Jinkeelyn ElLa Mae Mangingiyot’s POV
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang kanyang sinabi. Nakagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang sariling ngumiti. Mabuti na lamang at nakatalikod ako sa kanya. Muhang epektib nga ang ingredients ni Te Gloria!
“Mis…” tawag niya sa akin. Kinalma ko muna ang sarili. Pinigilan ko ang pagngiti. Bago ako dahan-dahan na hinarap siya. Seryoso na ang mukha ko, wala na ang ngiti sa labi ko. Tiningala ko siya, ang tangkad niya at ang gwapo pa.
“Ako ba?” tinuro ko ang sarili. Ngumiti siya na naging dahilan ng paglitaw ng pantay-pantay at mapuputi niyang mga ngipin. Kinurot ko ang sarili upang wag magpadala sa pamatay niyang ngiti. Napalingon siya sa kaliwa tapos sa kanan.
“May nakikita ka ba na hindi ko nakikita?” bahagya siyang natawa, lalong lumiit ang chinito niyang mga mata. “Tayo lang naman dalawa rito,” napakabaritono pang boses niya. “Jun pyo Mangulitog nga pala,” narinig ko siya ngunit nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Nakakahipnotismo ang kagwapuhang taglay niya. Siya ba ang ginayuma o ako? Ni ‘di ko maigalaw ang kamay upang abutin ang kamay niyang nakalahad. “Ajing, okay ka lang,” napakunot ang noo ko, saka lamang ako bumalik sa katinuan ko. Muntikan pa nga akong mapatili ng malamang kilala niya ang palayaw ko.
“Kilala mo ko?” tanong ko sa kanya. Ngumiti ulit siya sabay tango. “Paano?”
“Narinig ko lang na tinawag ka ng mga kaibigan mo,” sagot niya. “Pwede na ba kitang-”
“Oo! Oo! I do! I do!” sunod-sunod na sagot ko. Natigilan ito. Aliw na tinitigan niya ko sa mga mata. “Pwedeng pwede mo na akong maging girlfriend. Oo sinasagot na kita,” shuta hindi ko alam na ganito kabilis ang epekto ng gayuma.
“Ibig kong sabihin, pwede na ba kitang makilala,” napaawang ang mga labi ko. Nahiya ako bigla. Parang gusto ko na lamang magpalamun sa lupa.
“Ha? He,” hilaw na saad ko.
“Pero oo, gusto rin kita maging girlfriend,” nanalaki ang mga mata ko. Biglang nangiti ang magkabilang pisngi ko sa kanyang sinabi. Sulit na sulit ang paghihintay at pagtitiis ko sa isang linggo na hindi magpalit ng panty at tatlog buwan para pahabain ang bolbol ko at ang pagtiyatiyaga kong magipon ng isang kutsarang libag mula sa singit.
“‘Di nga?” napayuko ako sa kamay ko ng abutin niya ito at pinisil.
“Matagal na kitang gusto. Nahihiya lamang akong magsabi dahil baka hindi mo ko matipuhan,” saad niya.
“Gustong-gusto kita!” kinapalan ko na ang pagmumukha ko dahil bukas ma-expired na yung gayuma at least maranasan ko man lamang na maging girlfriend niya.
“Totoo ba?” tila hindi makapaniwala niyang tanong.
“Oo, ako rin matagal na kitang gusto,” pag-aamin ko sa kanya. Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay ko at nilapat sa kanyang dibdib.
“So ibig bang sabihin, tayo na?”
“O-” ngunit natigil ako ng maalala ang kahalikan niyang si May Flor Jande . Biglang nawala ang ngiti sa labi ko. Sa saya ko ay nakalimutan ko ang nakita ko kani-kanina lang. Kay bilis kong binawi ang kamay kong hawak niya. Nagtaka ito sa aking ginawa. Naalarma bigla. “Si Jande? Hindi ibig sabihin na dahil gusto kita ay papayag na lamang akong maging girlfriend mo. Ayokong makasira ng relasyon-”
“Wala kaming relasyon,” putol niya sa sinabi ko.
“Oo at wala pa akong karanasan sa pakikipagrelasyon pero alam kong hindi mo hahalikan ang isang tao kung walang namumuong pagtitinginan sa inyong dalawa,” s**t! Wala pa ngang kami pero tila kinukurot na ng nail cutter ang puso ko. Wala pa ngang kami pero broken hearted na ako. Muli ay inabot niya ang kamay ko.habang nakatitig sa mga mata ko.
“Pangako, ikaw lang ang gusto ko. Wala kaming relasyong dalawa ni May Flor kahit tanuning mo pa siya. Alam kong mahirap paniwalaan basta walang kami at kung sabihin mong layuan ko siya, lalayo ako, maniwala ka lang sa akin at matanggap mo ang pag-ibig ko,” ganito ba talaga ang ginayuma, kahit may halong kemikal ang pagmamahal niya ay kita sa mga mata niya ang pagkasinsero ng kanyang puso? Habang nakatitig ako sa mga mata niya pakiramdam ko ay tunay ang kanyang saloobin?
“Totoo? Walang kayo talaga?” ngumiti siya at tumango. “Sige okay, tayo na,” kinikilig na saad ko sa kanya.
“‘Di nga?” buong akala ko babae lang ang kikiligin pati din pala lalaki.
“Oo nga,” tugon ko. Nagulat ako ng bigla niya kong kinabig at niyakap. Ang bango naman ng bebe ko. Mag-iinarte pa aba ako, kung pangarap ko naman to. Gumanti ako ng yakap sa kanya pabalik ngunit kay bilis naming napabitaw sa isa’t isa ng makarinig ng mga yapak papalapit. Kay laki ng mga hakbang ko palayo ng CR. Nakasalubong ko ang mga estudyante ngunit ng lagpasan ko sila ay pasimpleng nilingon ko siya. Ngumiti siya sa akin, nginitian ko siya pabalik.
Wala pa ang kasunod naming guro ng bumalik ako sa klase. Napatingin ang apat sa akin, nagtataka marahil dahil kay lapad ng ngiti ko. “I think I’m in lab, I think I’m in lab, with Pyo!”
“Ay iba! In lab na siya! Mukhang siya yung tinamaan ng gayuma,” saad ni Siting.
“Anong meron sa ngiti mo? Nagmumukha ka ng tanga,” saad naman ni Meling.
“Grabe ka sa akin Meling. Masaya lang yung tao, e,” sinundan nila ako ng tingin hanggang makaupo pabalik sa aking pwesto ko.
“Nadiligan ka no?” walang prenong tanong sa akin ni Doring.
“Hoy! Grabe ka!”
“Ano ba kasing nginingiti-ngiti mo dyan?”
“Kami na,” kinikilig na pagbahagi ko sa kanila. Mahina lamang ang boses ko upang kaming lima lamang ang makarinig. Muling tumayo si Siting at Aning. Lumapit ang dalawa at umupo sa harapan ko.
“Anong kayo na?” sabay na tanong nilang apat.
“Umepekto yung gayuma. Kami na ni Jun Pyo. Kinumpisal niya kanina sa CR na gusto na niya ako matagal na!” nangingisiy kong saad. Nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan ko. Katulad ko noong una ay hindi ako makapaniwala na ganun kabilis ang nangyari.
“Seryoso?”
“Oo. Naisip ko kaya sinabi niya na matagal na ay dahil mag-iisang buwan na bukas yung pag-inom niya ng gayuma. Pupunta nga ako kay Te Glorya mamaya dahil hindi pa ako muli nakagawa ng gayuma, pang-apat na araw palang ang suot kong panty ngayon, kulangan pa ng tatlo baka kako mas alternatibo siyang gayuma,” saad ko.
“Sama ako!” saad ni Doring. “Kating-kati na akong gayumahin si Sir Nalusuan!”
“Sasama na rin ako,” napatingin kami kay Siting.
“Gagayumahin mo si Alex?”
“Hindi! Patay na patay sa akin yun. Mukhang ako ang ginayuma nun,”
“Sana all patay na patay,” kumento ni Aning.
“Sama na lamang tayong lima para magawa na rin yung kulam para kay Best in blush on!” saad ni Siting.
“Oo nga!”
Pagkatapos nga ng klase ay magkakasama kaming lima na pinuntahan ang bahay ni Ate Glorya
Ilang kilometro din ang layo nito mula sa eskwelahan. Ilang metro pa lang ang layo namin sa bahay ni Ate Glorya ay natanaw na namin itong may hawak ng malaking kahoy habang hinahalo ang mga sangkap sa malaking kawali na kumukulo sa init. Kay haba ng suot nitong itim na bestida, may nakatakip na itim na tela ang ulo nito at tanging mata lamang niya ang nakikita. Kahit mata lang ang nakikita sa kanya ay hindi maikakailang maganda si Te Glorya. Salungat sa mga mangkukulam na nakikita sa TV na matanda at nanlilisik ang mga mata. Habang palapit ng palapit kami’y unti-unti naming naririnig ang oremos nito.
“Unod bukog bukog unod unod bukog bukog unod gi alirongan sa mga matam is ug maidlot nga sagbot,” yung tunog niya para lang yung mga nag-aalay ng dasal sa mga patay sa sementeryo. “Sa bukid nga imong gitamnan protektahi kining kamanggahan nga ginihinay-hinay og kawat sa mga kawatan. Alubido alubido dungga kining hinaing sa tag-iya nga gikapoy og pananum sa mangga apan lahi ang nakapahimulos. Patagama ang mga kalag sa mga mangawatay og manggaaaa…”
“Ano kayang ibig sabihin ng kanyang ritwal?” tanong ni Aning.
“Sabi nila latin daw yan, mula pa sa kinanununuan nila,” tugon ko sa tanong niya.
“Nakakapanindig balahibo pakinggan no? Kaya siguro napa ka epektib ng mga kulam at gayuma niya,” saad ni Siting.
“Hindi siya mababansagang Best Seller Mangkukulam of Nineteen o ten, kung hindi siya magaling,” patuloy ko.
“Tama! Tayo na bilisan na natin at baka maabutan tayo ng dilim, nakakatakot pa naman sa lugar na ito,” saad ni Meling.
“Magandang hapon po, Te Glorya!” sabay-sabay na bati namin sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa amin. Pinatay niya muna ang Gas Range na pinagsalangan niya ng kanyang kawali.
“Ganda na ng lutuan niyo Te Gloria ah, bago?”
“Oo, nakaLL kasi. Marami benta online,” saad nito sa akin.
“Online po?”
“Oo, naglalive selling ako sa Tiktik ng mga gawa kong pangbarang at gayuma,” saad nito.
“May Tiktik kayo te?”
“Oo, baka gusto niyo maging associates ng mga products ko, sabihin niyo lang,”
“Hala sige, ano username niyo te?”
“Search mo lang full name ko, Gloriana Torjackan,” sagot nito.
“Sige te, follow kita kapag nakapagload ako, wala kasi akong data,” saad ko.
“May wifi ako gusto mo makiconnect?”
“Sige po,” mabilis kong sagot.
“Ako rin po,” saad ni Aning. Kaming dalawa lang ang may cellphone.
“Sige i-connect niyo muna sa wifi ko ang cellphone niyo. Kukunin ko muna sa loob ang cellphone ko, tignan ko password, hindi ko kasi kabisado,”
“Sige po,” kay bilis kong hinanap ang pangalan ng wifi niya ngunit agad ring nagbago ang isip ko ng makita ang pangalan ng wifi niya. Ilang segundo lang ay nakabalik na si Ate Gloria hawak-hawak ang cellphone.
“Ganda ng cellphone niyo te,” puna ni Meling.
“Ay oo, katas ng online selling. Nakaiphone 69 rin sa wakas,” saad nito.
“Ang galing naman,” saad ni Siting.
“O, nakaconnect na ba kayo sa wifi?”
“Ang pangalan ba ng wifi niyo ay ‘ConnectNowBarangLater’? Wag na lang po te, nakakatakot naman,” nakangiting hilaw na saad ko. Kinabahan ako bigla.
“Ay okay lang yan, may pahintulot naman sa akin,” saad nito. “I type mo ang password babasahin ko,” saad nito.
“Sige po te Gloria,” sabay na saad namin ni Aning. Habang nakahanda ang mga kamay namin sa sasabihin ni Te Glorya.
“Okay na ba?”
“Ha? Wala pa po kayong sinabi,” sabay muli naming saad ni Aning.
“Yun nga, I type mo ang password babasahin ko,” saad nito muli.
“Ito na po nakahanda na po,” saad ko at muling napatingin sa keypad ng cellphone ko, nakahanda na ang daliri kong i tipa ang password niya.
“Yun na nga, I typ mo ang password babasahin ko,” kung hindi lang talaga ito mangkukulam sarap sabunutan eh.
“Heto na nga po Te Glorya, handang-handa na pong manapak este magtipa ng password,”
“O bakit nakatitig lang kayo sa cellphone niyo bakit hindi niyo tinype ang password,” konti na lang talaga mauubos na pasensya ko. Ngumiti pa rin ako kahit naiinis na.
“Heto nga po naghihintay pong basahin niyo ang password,”
“Yun nga ang password, I type mo ang password babasahin ko. Ito ba,” pinakita niya sa amin ang screen ng phone niya.
“Aah,” sabay na usal namin ni Aning.
“Apaka bobo mo Ajing!” saway niya sa akin.
“Nahiya ako sayo, Aning!” sabay naming tinipa ni Aning ang password. Ang password ay “I TYPE MO BABASAHIN KO”. “OKay na te, na follow na kita!”
“Ano nga pinuntan nyo rito?”
“May ipapakulam po sa na kami, te,” saad ko. “At maliban po doon ay magtatanong po sana ako kung may benebenta kang gayuma po na kaparehong epekto ng napanalunan po ni Nanay na recipe po for gayuma.
“Ay oo! Oremos ko na lamang ang kulang,” halus mapatalon ako sa tuwa ng marinig ang sinabi niya.
“Magkano po Te Glorya?”
“100 pero pag may student ID ka, may 20% discount ka, bali otsenta na lang,” saad nito. “At mas makakamura ka kapag maging reseller kita, 50% off na,” patuloy pa nito.
“Talaga po? Susubukan ko lang muna po bago ako magreseller ha,” saad ko.
“Okay! Ano ba mode of p*****t?” saad nito.
“Po?” hindi ko ma gets ang tanong niya.
“Cash ba ibabayad mo dahil tumatanggap rin kami rito ng G-Cash, credit card, debit card at P.O,” saad niya.
“Ang hi-tech na ng mga mangkukulam pa la ngayon no?” rinig kong bulong ni Doring.
“Cash lang po, Te Glorya,” sagot ko sa kanya.
“Punta ka sa counter 1, pagkabayad mo, dalhin mo sa akin ang recibo,” saad nito.
“Samahan niyo ko,” pumasok kaming lima sa loob ng malaki nitong bahay. May counter 1 at counter 2, agad na lumapit kami sa counter 1 at nagbayad sa cashier.
“May Kulam Card po ba?”
“Ano po miss?”
“Kulam Card po. Kung wala po kayo nagbebenta po kami bali 100 peso isa po. Kada avail niyo po ng kulam at gayuma kay Ma’am glorya ay may isang puntos po. Pwede niyo po iyong ipunin at ibayad sa susunod po na bili niyo,” mahabang paliwanag ng cashier sa amin.
“Ang galing naman pero saka na lang po muna kapag nakaLL na kami,” saad ko.
Pagkatapos naming magbayad para sa kulam ni Geminina at Gayuma namin ni Doring ay lumabas kami muli at tinungo si Ate Glorya. Binigay ni Aning sa kanya ang resibo namin. Tinignan niya ito at mula sa double door ref niya ay kumuha siya ng dalawang bote.
“Bakit po nilalagay sa ref?” tanong ni Siting.
“Para mas tumagal ang expiration date. Kung noon tumatagal lamang ito ng dalawang linggo ngayon isang buwan na,” sagot ni Te Gloria. Sumunod kami sa kanya. Naupo siya sa harap ng pabilog na lamesa na may maraming nakasindi na kandila. Nilagay niya sa gitna ang dalawang bote.
“Yan na po ba ang panggayuma?” tanong ni Doring. Tumango naman si Ate Glorya.
“Ipikit natin ang mga mata,” sinunod namin ang sinabi niya. Maya-maya nga’y sinimulan na niya ang oremus.
“Ulok! Dako! Dako! Ulok! Ulok! Dako! Dako! Ulok! Gi alirongan sa mga matam is ug maidlot nga bulbul. Sa langob nga imong gipuy.an mga luso giludhan. Pikpika ang kasing-kasing sa mga laking gisinggit sa ilang mga kasing-kasing. Ugay-ugaya ang lagay nga gabitay nga mo utog niining manggayumahay. Lahat, utog utog utog utog,” saad niya sa amin.
“Utog utog utog utog,”sabay sabay naming sambit.
Madilim na ng makauwi ako sa bahay. Nadatnan ko si Tatay na nagluluto sa kusina. Galing pa ito sa pagtatrabaho sa munisipyo bilang janitor. Wala na naman si Nanay malamang nasa sugalan na naman, nilulustay ang perang pinaghirapan ni Tatay. Habang ang dalawa kong nakababatang kapatid ay abala sa panunuod ng TV.
“Tay,” napalingon siya sa akin.
“Ginabi ka anak?” Lumapit ako at nagmano sa kanya.
“May pinuntahan lang po kami ng mga kaklase ko Tay. Ako na po dyan, magpahinga po muna kayo. Tatawagin ko na lang po kayo kapag nahanda ko na ang lamesa,” saad ko sa kanya.
“Wag na anak, kaya ko na to,” saad niya.
“Wag na matigas ang ulo, alam kong pagod ka na. Sige na Tay, ako na dyan ng makapagbihis ka na rin. Nakauniporme ka pa,” saad ko sa kanya. Napangiti siya sa akin. NIlapat niya ang palad sa ibabaw ng aking ulo at marahang ginulo ang buhok ko.
“Ang swerte naman ni Tatay at napakabait ng aking panganay,” napangiti ako sa kanyang sinabi.
“Sus! Nagdrama pa! Mana lang po ako sa inyo. Sige na, Tay at baka magbago pa isip ko,” pagbibiro ko sa kanya.
“O sya at ako’y aakyat na muna’t makapagbihis at makapagpahinga,” saad nito bago siya tumalikod.
Tinuloy ko ang paghiwa ng mga sangkap para sa lulutuin niyang pakbet. Nag-angat ang tingin ko ng bumukas ang pintuan at niluwa si Nanay.
“Ellas!” tawag niya sa tatay ko. Binitawan ko ang kutsilyo at lumapit kay nanay upang mag-mano. “Nasaan tatay mo?”
“Nasa itaas po nay nagpapahinga-” hindi pa man ako nakatapos ay iniwan na niya ako at nagmamadaling umakyat sa hagdanan. Hula ko talo na naman ito sa sugal.
“Kakabigay ko lang sayo kaninang umaga, a. Naubos mo na agad? Wala na akong maibibigay sa yo Lina, pangkain na lamang natin ito sa buong linggo ang natitirang pera ko at pangbaon ng mga anak mo,” rinig kong saad ni Tatay.
“Medyo minalas kasi. Kahit limag daan lang. Baka swertehin. Dodoblehin kong ibalik sa yo.”
“Magkukulang ang pera natin kapag ibibigay ko to sayo.”
“Putangina naman Ellas! Kung sana pinayagan mo akong mag-abroad edi sana marami akong pera ngayon! Hindi ako humihingi sayo! Nabibili ko ang mga gusto ko! Ang mga gusto ng mga anak mo at hindi umaasa na lamang na mananalo sa sugal para lang may maiakyat na pera rito! Magbibigay ka ba o hindi? O lalayas ako dahil wala na akong mukhang ihaharap sa mga kalaro ko! Baka sabihin nilang tinakasan ko utang ko sa kanila!”
“Itigil mo na kasi yang pagsusugal mo. Sa pagsusugal mo tayo kinakapos ng pera!”
“At anong gusto mong gawin ko? Magmukmuk sa putang inang bahay na to? Ha? Tagaluto! Tagalinis! Taga laba! Taga bantay ng anak! E ang ganda ganda ng buhay ko sa mga magulang ko! PInangakoan mo ko ng magandang buhay pero letseng buhay binigay mo!”
“O iyan limang daan para tumahimik ka!” natahimik nga si Nanay.
“Magbibigay ka pala, pinapahaba mo pa ang istorya!”
Napapailing na lamang ako habang sinusundan ng tingin si Nanay palabas ng bahay. Kaya hindi na ako umaasa na mapapag-aral pa ni papa sa kolehiyo. Bisyo pa lang ni Mama, kulang na kulang na ang sahod niya. Magta-trabaho na lamang ako upang kahit papano’y matulungan ko si Tatay sa gastusin sa bahay.