Chapter 9

2102 Words
Siting’s POV Nagpapakain ako kina Piolo, Dingdong, Joshua at Coco ng bahagyang mapatili ako dahil biglang may humawak sa bewang ko sabay kiliti sa akin. Paglingon ko’y napangiti ako ng makita ang napakagwapong mukha ng iniirog ko. Kay bilis niyang pinulupot ang mga braso sa aking baywang. Hinayaan ko siya dahil wala pa naman ang inay. Nagpaalam iyon sa akin kaninang umaga bago umalis para maglako ng paninda na dadaan muna daw siya kina Aling Zorayda upang makiramay. Namatay na naman ang pang-anim nitong asawa. Kakasal lang naman sana nila noong nakaraang linggo. Tila nakuryente ang t*nggil ko ng paglingon ko’y ninakawan niya ako ng halik sa labi. Buong akala ko’y saglit lamang ang halik niyang iyon ngunit ng lumapat ang malambot na labi niya sa parang Angelina Jolie na labi ko ay hindi na niya ito inangat pa at binigyan ako ng mala Brad Pitt na halik. Syempre mag-iinarte pa ba ako? Tinugon ko ang halik niya. Medyo madilim na parteng iyon ng bahay namin dahil hapon na at hindi ko pa nabuksan ang mga ilaw. Balak ko sanang buksan iyon pagkatapos kumain ng mga alaga ko. Mas lumalim pa ang halikan naming dalawa. Muling gumapang ang pamilyar na init sa katawan ko lalo ng magsimulang maglakbay ang kamay niya sa katawan ko. “Ahhhhh sherep…” napaungol ako ng sakupin ng isa niyang palad ang s**o ko tapos nilalaro ng hinalalaki at hintuturo niya ang tirik na tirik kong pasas. Naliyo ako sa simpleng pagroromansa niya sa katawan ko na ‘di ko namalayan na nabitawan ko na ang hawak na stainless na batya na pinaghaluan ko sa feeds ng baboy. “Ay kabayo!” napasigaw ako ng tumunog ng malakas yung batyang nahulog sa semento kasabay ang pagiyak ni Piolo. Natamaan yata ang ingron nito sa paa. Sigaw ito ng sigaw habang ang bunganga’y sa akin nakatoon. “Ooooooink! Ooooooink! Oooooink!” galit na galit na hiyaw ni Piolo sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. “Malayo pang katapusan, nagvovocalize ka na kung paano sumigaw kapag katayin ka. Nagpapraktis ka?” parang tangang kausap ko sa alaga kong baboy. Tila naintindihan niya ang sinabi ko at biglang huminto sa paghiyaw. Napatikhim pa nga at namutla. Natahimik ako ng muling pumulupot sa likod ng baywang ko ang mga braso ni Alex. Dumikit ang katawan ko sa katawan niya. Sinadya nitong idiin ang kanya sa hiwa ko na ikinalaki ng mga mata ko. Tigas na tigas na yung kanya. Gulat na napatitig ako sa mga mata niya. Nginitian niya ako na nagpalaglag sa bagong utang na panty sa Avon ni Nanay para sa akin, na loose thread bigla sa mga titig at sa mga ngiti niya. Libog na libog na siya, init na init, maging ako man, shuke! Napapikit ako ng dahan-dahang lumapat ang labi niya sa labi ko. Inikot ko ang mga braso sa likod ng kanyang leeg. Ginalaw niya ang kanyang labi. Sinabayan ko ang kumpas ng mga labi niya sa labi ko. Hanggang sa muling palalim ng palalim ang halikan naming dalawa. Muling napada!ng ako ng masahein niya ang isa kong s**o. Ang sarap niyang magmasahe talaga, tila nagmomolde ng pandesal na pinatungan ng pasas. Saglit na tumigil siya sa pagmasahe sa s**o ko ngunit muli ko ring naramdaman ang paggapang ng kamay niya sa ilalim ng suot kong blusa. Tinaas niya ng bahagya ang bra ko upang wala ng hadlang sa pagitan ng s**o ko at palad niya. Binitiwan niya ang labi ko. Tuluyan niyang itinaas ang blusa ko ay sinimulang sipsipin ang isang s**o ko, nilalaro ng dila niya ang pasa ko habang ang isa’y nagpatuloy sa paglalaro sa kakambal nito. Dahan-dahan na kumurba ang katawan ko dahil unti-unti ng bumibigay ng bumibigay ang mga tuhod ko. Hinanap ng likod ko ang haligi ng kulungan ng baboy habang nakapikit ang mga mata ko ngunit halos humiga na ako’y hindi pa rin lumapat ang likod ko sa kahoy. “Sitiiing!” sa gulat ko’y natihaya ako at dumiretso sa loob ng kulungan ng baboy. Na shoot ako sa batyang nahulog kanina na pinagsaluhan ng apat na alagang baboy ko habang ang dalawang binti ko’y nakataas at nakabukaka. Nag-angat ako ng tingin, shuke nagkatitigan pa kami ni Piolo, dilat na dilat ang mga mata nitong nakatitig sa akin. “Near far wherever you are..” pinilig ko ang ulo ng marinig ko iyon bilang background music namin ni Piolo. Tapos biglang nagbago ang itsura nito at binigya ako ng ‘Karma is a b***h’ na titig.Napaiwas ako ng tingin ng bigla napaubo ito! Langyang baboy to! Pakiramdam ko tinatawanan niya ako kaya nasamid! Bwesit! “Aray! Tangina! Ang sakit ng balakang ko,” naiiyak kong saad. “Mahal, okay ka lang?” tanog ni Alex sa akin. “Mukha ba akong okay?” inis na saad ko ka’y Alex. “Sitiing! Saan ka bang bata ka!?” “Hala umalis ka na baka makita ka ni Mama!” mahinang saad ko sa kanya. Bigla naman itong nataranta. Nalilito kung anong gawin, kung tutulungan niya ba ako o tumakbo. “Umalis ka na! Bilisan mo!” “Babalik ako mamayang alas otso ha? Punta ulit tayo sa kubo, please,” pakiusap niya. “Siting! Ba’t ang dilim ng bahay!” “Oo na! Oo na! Umalis ka na!” bigla nga itong humarorot ng takbo. Dumaan ito sa bakuran sa likod ng bahay. Narinig ko ang pagtatahulan ng aso sa direksyon na tinakbuhan ni Alex. Biglang bumukas ang ilaw at bumungad sa harapan ko si Nanay. Dahan-dahan naman akong bumangon. “Siting?! Anong ginagawa mo dyan sa kulungan ng baboy?!” “Nakikikain po, gutom na kasi,” wala akong maisip na dahilan. “Lumuwag na naman ba turnilyo sa utak mong bata ka?” Sapo ang balakang kong dahan-dahan na tumayo. “Mano po, Nay,” inabot ko ang isang kamay ni Nanay para magmano. “Akala ko matatagalan pa kayo ng uwi,” saad ko sa kanya. “Saglit lang ako sa patay. Inabot ko lang abuloy ko,” tugon nito. Nalipat ang tingin ko sa supot na bitbit niya. “Ano yang nakalagay sa supot, Nay?” “Tinapay at Dried Max Coffee. Mahal daw itong kape na to. Ito yung binibigay nilang meryenda sa mga nakikiramay. Marami raw kasing biniling ganito ang namayapang bagong asawa ni Zoraida. Wala na raw gagamit kaya ito yung sinerb sa mga bisita. Nagtago ako ng konti lang naman para may pang-almusal tayo kinabukasan.” umubo ito. “Kaunti pero punong-puno yung dala mong supot.” “Ayaw mo nung, may isang linggong almusal na tayo,” saad nito at muling umubo. “‘Di ba, Nay ayon sa pamahiin may sumpa kapag nag-uwi ka ng kung anu-ano mula sa patay?” Tanong ko. “Asus! Panahon pa iyon ng lola’t lolo mo! Magsaing ka na’t makakain na tayo at ako’y gutom na pero maligo ka muna dahil amoy dumi ng baboy ka na,” napaubo muli ito. “Masama pakiramdam niyo nay?” nag-aalalang tanong ko sa kanya. “Medyo, pero kaya pa naman. Init-init kasi kaninang umaga. Sige na at magpahinga ako saglit. Gisingin mo lang ako’y nakahanda na ang hapunan,” saad nito sabay talikod sa akin. Naligo muna ako bago ako nagluto ng hapunan namin ni Nanay. Pagkatapos kong ihanda ang lamesa ay tinungo ko ang sala upang gisingin ito at magkakain na kami ng sabay. “Nay, gising na, nakahanda na iyong pagkain,” diniin ko ang palad sa kanyang braso, mainit kasi ito ng hawakan ko. Nilagay ko ang likod ng palad sa leeg nito, mainit nga si Nanay. “Nay, mainit kayo ah. Sasaglit lang ako sa tindahan ha. Bilhan kita ng gamot.” Bago ako lumabas ay kumuha muna ako ng kumot sa loob ng kwarto namin at kinumutan ko si Nanay. Lumabas ako at tinungo ang pinakamalapit na tindahan. Bumili ako ng Bioplok. Kay bilis kong narating ang bahay. Kumuha ako ng tubig sa kusina at tinungo ang sala. Dahan-dahan kong tinayo si Mama. Binigay ko sa kanya ang Bioplok na wala ng wrapper, agad niya itong ininom. Inabot ko sa kanya ang isang basong tubig at muli niya itong ininom. Hindi natuloy ang muling pagpunta namin ni Alex sa kubo. Tatlong sunod-sunod na araw an tumanggi akong sumama sa kanya dahil may sakit si Mama ngunit sa ika apat na araw ay hindi na ito nagawi sa bahay. Nasa loob ng classroom kaming lima. Palagi kaming nauunang dumating kaysa ibang estudyante. Si Meling ang may dala ng susi ng silid aralan namin kaya nakakatambay kami sa loob nito habang hinihintay ang oras ng umpisa ng klase. Sabay kaming napalingon lima sa may pintuan ng dumating si Siobe Gina Jaculo. Ang bagal ng lakad nito habang sapo ang balakang na para bang bagong panganak. Nakatinginan kaming lima. “Na virginan yata,” natawa ako sa sinabi ni Aning. “Hindi baka nasobrahan,” saad naman ni Doring. “Hoy, baka marinig kayo!” saway naman ni Meling. “Anyari sayo, girl?” rinig naming tanong ni Maribel Lat sa kanya. Sila ang grupong matindi ang galit kay Meling, ang lider nila ay si Manchuchupa na katunggali ni Meling sa pagiging valedictorian. Lumipad muli ang tingin namin sa may pintuan ng dumating nga ang lider. Speaking of the devil! Nagtaka kaming lima, napakaunsual nitong si Manchuchupa dahil may patakip-takip ng panyo sa kanyang bibig. Napalingon siya sa gawi ni Meling. Nang magkasalubong ang mga titig nila ay tinaasan siya nito ng kilay. Patayo na ako upang sugurin ito ngunit kay bilis nila akong pinigilan. “Hoy shuta alam mo ba, napadaan ako kagabi doon sa may kubo. Yung pahingahan ng mga magsasaka. Kinilabutan ako dahil nakarinig ako ng ungol,” rinig kong saad ng isa naming kaklase na lalaki. Napalingon kami kay Siobe Gina Jaculo ng mapaubo ito bigla. “Sinubukan kong lumapit ngunit agad rin akong napatakbo ng biglang may kumalabog sa loob ng kubo. Shuta! Narinig ko talaga yung pag-alolong ng tao sa loob ng kubo.” panay pa rin ang pag-ubo ni Siobe Gina Jaculo. Umayos kami ng upo lahat ng pumasok si Ma’am Kurikong. Ilang saglit lang ay nagtatawag na ito ng mga pangalan para sa oral recitation. “Yes Ms. Manchuchupa!” “The difference between-” “Can you please remove the handkerchief from your mouth so we may be able to hear you clearly?” napalingong kaming lima kay Manchuchupa. Nanlaki ang mga mata namin ng makitang namaga ang dalawang labi nito. Kanya-kanya kaming kalabit sa isa’t-isa. Pinipigilan namin ang matawa. Mukhang tumalab na ang barang ni Ate Glorya. Sulit na sulit ang isang daan namin, shuke! “What happened to your lips?” manghang tanong ni Ma’am An-an sa kanya. “It was bitten by an insect, ma'am, as soon as I woke up it was like that already,” sagot naman niya. Tawang-tawa kaming lima habang nakaupo sa aming tambayan sa ilalim ng punong acacia. “Para na siyang si Angelina Jolie na nabugbug ni Pakyaw, shuta!” tawang-tawang saad ni Doring. “Hoy, hindi ba kayo nakokonsensya?” kahit kailan talaga napakabait nitong si Meling. “Naaawa talaga ako doon sa tao. Hindi ba tayo napasobra?” siya na nga itong laging sinusungitan. “Isang beses lang natin iyon gagawin. Atleast sa ganung paraan ay makabawi ka man lang.” saad ni Ajing. Napuno ng halakhakan ang tambayan namin ngunit bigla akong natigil sa pagtawa ng mula sa kinauupuan ko’y matanaw ko ang nobyo kong si Alex na ilang araw ng hindi nagpapakita sa akin. Hindi siya rito nag-aaral. Sa isang private school siya baka nais niyang makita ako. Napangiti ako at napatayo bigla. “Siting, saan ka pupunta?” rining kong tanong ni Aning. “Si Alex,” masayang tugon ko. “Sana all, dinadalaw! Haba ng hair!” “Saglit lang lapitan ko na, ha,” paalam ko sa mga kaibigan ko. Ilang hakbang pa lang ang nagawa ko ng bigla akong napatigil. Kay lakas ng t***k ng puso ko. Biglang bumalong ang luha sa mga mata ko. Tila piniga ang puso ko sa sakit ng makita ng dalawang mga mata ko kung paano niya hinapit si Siobe sa baywang sabay angkin ng mga labi nito ng gaya kung paano niya ako halikan. Bago pa man bumagsak ang mga luha sa mga mata ko’y mabilis akong kinabig patalikod ni Meling upang iiwas ang mga mata ko sa kanila. Niyakap niya ako, nakita ko na lamang ang sariling napahagulhol sa balikat niya kasabay ang pagyakap tatlo ko pag mga kaibigan sa akin. “Bakit? Ang sakit… Shuta ang sakit-sakit…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD