Mabilis na nagbihis si Cameron at agad na umalis ng bahay. Hindi niya na hinintay na magising si Iya. Kung kagabi ay nagwawala siya sa galit ngayon naman ay gusto niyang makita si Jace. Nasisiraan na yata siya ng ulo dahil kahit na pinagtutulakan siya ng babae ay ipinipilit niya pa rin ang sarili. May kalakihan din ang bahay ng mga Benicio pero di hamak na mas malaki ang kanilang bahay. Tumuloy siya sa bahay nina Jace.
Ang ama nitong si Ariel Benicio ang nagbukas sa kanya.
“Good morning Tito Ariel,” bati niya sa ama ni Jace. Sa tantiya niya ay kasing-edad ito ng ama niya. Kaibigang matalik din ito ng kanyang ama.
Nagtaka pa siya kung bakit tinalikuran siya nito.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong nito. Napansin niyang galit ito.
“Si Jace po?” tanong niya.
Tiningnan muna siya ni Tito Ariel bago sumagot. “Kasama niya ang bago niyang boyfriend sa Manila,” sagot sa kanya kaya natigilan siya.
“Alam niyong may iba na si Jace?” hindi mapigilang tanong niya sa ama ni Jace. Nakakunot ang kanyang noo. Pakiramdam niya ay kinonsente nito si Jace samantalang alam naman nito ang ugnayan niya sa anak nito.
“Bakit? Kailangan ko bang sabihin sayo kung may iba ng nagugustuhan ang anak ko?” galit na sagot sa kanya ni Tito Ariel. Nagtataka lang siya kung bakit mas galit pa ito sa kanya samantalang siya itong niloko. “Wag mo ng guluhin ang anak ko,” dagdag pa ni Tito Ariel.
Hindi magawang sumagot ni Cameron sa kaharap. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng mundo. Aalis na sana siya nang biglang sumigaw si Tito Ariel.
“Pakisabi na rin sa ama mo na makontento siya! Kinuha niya na ang asawa ko at ngayon naman pati ang negosyo ko!” sigaw ni Tito Ariel na ikinabigla niya.
“What do you mean?” hindi niya mapigilang tanong at hinarap ang ama ni Jace.
“Hanggang ngayon hindi mo pa rin alam? Bakit hindi mo tanungin ang magaling mong ama? Pasalamat nalang ako at hindi ko na kailangan gumawa ng paraan para iwan ka ng anak ko dahil kusa siyang nagising!” galit na wika ng Tito Ariel. Bago siya nito pinalabas ng bahay.
Lulan sa kanyang kotse ay hindi mapigilang hindi mag-isip ni Cameron tungkol sa sinabi ng ama ni Jace. Bakit hindi niya alam tungkol sa ugnayan ng kanyang ama sa ina ni Jace? All this time ang alam niya ay magkaibagan ang mga pamilya nila. Naguguluhan siya. Pinaharurot niya ang kanyang kotse pauwi sa kanilang bahay. Gusto niyang linawin ang lahat.
Nang hindi makita ni Cameron ang ina sa sala ay agad siyang tumuloy sa silid ng kanyang ina. Sunod-sunod na katok ang ginawa niya.
“Ma!” tawag niya. “Open it!’ sigaw niya. Nakailang katok siya bago binuksan ng kanyang ina ang silid nito.
“Ano bang nangyayari sayo at kulang na lang ay sirain mo ang pinto?” tanong sa kanya ng ina.
Tumuloy si Cameron sa loob ng silid ng ina pagkatapos niyang isara ang pinto. Nagtataka na napatingin nalang sa kanya ang ina.
“I need your explanation Ma,” agad niyang wika sa ina. “May dapat ba akong malaman?” he added.
Kunot-noo na napatingin sa kanya ang ina.
“Bakit?” tanong sa kanya ng ina.
“Nasaan si Papa?” tanong niya. Napatiim ang kanyang bagang habang nagtatanong. Kanina pa siya nagwawala sa galit.
“Nasa production,” sagot nito na ang tinutukoy ay ang sugarcane farming nila.
“Please tell me the truth!” hindi niya napigilang tanong sa ina. Bahagya ring tumaas ang tono ng kanyang boses. “Hindi na ako bata Ma, para pagtakpan mo ang lahat ng kalokohan ni Papa. Kahit itago mo, lalabas at lalabas pa rin ang totoo,” wika niya pa. Napaupo siya sa kama ng ina. Napansin niyang tumulo ang luha ng ina. Napahagulhol ito. Hirap na hirap ang kalooban ng ina at hindi niya ito masisisi.
Tumayo siya at nilapitan ang ina. Niyakap niya ito.
“I’m sorry, but I need to know the truth,” mahina ang boses na wika niya sa ina.
“Hanggang maari ayoko na sanang malaman mo ang lahat pero tama ka, you deserve to know the truth,” wika ng ina nang mahimasmasan. Umupo ito sa sofa. “Noon pa man ay alam ko nang may babae ang papa mo pero hindi ko alam kung sino. Ang importante sa akin ay sa atin siya umuuwi,” wika ng kanyang ina. Kahit siya ay alam niya naman na may ibang babae ang kanyang ama. Bukod kasi sa palagi itong wala sa bahay nila ay naririnig niya sa tuwing nag-aaway ang mga ito na may iba nga ang ama niya. Nasanay na lang siguro siya sa pagtatalo ng mga ito kung kaya pinababayaan niya na lang. Ang pag-aaway ng mga ito ang dahilan kung bakit nagawa niyang magsarili ng bahay.
“So tama ang sinabi sa akin ni Tito Ariel?” tanong niya sa ina. Tiningnan siya ng mama niya.
“Nagkausap kayo?”
“Oo, at galit na galit siya sa akin dahil sa ginawa ni Papa,” pag-amin niya. Bahagyang tumawa ang kanyang ina dahil sa sinabi niya.
“Sinong lolokohin niya na hindi niya alam ang relasyon ng magaling niyang asawa sa papa mo?” tanong sa kanya ng ina. Napailing pa ito. “Ginamit niya ang asawa niya para maging kasosyo sa negosyo natin at ngayon ang anak niya naman ang ginagamit niya,” pahayag pa ng mama niya. Bahagya siyang naguluhan sa sinabi nito.
“Naguguluhan ako,” wika ni Cameron sa ina.
“Nagwawala siya ngayon dahil lahat ng plano niya ay nasira. Ginamit niya si Belinda para akitin ang papa mo,” kwento pa ng ina niya na ang tinutukoy ay ang mama ni Jace. “At dahil hindi siya nagtagumpay si Jace naman ang ginamit niya para makuha ka. Lahat ng plano niya ay nasira dahil sumama na ang mag-ina niya sa papa mo,” pahayag pa ng ina niya.
“May alam si Jace sa lahat ng ito?” tanong niya. Nahiling niya na sana naman ay walang alam si Jace.
Huminga ng malalim ang kanyang ina dahil sa tanong niya.
“Ngayon ko lang din nalaman ang lahat at kahit hindi mo sabihin alam kong hiwalay na kayo ni Jace. Hindi ka’na niya kailangan dahil naibibigay na ng papa mo ang lahat ng kailangan nila. Malaya na sila ng mama niya,” galit ang boses na wika ng kanyang ina. Napakuyom siya sa kanyang kamao. Kung gayon ay pinagkaisahan pala silang mag-ina. Ginamit siya ni Jace para sa kayamanan.
“Ilang araw nang wala dito si Papa?” tanong niya sa ina. Pakiramdam niya ay umuusok ang kanyang mukha dahil sa galit.
“Dalawang linggo na,” sagot ng ina na ikinagulat niya. Paanong hindi niya nalaman na hindi na umuuwi ang ama niya sa bahay nila at tuluyang iniwan ang mama niya?
Mas masakit pa pala ang nararamdaman ng kanyang ina kaysa sa kanya. Matagal na silang niloloko ng mga taong nakapaligid sa kanila.
“Ang tanga- tanga ko Cameron,” umiiyak na wika ng kanyang ina. Lumapit siya dito at hinagod niya sa likod ang ina. “Bakit hindi ko agad nalaman? Hinayaan ko na pati ikaw ay madamay sa lahat ng ito,” humahagulhol na wika sa kanya ng ina.
Hindi lang siya naawa para sa sarili kundi maging sa kanyang ina. Akala niya pa naman din ay magkaibigan talaga ang kanyang ama at Tito Ariel. Hindi pala.
Sa tatlong taon nilang pagsasama ay hindi niya man lang naisip na may tinatago sa kanya si Jace.
“Kailangan kong makausap si Papa, baka mamaya pera lamang ang habol sa kanya ni Tita Belinda at Jace,” wika niya sa ina pero pinigilan siya nito.
“Nakausap ko na ang ama mo,” sagot ng ina niya. “Buo na ang kanyang pasya. Ang makasama ang Belinda na yun,”
“Pero Ma, tayo ang pamilya niya,” giit niya. “May karapatan tayo kay Papa,”
“Pero hindi kami kasal,” wika ng ina niya na ikinagulat niya. Tiningnan niya ang ina.
“What? Paano nangyari yun?” tanong niya sa ina. Paanong hindi kasal ang mga ito samantalang ang laki-laki nang wedding picture ng mga ito sa sala.
“Kailanman ay hindi ako kinasal sa iyong ama. Hindi niya ako kayang pakasalan Cameron dahil bago pa man ako dumating sa buhay niya ay kinasal na siya sa iba. Isa iyon sa lihim ko na hindi dapat malaman ng Mama at Papa noon. Mahal na mahal ko ang papa mo kaya pumayag ako sa lahat ng gusto niya,” pag-amin pa ng kanyang ina. Pakiramdam niya pinagkaisahan sila ng buong mundo dahil sa mga nangyayari. Halos hindi kayang tanggapin ng isip niya ang mga nalaman.
Dahil sa mga nangyari ay isa lang ang naisip ni Cameron. He need to run their business. He knows that Benicio’s still have a share in their business and he won’t let it all go to Jace. Hindi niya hahayaan na mag tagumpay si Jace.
“By the way Ma, may alam ka ba kung ilan na lang ang share ng mga Benicio sa negosyo natin?” pag-iiba niya ng usapan. Napatingin sa kanya ang ina. “I’m willing to take over the company,” he added.
“Lahat ng files na may kinalaman sa business ng papa mo ay iniwan niya sa akin. Ang share niyang twenty-five percent ay ibinigay niya sa akin kaya umabot ng seventy-five percent ang share ko. Tayo pa rin ang major stock holder,” pahayag ng ina.
“And the rest of twenty-five percent?” galit na tanong niya.
“Kay Ariel Benicio,” sagot ng ina kaya napakuyom siya sa kanyang kamao.
“Akala ko ba nakabili ang pamilya ni Iya? What happen?” tanong niya. Ang akala niya kasi ay stockholder din ang pamilya ni Iya.
“Nabili ko na ang share nila na dating pagmamay-ari ng mga Benicio. Ang alam ko ay lubog sa utang si Ariel Benicio sa pamilya ni Iya,” sagot ng ina niya.
Napatango siya sa nalaman.
Ngayon malalaman ng mga Benicio kung sino ang kinalaban ng mga ito. Sisiguraduhin niyang walang matitira sa mga ito.
“Humanda ka Jace, lahat ng ito ay kulang pa sa ginawa niyo sa pamilya ko,” Wika ni Cameron sa isip.
Maghapon na pinag-aralan ni Cameron ang lahat ng papeles sa negosyo nila. Hindi naghabol ang kanyang ama sa mga negosyo nila bagkus ay iniwan sa kanila ng mama niya. Kahit pa walang tinangay ang ama niya ay hindi pa rin mawala ang galit niya rito. Kahit may isip na siya ay hindi dapat nito iniwan ang mama niya dahil lang sa isang babae na asawa na ng iba. Alam niyang kahit walang negosyo ang ama ay mabubuhay pa rin ito ng maayos kasama ang babae nito dahil sa laki ng pera nito sa bangko.
He sighed. Hindi pa rin siya makapaniwala sa natuklasan. Nagmukha siyang tanga sa loob ng maraming taon.
Tumigil lamang si Cameron sa pagtatrabaho nang pumasok ang Mama niya sa kanyang silid. May dala itong kape. Pilit ang ngiting binigay niya sa ina. Awang-awa siya dito. Paano na lang ito kung wala siya?
“Bukas na yan,” nakangiting wika ng kanyang ina.
Gumanti siya ng ngiti. “Tatapusin ko lang ito,” sagot niya.
“Gusto mo talagang gumanti sa mga Benicio?” tanong sa kanya ng ina kaya natigilan siya.
Tumango siya bilang pagsang-ayon. “Hindi ako papayag na paglaruan nila tayo sa sarili nilang mga palad,” galit ang boses na wika niya.
“Pakasalan mo si Iya,” seryoso ang boses ng ina sa sinabi.
“What?” gulat na gulat niyang tanong.
“Magagamit mo si Iya upang malubog ang mga Benicio. Malaki ang utang nila sa pamilya ni Iya. Kung papalarin ay baka makulong si Ariel Benicio,” paliwanag ng kanyang ina. “Si Iya ang madaling alas upang matalo ang mga Benicio,” dagdag pa ng ina kaya napaisip siya.
Tumango siya. “Pag-iisipan ko Ma,” sagot niya.
Napaisip si Cameron nang lumabas ng silid niya ang ina. Tama ito, malaki ang panalo niya kung pinakasalan niya si Iya. Tiyak niyang mananalo siya sa mga Benicio. Pero ang gamitin si Iya sa mga plano niya? Napailing siya. Hindi dapat madamay ang kaibigan niya. Kahit pa mahal siya nito. Hindi pa rin tama na gamitin niya si Iya para magtagumpay sa mga plano niya.
“Hindi kita kayang idamay Iya,” wika niya sa isip.
Babalik na sana si Cameron sa trabaho nang makatanggap siya ng tawag. Hindi niya agad nasagot ang cellphone dahil mukha ni Jace ang naka-set sa wallpaper ng kanyang cellphone. Si Iya ang tumatawag sa kanya.
“How are you?” tanong agad sa kanya ni Iya sa kabilang linya. Napakalambing ng boses nito.
“I’m fine. Thanks to you,” nakangiti niyang sagot.
“Hindi mo man lang ako ginising bago ka umalis kanina,” wika pa ni Iya.
“May inasikaso lang ako,” pagdadahilan niya.
“Masakit pa rin ba ang puso mo?” tanong ni Iya kaya natigilan siya. Hindi niya alam ang sasabihin sa kaibigan. “Alam mong nandito lang ako palagi,” dagdag pa nito.
Napangiti siya. “Alam ko,” he answered. “Hindi ko nga alam kung ano ang nagawa ko to deserve you,” he said.
“Mahal lang kasi kita,” tumatawang wika ni Iya.
“Sana nga ikaw na’lang,” wika niya.
“Kumain ka na ba?” tanong sa kanya ni Iya.
“Hindi pa,”
“What?” she asked. “It’s ten o’clock in the evening,”
Napasabunot siya sa sariling buhok. Kaya pala kanina pa masakit ang ulo niya.
“Sorry I forgot,” nakangiti niyang wika.
“Hindi porke’t heartbroken ka ay kakalimutan mo ng kumain,” wika ni Iya. Nagulat pa siya nang biglang pumasok ito sa kwarto niya. Natatawa siyang binaba ang cellphone.
“What are you doing here?” tanong niya sa babae. Tumayo siya at sinalubong ito. Nabigla pa si Cameron nang bigla siyang siniil ng halik ni Iya. Hindi siya nakagalaw sa ginawa nito. Kinuha niya ang kamay nito na nakapulupot sa kanyang leeg.
“Please stop being a faithful boyfriend,” wika sa kanya ni Iya kaya napailing siya.
“Ako?” sabay turo niya sa sarili. Pinagmasdan niya si Iya. Ngayon niya lang napansin na bagong gupit ito. Mas mahaba pa yata ang buhok niya sa babae. She gave him a wide smile. Lumabas ang pantay-pantay na ngipin nito. Bahagyan ring nakaluwa ang dibdib nito sa suot nitong sleeveless na litaw ang pusod.
“Hindi ba?” tanong sa kanya ni Iya. Nang-aakit ang ngiti nito. “Still affected?” tanong pa nito.
Hindi niya sinagot si Iya at agad na siniil ng halik ang mga labi nito. Nakalimutan niya bigla na kaibigan niya ang babaing kahalikan ngayon.
“Mukha ba akong affected?” tanong niya. Hinapit niya ito sa bewang malapit sa kanyang katawan matapos ang namagitang halik sa kanilang dalawa. “You look so beautiful. Bagay pala sayo ang short hair,” nakangiti niyang puri sa babae.
Naramdaman niya ang mga kamay ni Iya sa kanyang dibdib. Tila inaakit siya nito sa bawat haplos ng kamay nito sa kanyang dibdib.
“Siguro naman ngayon walang magagalit?” tanong sa kanya ni Iya. Patuloy pa rin ang kamay nito sa paghaplos pababa sa kanyang puson. Napabuntong-hininga nalang siya sa ginagawa nito. Hindi na nagdalawang-isip si Cameron. Agad niyang binuhat si Iya at pinatong sa study table niya. Iginilid niya ang mga paper works total ay malapad naman ang table niya. Sinunggaban niya ang mapupulang labi ni Iya. Maharas niya iyong hinalikan.
“You want me huh?” tanong niya kay Iya. Agad niyang tinaas ang suot nitong sleeveless. Tama nga siya wala itong suot ng bra. He immediately sucked her n****e habang ang mga kamay ay pinasok niya sa maiksing skirt nito. Agad na natagpuan ng mga kamay niya ang hinahanap. Nagmamadali ring inalis ni Iya ang belt na suot niya at tinapon iyon.
“Bukas yata ang pinto,” bulong sa kanya ni Iya.
“Ayaw mo nun exciting,” nakangiti niyang sagot. Bahagya niyang kinagat ang mga labi nito pagkatapos na pagsawain ang mga labi sa dibdib nito.
“Pilyo,” sagot ni Iya sa kanya.
Nang tuluyang mahubad ni Iya ang suot niyang pantalon ay binuhat niya ito malapit sa pinto at siniguro na naka-lock.
Humiga siya sa kama at hinayaan niya si Iya sa ibabaw niya. Hindi na siya nabigla nang bumaba si Iya at hinawakan ang kanyang p*********i.
“s**t!’ napasigaw si Cameron nang maramdaman ang dila ni Iya sa kanyang p*********i. Mayat-maya pa ay nagtaas baba ito sa p*********i niya. “Ohh,” he moaned. Hinila niya si Iya. Hindi niya na kayang patagalin pa ang nararamdaman. Agad niyang ipinasok ang p*********i kay Iya.
They reached the climax together.