Naglalakad ako ngayon pauwi sa aming bahay. Tila nawalan ako ng ganang sumakay. Mabuti ng ganito ang ginagawa ko, may sapat akong oras para himay-himayin ang mga nangyayaring kakaiba sa akin. Malapit ng lamunin ng dilim ang liwanag, kulay kahel na ang kalangitan at papalubog na ang araw, paunti-unti na ring dumarami ang mga sasakyan at taong dumadaan, tanging mga busina at tunog ng mga sasakyan at sigaw ng mga barker ang maririnig sa paligid. Unti-unti na ring umiilaw ang mga signboards ng iba't-ibang pamilihan. Mabuti pa ang paligid ko, normal. Walang kakaiba. Araw-araw umuusad ang kanilang buhay sa paraang nararapat rito, hindi kagaya ng buhay ko, araw-araw iba't-ibang kakaibang bagay ang nangyayari. Napapaisip rin ako minsan, baka isa lang talaga itong mahabang panaginip at ang kaila