“Tama na pantasya! Let’s fack up!” masiglang saad ko sa apat dahil nakatulala pa rin ang mga ito nakatanaw sa pintuang pinasukan nina Mitching at ng afam niyang daks at hot. Sana all Makabaleghoten!
“Anong let’s fack up?”
“Hay nako Meling, don’t tell us nagiging bobo ka na rin, fack up ba, magbalut na at maghanda dahil tayo’y lalarga na!”
“Pack up!”
“Ano bang sinabi ko? Pareho lang yun! Sosyalan lang yung akin, slangers,” palusot ko.
Isa-isa na naming binuhat ang mga bag na may lamang duck egg, ika nga ni Mitching.
“Shuta ang bigat ng tadyang!” mahinang anas ni Doring. Binuhat niya ang backpack at nilagay sa likuran.
“Yung tadyang lang mabigat, mamamatay?”
“Oo na pati yung crispy pata, shuta ka!”
Halus mahirapan silang buhati ang mga backpack nila dahil sa dami nilang shinaron. Pangisi-ngisi pa ako. Buong lakas kong binuhat ang back pack ko at nilagay sa isa kong balikat. Ang lapad pa ng ngiti ko, excited akong umuwi dahil kay rami kong dalang pagkain para sa mga kapatid ko.
“Aning!” sabay na sigaw nilang apat ng mabuwal ako sa bigat ng bag ko. Dinaluhan nila akong apat upang tulunga akong makatayo.
“Shuta, ang bigat ng buong ulo, yawa,” reklamo ko.
“Ulo pa more!”
“Sugapa pa more!”
“Mga yawa kayo! Tutulungan niyo ko o tutuksuhin na lamang?” Nilagay ko muna ang dalawang strap ng backpack ko sa magkabilang balikat ko bag ako tumayo.
Ilang saglit lang ay binabagtas na namin ang daan pauwi. Saglit kaming huminto upang magpahinga dahil nabibigatan na rin kami sa aming dalang pagkain. Magkakahelera kaming limang umupo sa may batuhan. Nilagay namin ang kanya-kanya naming backpack sa harapan.
“Aning, pasilip nga ng letchon mo,” saad sa ni Doring. Napalingon ako sa kanya at masama siyang tinitigan.
“Bakit kay sama mong tumingin?” saad ni Doring sa akin. Nasa pinakagitna ako, Katabi ko si Doring at Meling. Habang nasa magkasingdulo si Ajing at Siting.
“Ang sama mo rin kasing tingnan! Aray!” impit ko ng hilahin niya ang buhok ko.
“Sigi na pasilip na! Baka nakalimutan mo, ako naglagay niyan sa bag mo!”
“Silip lang ha?”
““Oo nga, silip lang promise!‘Di hamak na mas masarap na dala ko, buong tadyang!”
Hinawakan ko ang dulo ng zipper upang buksan ang bag ko habang yung apat ay naghihintay na makasilip sa lechon ko ngunit saglit na tumigil ako.
“Duda talaga ako e, mas masama kang binabalak sa lechon ko,” saad ko kay Doring.
“Tangi! E di sana ‘di na kita tinulungan! Gago!”
“Oo na, eto na nga!” tuluyan ko nang binuksan ang bag ko at tumambad muli ang nakangising ulo ng lechon.
“Ang ganda ng pakakangiti,” saad ni Siting. Nagtawanan kaming lima.
“Bakit may picture mo dyan aning?” tukso sa akin ni Ajing.
“Okay lang atleast, masarap! Pinagkakaguluhan!” saad ko.
“Shuta, nakabraces pa!” tawa kami ng tawa sa banat ni Doring!
“Siraulo talaga to!” saad ni Meling.
Napahinto ako saglit ng biglang sumakit tiyan ko.
“Teka lang!” nahinto rin sila sa pagtawa at napatingin sa akin. Nang biglang walang pasabing pumutok utot ko! Sabay-sabay na umilag ang apat sa akin. Tumayo at lumayo.
“Tanginang utot naman yan, Aning! Parang pang isang taong hindi naka dyebs ah!” malakas na saad ni Siting habang nakataip sa kanyang ilong
“Shuta kailangan ka nang ibaon nakakasira ka ng kalikasan yawa ka!” saad ni Ajing.
“Yung baho ng utot mo nakakasuffocate yawa!” saad naman ni Meling.
“Mabuti na lang wala tayo sa classroom malamang sumikabilang buhay na tayo!” saad naman ni Meling.
“Aw, sumasakit talaga tiyan ko.” saad ko habang pinapakiramdaman ko ang sarili.
“Hala ka Aning! Sabi ko sayo may karma yung ulo!” saad ni Ajing.
“Shuta! Ang sakit talaga ng tiyan ko,” dahan-dahan akong tumayo habang nakahawak sa tiyan ko ngunit kada angat ko ng pwet ko ay pagsisulputan naman ng utot ko. Yung mga walang hiya kong mga kaibigan napapayuko naman akala mo talaga matatamaan ng utot ko.
“Aning! Suko na kami shuta!” malakas na saad ni Siting.
“Cease fire! Cease fire!” saad naman ni Doring. Gusto kong makitawa sa apat pero tangina lumalakas ang utot ko. Natatakot akong baka may laman na ang kasunod.
“Siraulo kayo!” anas ko.
“The enemy has been slain!” napatingin kaming lahat kay Ajing. “O bakit? Sa ML yun!”
“Iba talaga pagyayamanin!”
“Gago!”
“Hoy saad ka pupunta?” nabaling ang atensyon nila sa akin ng biglang napaatras ako. ‘Di ko na talaga kayang pigilan ang nararamdaman ko.
“Hoy! Dyan lang kayo! Balik ako agad! Hintayin niyo ko, ha? Shuta tinatawag talaga ako ni mader earthworm natin!” pagkasabi ko’y kay bilis kong humarurot ng takbo habang sapo ang tiyan at ang pang-upo ko.
“Hoy aning nakalimutan mo magdala ng papel!”
“Okay lang! Keri na sa padahon-dahon lang!” sa katatakbo ko natisod pa ko! Kapag minamalas ka nga naman! Napaupo ako sa lupa at dahil pahalang yung kinabagsakan ko para akong naglalaro ng slide pababa sa gilid ng maliit na burol. “Shutatatatatatatatatatata,” tanging nasambit ko habang patuloy na nagpadulas pababa ng burol dama ko yung maliliit na bato sa pang-upo ko pati na rin ang maliliit na sanga ng mga ligaw na halaman. Habang yung utot ko nama’y “Plokplokplokplokplok!” Kung hindi lang masakit tiyan ko, kumalabog na puso ko sa kaba. Magtatakip silim pa naman. Kumambyo at napabreak na ako ng marating ko ang dulo ng burol. Mabilis akong tumayo, yung utot ko namamaril pa rin.
Humanap ako ng pwesto. Lingo sa kanan, lingon sa kaliwa. “Cleared!” sigaw ng utak ko. Mabilis kong hinubad ang pangibaba ko at umupo. Para akong dinuyan sa ulap ng mailabas ko ang sama ng loob parang bagong taon lang puro hangin laman ng tiyan ko. Nilabas ko lahat kahit ang kahulihulihang bala. Shuta, pinaprolong pa! Napangiti ako ng matapos. Bigla akong kinabahan ng paglingon ko’y walang masyadong dahon. Kung meron man dalawang metro pa ang layo kaya para akong aswang na nakatuwad patungo sa pagkukunan ko ng environment tissue, o diba sosyal! Pumitas ako ng dahon at yuna ng pinagpunas ko.
“Sa bukid walang papel uy! Ikiskis mo sa pilapil oi!” pakanta-kanta na ako habang pabalik sa kinaroroonanng mga kaibigan ko.
“Kumustang gyera?” tanong sa akin ni Doring.
“Ayun, na ipwesto ko na yung Taebomb.”
Kay lakas ng tawa ng mga kaibigan ko.
Malayo pa man ay tanaw ko na ang abuela ko habang hinihintay ang pagdating ko. Malamang ay nagalala na naman ito dahil medyo natagalan ang pag-uwi ko. Apat kaming magkakapatid. Bata pa lang kami ay iniwan na kami ng tatay habang si Nanay ay lumuwas ng Maynila para mamasukang katulong upang may ma ipangtustus sa amin. Sa tatlong taon niya sa Maynila ay panay pa ang padala niya sa amin bigla na lamang huminto at pati nanay namin ay hindi na nagparamdam.
Naiwan kaming magkakapatid kay Lola at Lolo ko. Si Lolo mahigit sampung taon ng patay kaya si Lola na lamang ang bumubuhay sa aming magkakapatid. Kahit hikahus sa buhay ay pinilit niyang patapusin si Ate Nalyn sa pag-aaral kahit hanggang highchool lamang upang makahanap ng trabaho at matulungan si Lola sa araw-araw na gastusin sa bahay.
Nakapagtapos si Ate Nalyn at hindi nito binigo si Lola na tulungan na makapagtapos kaming iba niyang mga kapatid at kahit na nakapag-asawa na ito ay patuloy pa rin ang suporta niya sa amin. Mabuti na lang rin at mabait at maunawain ang na-asawa ng Ate. Hindi man kalakihan ang naipapadala ngunit sapat na upang makaraos sa pang-araw-araw.
“Lola ko!” masayang tawag ko sa kanya. Nakita ko ang pagliwanag ng kanyang mukha. Tila nabunutan ng tinik ang puso. Ganito siya palagi kapag matagal akong nakakauwi. Hindi mapakali.
“Saan ka ba’t galing at ginabi ka na naman?” lumapit ako at nagmano sabay yakap sa kanya.
“Kumain na po kayo?”
“Yung mga kapatid mo tapos na. Ako’y hindi pa at alam mong hindi ako makakain kapag wala ka,” napangiti ako, muling hinaplus ni Lola ang puso ko. Nakunsensya rin ako dahil ako busog na habang siya’y hindi pa kumakain. Sa aming magkakapatid ako ang pinakamalapit sa kanya dahil ako ang palaging naglalambing sa kanya. Ako ang taga masahe at tiga kuha ng kanyang puting buhok. Nakaakbay siya sa akin habang giniya niya ako papasok sa loob ng katamtamang laki ng aming bahay.
“Tamang-tama at ako’y may baong masarap na surpresa sa iyo!” Lumapit kami sa maliit naming lamesa. Nilagay ko ang bag sa isang silya at binuksan. “Tsaran!” masiglang saad ko sabay labas ng ulo ng lechon mula sa bag ko. Nakita ko ang pamimilog ng kanyang mga mata. Bakas ang saya sa kanyang nakita. “May okasyon sa klasmeyt ko noong elementarya sa bahay nila at ang raming ulam Lola kaya pinagbalut ko kayo! Seling! Myrang! Hali kayo’t ako’y may baong letchon!” nagunahang makalabas sa kwarto ang dalawang nakakabata kong kapatid. Nilabas ko pa ang ibang binalut ko na ulam at nilagay sa ibabaw ng lamesa. Kumuha ako ng mga pinggan at sinalin ang mga ulam mula sa supot na pinaglagyan ko. Nagsaing na rin ako ng kanin at nilagay ko sa gitna.
Pinaghila ko ng upuan si Lola, dahan-dahan siyang umupo. Umupo na rin ang mga kapatid ko at pinagsaluhan namin ang dala kong pagkain pero syempre konti lang kinain ko gusto ko lang saluhan ang lola ko.
Habang masayang pinagsasaluhan namin ang shinaro ko’y hindi ko napigilang mapatitig sa nakangiting si Lola ko. Bakas ang labis na kasiyahan sa kanyang mukha na makatikim ng lechon muli sa haba ng panahon at makakain ng ulam na ngayon lang namin matitikman.
Hindi man ako biniyayaan ng panginoon ng katalinuhan pero pinapangako kong magsisipag ako upang makapagtapus ng pag-aaral upang tuparin ang pangarap ni Lola para sa aming magkakapatid. Mapalasap sa kanya ang magandang buhat at para muling mapatikim sa kanya ang ngayong pinagsaluhan naming masarap na ulam…