna nitong patag na lupang napupuno ng mga berdeng damo. Para akong pinanggitnaan ng mga puno. Wala rin akong nakikitang katulad ko, kaya ang ginawa ko na lang ay magpalilim sa isang puno na malapit sa akin.             Iniisip kung ano na ba ang kasunod kong gagawin, o baka ito na ang katapusan ng aking buhay, dahil hindi na ako magigising sa aking napakahabang pagtulog kung sakaling panaginip lang ito.                        Nandoon lang naman ako sa silid-aralan namin kanina, hanggang sa napunta ako sa harap ng laptop ko at walang sawang nagtitipa. At ngayon naman, ako’y nag-iisa sa kalagitnaan ng kagubatan.             Ano ba ang kasalanan ko? At bakit ako dinala ng kung sino sa lugar na ito?             May uminit sa bandang dibdib ko, kaya bigla ko itong nakapa, nang mahawakan ko ang matigas na bagay na sa pagkakaalala ko ay bigay sa akin ni manang.             Sandali lang naman ang init na hatid nito, bumalik din sa rati nitong temperatura. Inilabas ko na nga ito’t tinitigan ng maigi.             Ngayon ko lang napansin ang maliit na salamin sa loob gitna nito. Nanlaki ang mata ko nang makita ko isang compass, kung saan itinuturo nito ang lokasyon kung nasaan ako, sa gilid nito, ipinapakita ang isang maliit na bagay na naglalarawan sa lugar kung saan patungo ang lokasyon. Kagaya ng sa bandang Silangan, may nakaukit na mataas na bundok, habang sa Kanluran naman ang isang ilog, saka sa Timog ay isang kakahuyan, so ibig sabihin lang nito, nandito ako ngayon sa timog.             Pero ang kapansin-pansin sa lahat ay ang guhit sa Hilaga, dahil para itong isang mataas at magarang palasyo.             Ano kaya ang ibig sabihin nito?             “Deeve, tulong, Deeve.”             Ayan na naman ang mga boses na aking naririnig. Saan ba kasi galing ang mga boses na iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD