Chapter 64 Sa mga narinig ni Alyana na iyon ay napayuko na lang siya. Naiyak. Humihikbi. Alam naman niya nna lahat ng sinabi ni Tiya Linda ni Gelo ay may katotohanan. Alam niya kung saan niya ilulugar lang sana ang sarili niya pero paano ang binitiwan niyang pangako sa mahal niya? Paano kung tatanungin siya nito kung bakit pagmulat nito ng kanyang mga mata ay wala na siya sa tabi niya. Pero paano kung hindi na malusutan pa ni Gelo ito? Tapos iniwan niya siya at iyon lang ang huling hiling ng binata sa kanya? "Tiya Linda, makinig naman ho kayo sa akin. Pagbigyan ho naman sana ninyo ako. Hindi ho niya magugustuhang iwan ko siya." Huminga si Alyana nang malalim saka siya tumitig sa mga mata ni Linda. "Kahit ano hong sabihin ninyo, Tiya Linda. Kahit pa ipagtulakan ninyo ako. Hindi pa rin