KABANATA 1

1392 Words
(1997) "Magandang umaga po nanay Luding," ang magiliw na bati ng dalagitang si Anya sa matanda. "Maganda ka pa sa umaga Ineng," ganting tugon naman ni Aling Luding ang matandang naninilbihan sa pamilya Zantillan. Kasalukuyan nitong binubuksan ang gate na bakal upang bigyan daan si Anya papasok. "Naku! ang kaibigan mo e nahilik pa ata sa kanyang silid," dagdag pa ng matanda habang nakangiti. "Okay lang po. Ako nga po ata itong napaaga ng dating." Nahihiya man ay magalang niyang sagot. May katotohanan kasi ang sinabi niya. May paborito siyang spot sa Villa iyon ay sa halamanan ni Mrs. Zantillan kaya naman ay maaga siyang pumaroon. Ang Villa Zantillan ay isa sa pinakamalaki at pinakamarangya sa bayan ng San Isidro. Napaliligiran ng samu't saring puno't mga halaman ang palibot nito. Ang mga halamang namumulaklak ay organisadong nakatanim sa hardin at bago makarating sa mismong Villa ay ang pinong-pinong berdeng bermuda grasses sa malawak na lawn. Sa tuwing may pagkakataon na nakakapasok siya sa ViLla ay naroon ang lagi na'y panggigilalas sa tuwing mamamalas ang kabuuan nito. "Doon ko nalang po hihintayin si Kate nanay Luding" aniya sa katiwala habang tinatanaw ang patio garden. Ngumiti ang matanda batid nito ang pagkahilig ni Anya sa mga halamang namumulaklak. "O siya sige at ako'y maghahanda pa ng almusal. Siya nga pala gusto mo ba ng maiinom? Ipagtitimpla kita ng kape o di kaya'y gatas," Alok ni Nanay Luding. "Wag na po kayong mag-abala Nay Luding tapos na po ako sa bahay, maraming salamat na lamang po," magalang niyang tanggi. "Kung gayon ay tutuloy na ako hintayin mo na lamang ang kaibigan mo at siya'y gigisingin ko na rin." "Sige po." Tumalikod na ang matandang katiwala at humakbang na patungong Villa. Samantalang si Anya naman ay tumuloy na sa malawak na flower garden ng mga Zantillan. Kung saan ay iba't-ibang halamang namumulaklak at ornamentals ang nakatanim. Kumpleto ang hardin mapa rosas, orkidyas, sunflower, daisy at marami pang iba, ngunit ang pangunahing pakay ng dalagita roon ay ang iba't-ibang uri ng hibiscus o mas kilala sa tawag na gumamela. Ayon sa kaibigang si Kate ay personal na minamantina ng inang si Donya Isabel ang mga halaman nito. Mahilig raw mangolekta ng mga gumamela ang ginang at ang iba pa raw sa mga ito ay inangkat pa mula sa ibang bansa. Mahilig rin siya sa mga bulaklak partikular na ang mga gumamela. Katunayan ay ito ang pinakapaborito niya sa lahat ng uri ng mga halamang namumulaklak. Marami silang tanim sa bakuran nilang mag-lola pero ang kanila ay yaong karaniwan nang nakikita sa mga hardin. "Magandang umaga! Aba naman sa araw araw ay parang lalo kayong gumaganda." wika ni Anya habang kinakausap ang mga bulaklak. Ugali na niyang gawin ang bagay na iyon. Naniniwala kasi siyang ang mga halaman ay nangangailangan rin ng paglalambing na parang tao. Inabot niya ang isang may kataasan ng tangkay. Isa iyong Hawaiian Hibiscus na siyang paborito niya sa lahat dahil sa malalaking petals at matitingkad nitong kulay. Bawat talulot ay iniinspeksyon niyang maigi pero duda siya kung may makikita siyang higad sa dahon niyon. Nang makuntento ay nilapitan ng dalagita ang katabing rosemallow o kilala sa tawag na gumamela ng Pilipinas. Inilapit niya ang tangkay sa kanyang ilong. "Hmmm...ang bango+ bango," aniya habang nakapikit pa ang mga mata na sinamyo ang bulaklak. "At kailan pa naging mabango ang isang hibiscus?" anang baritonong boses mula sa likuran. Agad na naidilat ni Anya ang mga mata. Nagulat o nabigla. Alin man sa dalawa ay hindi agad siya nakakilos. Mabilis na kumabog ang dibdib niya. Kilalang kilala niya ang nag mamay-ari ng naturang tinig. Marahang lumingon si Anya. Magiging katawa-tawa siya kung mistula siyang magiging tuod. Si Clark ay naroon at nakasandal sa poste. Ang nakatatandang kapatid ng kaibigan na si Kate at panganay na anak ng mag-asawang Zantillan. Base sa suot nitong puting sando na Nike ang tatak, na tenernuhan ng itim na jogging pants at rubber shoes ay mukhang kagagaling lang ng lalaki sa pagtakbo. Tumutulo pa sa guwapo nitong mukha ang mga butil na pawis at sa balikat ay nakasampay ang isang katamtamang puting tuwalya. Pakiramdam ni Anya ay nanigas ang kanyang mga binti para siyang itinulos sa pagkakatayo. Na mas higit na pinalubha nang unti-unting humakbang palapit ang binata sa pwesto niya. Nagsimulang mag-rigodon ang kanyang dibdib Hindi niya inaasahan na makakatagpo ang lalaki sa umagang iyon. Buong akala niya ay wala ang binata sa Villa pagka't ayon kay Kate ay hindi uuwi ang kapatid dahil sa Amerika nito nais na magbakasyon mula sa pag-aaral sa Maynila. Palapit nang palapit si Clark at halos gahibla na lamang ang distansiyang inilaan nito sa pagitan nilang dalawa. "I asked you young lady. Kailan pa naging mabango ang isang hibiscus?" Muling tanong ni Clark. Halos ikabingi naman ni Anya ang kabog na nararamdaman sa dibdib. Tila ito tambol sa lakas sa nakakaligalig na presensiya ni Clark. Wala siyang maapuhap na salita. Paano ba naman tumunghay pa ang guwapong mukha ng binata sa kanya. Sino naman ang makakapag-isip nang tama kung totally distracted na. "A....ang ibig kong sabihin they smelled good b... but not in a flowery nature. D... depende naman...sa tumitingin yon kung paano nila ia-apreciate ang isang bulaklak h...hindi ba?" Bagamat pautal, kabado at nahihiya ay ismarte niya pa ring sagot. "Really...?" Si Clark na kinakitaan ng amusement ang mukha. "Then, let me try it," ani nito. Sa pagkagulat ni Anya ay mabilis na naabot ni Clark ang kanyang kamay kung saan ay hawak niya roon ang tangkay ng gumamela kaya ang siste ay napaloob sa malapad na palad ng binata ang maliit niyang palad. Matangkad si Clark sa karaniwang lalaki. Naglalaro sa anim na talampakan ang taas bagamat bente dos pa lamang ang edad. Yumuko ang binata at sinamyo ang gumamelang hawak na nilang pareho. Dahilan upang maglapit ang kanilang mga ulo at pigilin niya ang hininga. Pinagdaop rin ni Clark ang mga mata tulad ng ginawa niya. Kaya naman ngayon ay malaya niyang napagmamasdan ang guwapo at makinis nitong mukha, matangos na ilong na tila nililok, makakapal na kilay, manipis at mapulang mga labi. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa sulok ng mga labi ni Anya. Larawang tumambad Kay Clark nang imulat nito ang mga mata. Kinindatan nito ang dalagita na nauwi sa pagkataranta at pamumula ng mukha nito. Kuya...?" Si Kate na tangan tangan sa kamay ang gitara nito. Mabilis na binawi ni Anya ang kamay mula kay Clark. Save by the bell ang biglang paglitaw ng kaibigan lihim niyang ipinagpasalamat na bumaba na rin ito. Kulang nalang ay hilingin niyang maglaho na lamang dahil sa kahihiyan. "Hello sweetheart... miss me?" anang binata pagbaling sa kapatid. Rumehistro sa mukha ni Kate ang tuwa at excitement. Patakbo itong lumapit sa nakatatandang kapatid at humalik sa pisngi nito. "I thought you're in San Francisco." ani Kate "I've changed my mind aren't you happy?" sagot ni Clark na ginulo ang buhok ng kapatid. "Nah! Super happy kuya. I'd miss you." Si Kate na tuluyan nang naglambing sa kapatid. Hindi maiwasang mapangiti ni Anya nakakaaliw pagmasdan ang closeness ng dalawa. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na sa kabila ng pagiging bohemyo ni Clark ay masuwerte parin ang mga babaeng napauugnay rito. Bakit? He was kind of a sweet man and a very generous person. Sa bagay na iyon ay gusto niyang mangiwi, kilala ang binata sa pagiging galante money is not an issues in him at ginagamit nito iyong pambawi sa mga babaeng nais nang kalasan. Sa madaling salita suhol sa napagsawaan na. Very expensively. Very consoling. "Anya, are you okay?" Kate asked. Anya glanced at her sheepishly and then her eyes landed to Clark scowling look. "H...ha? Oo naman. " Sagot niya na halatang nagulat. "I'd better get going...I think I need a shower." Baling ni Clark sa kapatid pagkatapos ay sumulyap sa kanya and nodded. Nahihiya man ay matipid na ngiti ang isinukli niya sa binata. Pakiwari niya ay nababasa nito ang mga bagay na naglalaro sa kanyang isipan dahil sa uri ng mga titig nito. Nagsimula nang humakbang si Clark at tinungo ang daan patungong front door nang tila ito matigilan. He quickly glanced back at them. "Hey Anya! " sabay na napalingon ang magkaibigan . "Thank you for the trivia." Clark murmured with a mischievous smile. Laglag ang panga ng dalagita. "Ano raw?...anong trivia? " sa pagtataka naman ni Kate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD