CHAPTER 50 Hindi nilingon ni Gelo si Alyana. Hanggang sa bigla siyang hinabol ni Alyana. Hinawakan ng dalaga ang kamay niya. Pinipigilan siyang lumayo. “Huwag kang mag-alala, Alyana. Hindi ako kagaya mo. Hindi isusuko,” humihikbi niyang sinabi. “Gusto ko lang maglakad-lakad, gusto ko lang huminga. Gusto kong mag-isip. Gusto kong kahit sandali mapag-isa. Baka nga tama ka. Baka nga ako lang ang hindi marunong umunawa. Pwede ba ‘yon? Pwede bang hayaan mo muna ako? Pagbigyan mo ako kahit sandali lang kasi sumasabog na ito!” idiniin niya ang hintuturo niya sa puso niya. “Kasi parang gusto na ring bumigay ito eh!” kasunod ng pagturo niya sa isip niya. “Ako matalino, hindi ako kasingtalino mo pero mong may paninindigan ako. Alam mong may isang salita ako. At iyon Alyana, iyon lang ang maipagmam