Nagising akong hinang-hina. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Marahan kong kinapa ang aking p********e, at nakahinga ako nang maluwag nang masigurong sa panaginip nga lang nangyari ang lahat ng 'yon. Dahan-dahan akong bumangon at kinuha ang aking cellphone na nakalagay sa side table, at nang tingnan ko ito, halos manlaki ang mga mata ko. Lunes na! Biyernes ako natulog at ngayon lang ako nagising! Kaya pala hinang-hina ako ngayon ay dahil tatlong araw na akong tulog, walang kain, at walang inom ng tubig. Nang tumayo ako ay kaagad akong napahawak sa aking kama nang biglaang magdilim ang paningin ko kasabay ng aking pagkahilo. Tuyong-tuyo rin ang aking lalamunan, at gutom na gutom na rin ako. Nang makalabas ako sa aking kwarto ay kaagad akong dumiretso sa kusina para kumain. Gumawa lang ak