PROLOGUE

1570 Words
PROLOGUE Gabi ng prestihiyosong launch ng isang sikat na intimate apparel sa bansa. One of the big hottest events. Pamoso ang naturang paglulunsad kaya't inaabangan ito ng lahat, maging ng mga kilalang personalidad sa mataas na antas ng sosyedad. Katulad ng inaasahan ay sinalubong ng masigabong palakpakan mula sa manonood ang mga glamorosang modelo ng isa-isa nang maglakad sa runway. Suot ang iba't-ibang disenyo ng branded sexy lingeries ay lumutang ang kanilang kaseksihan at bawat isa ay nag-aangkin ng kakaibang karisma. Subalit kung ang lahat nang naroon sa bulwagan ay nasisiyahan at napapasipol sa mga nasisilayang kagandahan hindi si Clark Zantillan. Habang nakatitig sa isang partikular na imahe ay naniningkit ang mga mata nito, nagtiim ang mga bagang kasabay ng pagkuyom ng mga palad. Mula naman sa saliw ng isang malamyos na tugtugin. The supermodel Anya Collins triumphantly paraded at the catwalk while doing blowing air kisses to the audience. With her sexy smiles and seductive looks wearing a very sexy black lace bikini with an extravagant feathered robe that shows her sexiness. All eyes in her. Ni walang may gustong magkurap ng mga mata. Bakas sa mga mukha ang masidhing paghanga para sa modelo. Maging ang kaibigan ni Clark na si Vince ay hindi maitago ang admirasyon. Umugong muli ang palakpakan. Ang mga naroong bisita ay talaga namang may kanya-kanyang paboritong hinahangaan. Kumbaga sa sabong may kanya- kanyang mga naging manok. Matapos ang isang pasada sa entablado ay nagpasya si Anya na manatili muna sa dressing room. Isinandal niya ang ulo sa couch at bahagyang ipinikit ang mga mata. Nais niyang maipahinga pasumandali ang pagal na isip at katawan. Isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa. She came from the busiest city of New York. Twenty years ago ay nilisan niya ang bansa to build a new life in the States and find interest there. Laking pasasalamat niya at kinilala siya ng Britong ama at buong pusong tinanggap ng pamilya nito. Ayon sa ama ay hindi naging madali ang lahat para rito. Nagkaroon ng malaking krisis sa pamilya nito kung kaya't hindi na nagawang makabalik pa ng Pilipinas maging sa kanyang ina. Ang mga unang taon niya sa America ay hindi naging madali. Habang nag aaral sa isa sa mga Universities doon she was spotted by a model scout. Inalok siya nito ng trabaho bilang modelo and she grabbed the opportunity. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay aasa siya sa tulong ng ama. Kahit pa ba sabihing napakabuti ng asawang kauli nito sa kanya Nagsimula siya sa swimwear line hanggang maging regular endorser ng isang sikat na brand of sexy lingerie sa states. She became famous and one of the top earning models in the fashion business.Doon nagsimula ang glamorosang mundo niya. At heto sya ngayon sa sariling bansa para sa isang mahalagang bagay. Tinawagan niya si Eunice upang ipagbigay alam na nasa Pinas na siya at nasa mismong event place nito. Ganoon na lamang ang pagkamangha ng kaibigan at dating katrabaho. Matagal na siyang kinukulit ng babae na magbakasyon sa Pilipinas sa bayan nito Sa San Sebastián pero lagi na'y tumatanggi siya at ginagawang dahilan ang pagiging abala sa kanyang trabaho. Isang linggo bago siya tumulak ng Pilipinas ay kausap niya si Eunice sa telepono. Masaya nitong ibinalita ang muling pagsabak sa fashion industry. Pero sa pagkakataong ito ay hindi bilang isang modelo kundi co-founder ng isang Lbrands. Eunice is a former angels top model kung saan ay kabilang rin siya. Bata sa kanya ng limang taon ang babae pero hindi iyon naging hadlang upang hindi sila maging matalik na magkaibigan. Eunice married a rugged business tycoon, very much in-love with the guy para magpasya ang kaibigang lisanin ang mundo ng pag momodelo sa kabila ng rurok ng tagumpay at kasikatan. Sa kasalukuyan ay may dalawa ng anak ang kaibigan. Isang marahang pagkatok sa pinto ang naulanigan niya. Bumungad mula roon ang napakagandang si Eunice Montes. So elegant in her black long gown that simply revealed her curve despited of motherhood. Mahigpit na yakap ang isinalubong nila sa isa't-isa. ”What a big surprise!" Ani Eunice na di magkamayaw sa tuwa. Hindi inasahan ng babae na makakasama siya sa line up ng mga modelo nito. Sinadya niya ang bagay na iyon upang sorpresahin ang kaibigan bilang suporta. "I'd miss you, it’s been a while.” ang parang batang wika pa ni Eunice. Naroon ang lambing sa tono. " Yeah, it's been a while and I miss you- - - damn hell! "sagot ni Anya. They ended up laughing. “I know it's a tiring night but we have to celebrate. Hindi ko palalagpasin ang gabing ito. Come on, my husband Vince and his friend can’t wait to meet you darling." Bulalas ng babae na mas excited pa sa kanya. Kulang ay hilahin sya palabas. A quick glance in a mirror and she was satisfied with her looks. Wearing an off-the shoulder emerald green mermaid lace evening dress that fits in her side swept hair, the classy soft curls make her look ultra femme and glamorous. Inabot niya ang hindi kalakihang signature golden clutch bag at sumabay na palabas sa kaibigan. "This is my husband Vince." Pakilala ni Eunice sa asawa. "Oh hello Vince! " bati ni Anya sabay abot ng kanyang kamay upang makadaupang palad ang lalaki. He must be in his late thirties and a drop-dead gorgeous man. The rugged looks make him more appealing. No wonder. Lihim niyang kinindatan ang kaibigan na nakuha naman agad ang ibig niyang ipakahulugan. Napahagikhik ang babae. "It's my pleasure to meet a supermodel from Newyork. Euny was right you're so beautiful" wika ni Vince na hindi maitago ang paghanga sa mga mata.. "But then Of course secondly to my lovely wife." Muling bulalas ng lalaki na kinabig ang asawa. Eunice rolled her eyes at nangingiting pinandilatan si Vince. Anya smiled. Mula sa sulok ng mga mata ay gusto niyang managhili sa kaibigan. Mapalad ito at maganda ang pinatunguhan ng relasyon sa kabila ng mga naging balakid. She deserves the happiness in the world dahil hindi rin biro ang mga pinagdaanan ni Eunice. And she was really happy for her. "Hmmm." Tikhim mula sa isa pang lalaki na Hindi agad napansin ni Anya. "Oh my!. I forgot you darling. ” Si Eunice na bumaling sa katabing lalaki at bahagya itong hinila. “Anya sweetie, This is Dr. Clark Zantillan, Vince's best friend. I’m sorry darling with my husband around ay nakakalimutan ko ang mga hombre’s sa tabi.” biro ni Eunice. “I’ll told you Clark, hindi mo makukuha sa charm ang asawa ko.” si Vince na natatawa sa biro ng asawa. “I knew that man.” nangingiting tugon naman ng lalaking tinawag na Clark. Bumaling ito kay Anya na noon ay unti-unting nabura ang ngiti sa mga labi. Pomormal ang lalaki at sinalubong ang nanggigilalas na titig ng kaharap. Si Anya ay halos hugutin ang hininga nang magtama ang mata nila ni Clark. Naroon ang pagkamangha at labis na pagkagulat. Pakiramdam niya ay nawalan ng kulay ang kanyang mukha kasabay nang paglakas ng t***k ng kanyang puso. He was looking at a dashing debonair in his black tuxedo a bit stubble beard makes him more masculine and handsome. He gets older but maturity suits him. "Nice meeting you Ms Collins." Wika ni Clark sa malamig at matigas na tono. His eyes glare at her at gustong mapasinghap ni Anya sa talim na nakikita sa mga mata nito na iglap din namang naglaho. Kung dinadaya man siya ng paningin ay hindi nakakatulong sa nararamdaman niyang tensyon. "I... It's my pleasure to meet you Dr. Zantillan." Ang halos bulong na nanulas sa labi niya. Inabot niya ang nakalahad na kamay ng lalaki at nagulat sa init na nanulay mula roon. Katulad parin ito ng dati nakakapaso. Mabilis naman na binawi ni Clark ang palad nito mula sa kanya. Nanatiling pormal ang ekspresyon ng lalaki dahilan upang makaramdam siya nang sobrang pagkailang. Mahaba pa ang gabi subalit bawat oras na dumadaan ay naging kabagot-bagot kay Anya. The taste of tequila didn't help her. Nagririgodon ang kanyang mga pandama. Gayunpaman ay wala siyang masabi sa mag-asawa they entertained her with so much care nag boluntaryo pa nga si Vince na ipagamit sa kanya ang presidential suite nito sa isang kilalang hotel Sa Makati na malugod niyang tinanggihan. Saglit din namang nasolusyunan ang awkwardness niya kay Clark dahil mukhang wala namang balak ang lalaki na harapin siya patunay ang mga pag iwas nito. Kanina'y natanaw niya ang binata flirting with a young model…no wonder it was his expertise. Yes, binata dahil napag-alaman niyang wala paring asawa ang lalaki na labis niyang pinagtatakhan. Minabuti niyang magpaalam na kila Eunice at Vince. Si Clark ay tuluyan nang naglaho sa paningin niya mukhang nagkaigihan ito at ang kausap na batang-batang modelo. Minsan pa she felt the same familiar pain. Subalit nararapat ba siya Sa ganoong pakiramdam? Hindi nga ba at siya ang unang umalis without saying a word. My goodness she needs fresh air to breathe in. Seeing Clark again pakiramdam niya ay ito na ang pinakakapagod na gabi sa tanang buhay niya at hindi niya inaasahan. Nagpasya na siyang lumabas at tinungo ang kinapaparadahan ng nirentahang Honda Sedan nang mula sa kung saan ay pumarada sa harap niya ang latest model black ACURA NSX. Para lamang mapatda sa bumungad na pamilyar na bulto nang bumukas ang salamin ng bintana nito. "GET IN...."si Clark
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD