CHAPTER 4
Kinuha niya ang panlinis niya. Marami kasing basura sa loob ng bangka kaya iyon ang kailangan niyang linisin. Malapit lang naman sila sa dagat. Halos likod lang nila. Naglalakad na siya papunta sa kanyang bangka nang napansin niyang parang may nakabulagtang babae sa gilid ng dalampasigan. Binilisan niyang lapitan. Babae nga. Magandang babae. Maputi. Mukhang mayaman. Sugatan. Kinabahan si Angelo. Ngayon lang may napadpad na ganito sa kanila. Yumuko siya. Tinignan niya kung buhay pa ang dalagang maganda. Humihinga pa. Buhay pa!
Agad niyang binuhat ang babae at dinala sa kubo. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Paikot-ikot muna siya sa beranda ng kanilang kubo habang nakahiga sa papag ang babae. Wala siyang alam sa paglalapat ng pangunang lunas at hindi pangunang lunas lang ang kailangan ng babae. Kailangan nitong madala agad sa hospital. Naisip niyang tama ngang dalhin niya ito sa hospital. Lalong malaking problema kung mamatay ang babae sa kubo nila. Ayaw niyang madamay. Hindi niya gusting naiimbestugahan. Inapuhap niya ang pulso ng babae. Pumipintig pa. Humihinga. Pumasok siya sa kuwarto niya. Huminga siya nang malalim. Kinuha niya sa nakasalansan niyang damit ang ipin niyang nasa sampung libong piso. Iniipon niya iyon sa pag-aaral ng kolehiyo ng kanyang kapatid. Nanghihinayang siyang gastusin iyon pero baka naman mamatay ang babae at konsensiya pa niya na wala siyang ginawa kahit may maitutulong naman talaga sana siya.
“Bahala na nga,” bulong niya sa sarili.
Agad niyang binuhat ang babae at kanilang pinakamalapit na kapitbahay na may tricycle.
“Sinong! Sinong nandiyan ka!” sigaw niya.
Bumukas ang bintana ng bahay. Sumilip ang tinawag niya.
“Bakit, P’re? Uy sino ‘yan?” agad na tanong ni Sinong na kababata nila ni Alyana.
“Nakita kong nakabulagta at walang malay do’n sa dalampasigan.”
“Buhay pa ba?” tanong ni Sinong.
“Buhay pa. Kaya lang baka matuluyan kung hindi natin dalhin agad sa hospital.”
“Ano ba kasing nangyari?” tanong uli ni Sinong nang nakababa na siya at sumakay na sa tricycle habang nagsusuot ng damit.
“Hindi ko alam. Basta nakita ko na lang sa tabi ng dagat. Hayan nga oh, may mga sugat pa siya. Parang tama ng baril?”
“Hindi ba tayo madadawit nito P’re?”
“Lalong madawit tayo kung mamamatay ito, dito.” Isinakay ni Angelo ang babae sa loob ng tricycle. Inayos niya ang pagkakaupo saka siya tumabi para hindi matumba sa loob ng tricycle ang babae.
Mabilis na pinaandar ni Sinong ang tricycle.
Pagdating sa pinakamalapit na hospital ay agad nilang ipinasok sa emergency room ang babae. Hindi na sila pinapasok pa pagkatapos tanungin ng doctor si Angelo kung anong nangyari.
“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni Sinong sa kanya nang may tatlumpong minuto na sila sa labas ng hospital at naghihintay.
“Hindi na muna. Sinong magbabantay doon sa babaeng iyon kung aalis na ako.”
“Bakit? Responsibilidad mo ba? Dinala mo na nga sa hospital eh.”
“Iyon na nga eh. Ako ang nagdala sa hospital. Tayo. Tapos iiwan ko na lang siya basta-basta.”
“Baka naman nagandahan ka lang doon sa babae ha. Maganda naman talaga. Kung wala nga lang akong asawa baka ako na ang magpresentang magbantay.”
Napailing si Angelo. “Ikaw, baka naman siya na ang babae para sa’yo. Huwag mo nang isipin pa si Alyana. Nakalimutan ka na no’n. Hindi na nga nagparamdam eh. Baka panahon na pare na magkaroon ka ng iba. Nag-asawa na kaming lahat at ikaw na lang ang hindi. Malay mo naman siya na’yan.”
“Andami mo namang sinabi. Basta dito na muna ako hangga’t hindi sabihin sa akin ng doctor na okey na ang babaeng dinala natin dito. Uuwi na rin ako kapag okey na at maipaalam na sa kaanak ng babae ang sinapit niya.”
“Sigurado ka? Hindi ka talaga sasabay sa akin?”
“Hindi na muna. Kung gabihin ako rito sa pagbabantay, sabihan mo ang mga kapatid ko ha?”
“Sige, maiwan na kita.”
“Sige Pare, salamat.”
Nang nakaalis na si Sinong ay tumayo siya. Sumilip sa loob ng emergency room.
Mukhang abala pa ang doctor.
Nakaramdam siya ng gutom. Hindi pa pala siya nag-aagahan.
Lumabas na muna siya at tumungo sa malapit na karinderya.
May nakita siyang turon. Naalala na naman niya si Alyana. Paborito ni Alyanan ang turon nang high school sila. Iyon lagi ang gusto niyang miryenda. Bumili siya ng dalawa saka siya umupo sa nakita niyang waiting shed sa lilim ng isang puno sa likod ng hospital.
Habang isinusubo niya ang turon ay naalala niya muli si Alyana.
Itinuloy niyang binalikan ang naudlot niyang pagbabalik-alaala kaninang umaga.
“Uwi na ako,” pabulong na sinabi ni Alyana sa kanya pero hindi naman siya humahakbang palayo.
Bago nakahakbang si
Alyana palayo ay nagawa niyang yakapin ang dalaga mula sa likuran at iniharap
niya ang mukha nito sa mukha niya. Nailapat ang hubad na katawan ni Angelo sa
kay Alyana. Dahan-dahang inilapit ni Angelo ang labi niya sa dalaga. Hanggang
na magkahinang na ang kanilang mga labi. Napapikit siya sa hatid nitong
sensasyon. May kung anong kuryenteng dumaloy mula sa kanyang mga daliri
hanggang buong sinakop nito ang kanyang pagkatao. Pagkatapos nun ay binitiwan
siya ni Angelo. Lumuwang ang pagkakayakap sa kanya.
Parang si Alyana ang
nabitin sa ginawa ni Angelo at nang tatalikod na si Angelo ay siya naman ang
pumigil sa binata. Hinarap din siya ni Angelo at ang dampi na halik kanina ay
mas nagiging maalab nang muling magtagpo ang kanilang mga labi. Madalas na
silang nagkakahalikan. Nasanay na sila sa labi ng isa’t isa. May sinusunod na
silang ritmo.Halik na parang pinag-uusapan. Labi sa labi, hininga sa hininga,
hanggang naging mas mahigpit pa ang kanilang yakapan. Nang dahan-dahang
hinihila ni Angelo si Alyana sa papag ay parang alipin na humakbang ang huli
huwag lang matigil ang sarap ng kanilang mainit na halikan. Binuhat siya ni
Angelo na hindi napupuknat ang kanilang halikan na para bang hayok pa rin ang
labi nila sa isa't isa. Para silang mga uhaw at gutom. Hindi pinagsawaang
namnamin ang sarap ng kanilang pagmamahalan. Doon, sa simpleng papag na iyon ay
masuyo niyang pinahiga si Alyana. Maingat niya itong hinubaran at ginagalugad
ng kanyang kamay ang malambot na dibdib ni Alyana.
“Alam mo ba itong ginagawa mong ito?” tanong ni Alyana. Tinakpan niya ang dibdib niya.
“Bakit hindi? Alam ko at gusto ko,” sagot ni Angelo.
“Kung gawin natin ito, baka hahanap-hanapin mo na ito. Kagaya ko. Ayaw kong paipokrita pero nang pinagbigyan ko ang sarili kong gawin ito, parang gusto na rin ng katawan ko.”
Lumaki ang mga mata ni Angelo sa narinig niya. “Hindi ka na virgin?” tanong niya. Diretsahan. “Paano nangyari iyon? Di ba nang nakaraan lang galit na galit ka sa akin kasi naipasok ko ang kalahati at nasaktan ka pa nga. Akala ko ba...”
Huminga si Alyana nang malalim. “Huwag kang mag-alala. Virgin pa ako. Hindi pa ako nagpapasok ng kahit anong ari ng lalaki sa akin. Pero may karanasan na ako sa gusto mong gawin natin, huwag mo lang ipasok.”
“Nakaraan sa ganitong ginagawa nating ganito? Kanino?”
“Hindi ba madalas kaming umaalis ni Nanay papuntang Manila lalo na kung bakasyon? May mayamang manliligaw ako sa Manila na sinagot ko sa tuwing nagbabakasyon kami roon sa kamag-anak ng tunay kong ama. Nagbabakasakali kasi si Nanay na baka nga uuwi si Papa at makita niya ako’t matulungan. Mayaman ang lalaking iyon, Angelo. Ang lalaking iyon ang gusto nina Nanay at Tatay na pakakasalan ko kapag nasa hustong edad na kami.”
“Ano? Bakit hindi mo sa akin sinasabi ‘yan?”
“Dahil ayaw kong masaktan ka. Ayaw ko rin naman pero ang hirap ng buhay dito Gelo.”
“Paano tayo?”
“Mahal kita.”
“Hindi iyon ang gusto kong marinig. Paano nga tayo kung gusto mo rin naman palang pakasal sa lalaking nasa Maynila.”
“Ikaw ang mahal ko pero hindi ka gusto ng mga magulang kong mapapangasawa. Pumapayag sila sa pagkakaibigan natin ngunit hindi ang maging magkarelasyon. Itinatago ko iyon sa kanila. Nagsisinungaling ako sa kanila at itinatago yung sa atin sa kanila kasi mahal kita. Kung malaman nilang tayo pala, siguradong ilalayo nila ako sa’yo. At hindi ko alam kung paano tayo. Ikaw ang mag-isip kung paano mo ako ipaglalaban kina Nanay at Tatay. Oo mabait sila sa’yo. Hinayaan nilang sumasama ako sa’yo ngunit hanggang kaibigan lang at nakapangako akong tutupad sa gusto nilang mangyari. Kung ako ang tatanungin, gusto kita. Kahit maghirap ako sa piling mo, ikaw ang pipiliin ko pero gusto ko rin malaman mo na hindi nab ago ito sa akin kasi ginawa na rin namin ito nang nasa Manila.”
Tumayo si Gelo. Iniwan niya sa papag si Alyana na mabilis na nag-ayos ng sarili.
“Galit ka ba?”
“Tingin mo matutuwa ako sa sinabi mo?”
“Hindi pero lawakan mo ang isip mo. Hirap ka sa buhay. Umaasa sa’yo ang mga kapatid mo. May pangarap ako, Gelo. Gusto kong makatapos, gusto kong makalayo para matulungan din kita. Sa ngayon alam mong hindi natin kayang ipaglaban ito. Kailangan kong gawin ang gusto nina Nanay para mabago ang buhay ko, para matulungan din kitang mabago ang buhay mo. Hindi tayo mabubuhay ng pagmamahal lang at alam mo iyon.”
“Ganoon ka ka-open? Ganoon ka kadali makuha ng iba?”
Huminga si Alyana nang malalim. “Hindi ko alam. Siguro. Kasi pumapayag akong gawin ni Daniel sa akin iyon at ngayon, ikaw.”
“Daniel pala ang pangalan niya,” garalgal ang boses ni Angelo. Tinignan niya ng masama si Alyana. Nasasaktan siya. Sobrang sakit ang nalalaman niya ngayon ngunit may punto si Alyana. Alam niya sa sarili niya na hindi niya kayang bigyan ng magandang buhay ang dalaga kasi mismong kapatid niya ay hirap siyang buhayan ang mga ito. Gusto niyang lawakan ang isip. Tanggapin na may mga bagay na gusto niyang kontrolin ngunit hindi niya kaya. Nasasaktan siya. Iyon lang naman ang kaya niyang gawin, ang masaktan nguit tama si Alyana, ano nga ba ang kayang gawin ng kagaya lang niya?
“Mahal mo ba siya?”
“Mas mahal kita Gelo. Gusto siya ng mga magulang ko kasi mayaman at kaya niyang ibigay ang lahat sa akin ngunit ikaw Gelo, ikaw ang mahal at gusto ko.”
Huminga si Gelo nang malalim.
“Ang hirap naman ng mahirap. May magagawa ba ako para ako lang? Ako na lang?”
“Hindi ko gusting sagutin iyan. Ikaw ang dapat sumagot niyan.”
Yumuko si Angelo.
“Dadalaw siya rito. Kaya ako nandito ngayon para ibigay ang sarili ko muna sa’yo bago sa iba. Gusto kong ikaw na lang sana muna bag okay Daniel.”
“Ano?” gulat na sagot ni Angelo.
Akala niya, kilala na niya si Alyana kahit sabay silang lumaki, hindi pa pala. Napakarami pala itong lihim na noon ay unti-unti na rin lang niyang nalalaman lahat.