Annalita Perpetua Tubol’s POV
“Ms. Tubol!”
“Yes ma’am!” alertong sagot ko.kay bilis kong napatayo ng tawagin ni ma’am ang apelyido ko. Baka kasi tawagin niya muli ako gamit ang apelyido ko. Ayoko talagang tinatawag ako ng Tubol parang ang pangit pakinggan. Kahit tunog tigasin ang pangit pa rin pakinggan.
“Can you give me the definition of the word Liturgy?” napaawang ang bibig ko ng marinig ang tanong ni ma’am. Shuta na dis! Mura ko sa isipan. Napatingala ako, nagiisip. Iniskan ng utak ko ang inaral kagabi. Oo nag-aaral ako shuta kayo! Apaka judgmental niyo! “Ms. Tubol, anong tinitingala mo dyan. Nasa kisame ba ang answer?” Nalipat ang tingin ko kya Ma’am. Napatingala rin ito sa kisame. Hilaw na ngumisi ako sabay kamot sa aking ulo ng magtagpo ang tingin naming dalawa. Pinagkrus nito ang mga braso sa harapan at tinaasan ako ng kilay. Ang sungit talaga ng mukha.
Nagbasa naman ako kagabi pero hindi ko ito napansin. Liturgi, liturgi, liturgi, paulit-ulit ko sa isapan. Biglang may nagpop up na bombilya sa ibabaw ng ulo ko ng makahanap ako ng sagot sa utak ko. Naalalerto ako bigla at napangisi. “I know alreadi ma’am!” malakas na saad ko. Excited akong sagutin ang kanyang tanong. Sa unang pagkakataon ay makakatama na ako sa oral resocit-recesitit-resyoci- resa recesitation? Basta yun na yun! Papahirapan niyo pa ako!
“Then what is Liturgy?” ulit ni ma’am. Umayos ako ng tayo at buong kumpyansa sa sarili ko siyang sinagot.
“Liturgi is da next to Litur-iP,” napakunot ang noo ni Ma’am, tila ‘di nakuha ang naging sagot ko.
“Nagpabago na pala?” rinig kong tanong ng isa sa mga kaklase ko.
“Do you want me to elebori-elobori-”
“Elaborate?”
“Dat’s wat I mean to said! Elaborit!” masiglang saad ko ulit.
“Elaborate, then,” saad nito.
“Ma’am I am not done yet with Liturgi, mamaya na yung THEN. Chill, the enemy is weak,” nakita ko ang paglaki ng butas ng ilong ni Ma’am. Nadagdagan ang stress sa mukha. “Liturgi is the next to Litur-iP. ABCDEiP then LiturG!” napahinto ako ng humagalpak ng tawa ang kaklase ko, nagtataka. Ano kayang nakakatawa sa sagot ko. Seryoso pa naman ako. Upang mas mapabilib si ma’am at dinagdagan ko pa ang sagot ko. “Der are two kind op LiturG, G as in Goat and LiturG as in Jar!” tawang-tawa ang mga kaklase ko ngunit ang guro namin ay namumula na sa inis sa akin.
ubooooool!” malakas na sigaw nito sa apelyido. Napahawak ako sa likod ng armchair ng kaklase ko ng sa lakas ng boses ni ma’am ay parang yumanig yung buong classroom.
“Ma’am Fart2x (Fart two times)? Are you okey?” napangiwi kong tanong kay ma’am.
“Anong ma’am Fart2x?!”
“Tinagalog ko lang po apelyido niyo para sosyal,” kay bilis kong napayuko ng batuhin niya ko ng eraser. Hindi ako tinamaan, lumagpas lamang ang eraser sa likuran ko.
“Aray ma’am! Nanahimik ako rito,” napalingon ako sa aking likod ng magreklamo ang tinamaan ng eraser.
“I’m so sorry, can you please give me my eraser back Mr. Bugtae,” agad naman tumalima ang kaklase ko. Tumayo at binigay kay ma’am ang eraser. “Ms. Tubol, remain standing until the end of our class!”
“Ma’am…” napalingon ako kay Meling ng tinaas niya ang kanang kamay.
“Yes Ms. Tagalolo,” tawag ni Ma’am sa kanya.
“Ma’am, can I answer it for Analita? So she can take her seat?”
“No! She needs to learn her lesson!”
“Bida-bida!” sabay kaming napalingon lima ng marinig ang sinabi ni Geminina.
“Hindi pantay blush on mo, maputla yung kabila, gusto mo ipantay?” inis na saad ni Siting sa kanya.
“Quiet!” natahimik kaming lahat ng biglang umalingawngaw na naman ang malakas na boses ni ma’am.
“Okay ka lang dyan Aning?” puno ng pag-alala na saad ni Ajing.
“Oo, don’t worry, I can handle myself with care,” saad ko sa kanila.
Matiyaga akong tumayo habang nagpatuloy sa discussion niya si Ma’am Utot-utot hanggang sa natapos ang oras niya sa klase namin.
Lumabas kami ng classroom ng maglunch-break. Binabagtas namin ang hallway paalis ng building. Habang naglalakad ay nakayuko ang mga mata ko sa cellphone. Naaliw ako sa kapapanood sa live selling ni Ate Gloria habang binebenta niya ang mga gayuma sa Tiktik account niya.
“Nagbebenta po kayo ng gamot pampatigas na aabot ng bente kwatro oras?” tanong ng isa sa mga nanood ng live ni Te Gloria.
“Anong klaseng tarugo yan? Walang ganun, iho,” sagot ni Te Gloria. “Hindi kulam kailangan mo, milagro.”
“Meron po Te Gloria sa dreame. O kaya bili ka libro ni Ms. Drey_dreame na Stuck on you. Lagpas pa ng bente kwatro oras ang bayuhan doon, tag 769 lang, pre-order pa hanggang April 15,” sagot naman ng isa pa.
Napahinto ako kasabay ng paglaglag ng cellphone ko sa sahig ng mabangga ako ng kung sino.Umayos ako ng tayo at inis na napatingala ako sa tao sa harapan ko. Ni ‘di man lang ito nagkusang pulutin ang cellphone kong nalaglag, napakaungentleman ngunit ang inis ay napalitan agad ng galit ng mapagsino ang nakabangga ko. Masama ko siyang tinignan. Nagkatitigan kaming dalawa sa mga mata ng isa’t-isa.
“Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig
Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal
Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig
Sayang naman ang ating nakaraan” sabay-sabay na kanta ng mga kaibigan ko. Tangina talagang mga to.
“He!” saway ko sa mga kaibigan ko. Agad naman na tumigil ang mga ito.
“Kumusta ka na Perpetua?” malumanay na tanong niya. Napalingon ako sa kanya ulit. Tinaasan ko siya ng kilay. Pangiti-ngiti pa na para bang wala siyang atraso sa akin. Na para bang hindi niya ko niloko. Na para bang hindi niya ako pinagpalit sa isang malandi. Na para bang hindi niya biniyak ang puso ko isang taon na ang nakalipas.
“Heto, buhay na buhay, huminga. Ikaw? Ba’t buhay ka pa, ‘di ba sabi mo, mamatay ka pagnawala ako? Isang taon na akong sabik na makita ang pangalan mo sa sementeryo.”
“Ooooh,” sabay-sabay na reaksyon ng mga kaibigan ko.
“Ouch,” madamdamin na reaksyon ni Meling.
“Hindi halatang bitter, Aning,” saad ni AJing.
“Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin ako napapatawad? Ang tagal-tagal na nun, Perpertua,” saad nito.
“Pero yung matagal na yun andito pa rin!” tinuro ko ang puso ko.
“It's just one mistake, Perpertua, isa lang!”
“Ke isa, dalawa, tatlo, pareho lang yun! Pumatol ka pa rin sa iba, Tiburcio!”
“Ay iba, lizquen ang datingan! Liza ikaw ba yan?” hindi ko pinansin si Doring.
“Am I not enough? May kulang ba sakin? May mali ba sakin? Panget ba ako? Panget ba ang katawan ko? Kapalit-palit ba ako?”
“No-”
“Then why?” hindi na ito nakaimik. Siguro’y nalimutan na niya ang linya niya. Gumilid ako upang lagpasan siya ngunit muling napahintong hawakan niya ang braso ko.
“Don’t tats my birdie, Tiburcio! Wala na tayong dapat na pag-usapan pa. Binigyan na kita ng pagkakataon na magpaliwanag sa akin. Minahal kita ng buo, buong-buo, full moon! Pero mas pinili mo pa rin ang half moon na iyon! Kaya wala na tayong pag-usapan pa. I already mob on prom you. I hated you already. I can’t do dis anymore-”
“Yung cellphone mo baka makalimutan mo,” nahiya ako bigla.
“Aray!” impit ni Doring ng hilahin ko ang kanyang buhok ng marinig ko ang tawa niya.
Malakas kong binawi ang braso ko na hawak niya at basta na lamang na yumuko ngunit napaatras ako ng sumagi ang noo ko sa matigas niyang tarugo. Napatayo akong muli at napahawak sa noo ko.
“Tanginang T*ti naman yan, nanunulak. Tabi, alis, tsupi” inis na saad ko kay Tiburcio. Agad naman itong umusog. Kay bilis kong muling napayuko upang pulutin ang nalaglag na cellphone. Buti na lang talaga at ang tibay ng brand ng cellphone na binili ni Ate Nalyn para sa akin. Pagkapulot ko’y kay laki ng mga hakbang ko palayo sa kanya. Taas noo at ‘di na muli siyang nilingon pa.