CHAPTER 19
“Nagpipigil ako sa’’yo pero kapag hindi mo siya bitiwan ay hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo, !” singhal ni Gelo kay Daniel.
Tumingin si Daniel kay Daniel.
Hindi natinag.
Hindi natakot.
Hindi niya sineseryoso ang binata.
“At anong gagawin mo kung hindi ko bibitiwan si Alyana? Akin ang babaeng ito, kupal ka. Sa akin lang siya. Ako ang magbibigay ng katuparan ng kanyang mga pangarap. Ako ang magpapayaman sa kanya at hindi kagaya mo na uhugin at patay-gutom lang.”
“Hindi kita tinatakot. Hindi ko na rin uulitin pa. Bitiwan mo siya!” singhal uli ni Gelo.
Nagsilapitan na ang mga alipores ni Daniel. Mukhang pagtutulungan pa yata siya. Pero hindi siya natatakot. Wala siyang kinatatakutan lalo na kung si Alyana na ang nakikita niyang sinasaktan.
Pagkabitaw ni Daniel kay Alyana ay bigla na lang na lang siyang sinuntok sa sikmura. Hindi niya napaghandaan iyon.
“Ano ha? Kaya mo ako? Lalaban ka? Hindi mo na kilala ang binabangga mo, gago! Yang mga kasama kong ‘yan? Mga tao ko na ‘yan kaya huwag kang siga ha! Hindi ako susugod at mananatili sa lugar nang ako lang” sinakal niya si Gelo.
Ngunit pagkalapat na pagkalapat pa lang ng kamay ni Daniel sa kanyang leeg ay mabilis siyang humarap kay Daniel at nagpakawala siya ng suntok sa sikmura. Tumilapon at namimilipit sa lakas ng ginawa niyang iyon.
Kung dati, pinangungunahan siya ng takot na baka makasakit siya, baka makapatay o mapatay, ngayon kailangan niyang magpakahalang na rin ng kaluluwa kung kagaya rin lang naman ni Daniel ang kaharap niya. Hindi na kasi tao ang nakikita niya kay Daniel. Pati ang mga kasama nitong nakapalibot na sa kanya ay hindi na rin mga tao, para silang mga hayop na handa siyang suwagin nang buhay.
“Boss ha ha ha! Lumalaban! Lumalaban naman pala ang patay-gutom na ‘yan! Ha Ha Ha! ” boses iyon ng mga tao ni Daniel.
Tumawa rin si Daniel na bumangon at tumingin sa kanyang mga tao. Hindi pa talaga nadala. Mabilis nitong binunot ang kanyang kutsilyo.
“Daniel! Huwag! Nagmamakaawa ako! Huwag mong sasaktan si Gelo! Daniell pleaseee!” sigaw ni Alyana.
“Hawakan mo ‘yan. ipapanood ko sa kanya kung paano ko baliin ang buto ng kupal ito na ipinalit niya sa akin!” singhal ni Daniel.
Agad na tumalima ang inutusan ni Daniel na tao niya.
Nagwawala si Alyana. Gusto man niyang tulungan si Alyana ngunit hawak na siya ng lalaking iyon.
Lumikot ang tingin ni Gelo.
Kinakabahan.
Nanlalamig lalo pa’t hindi lang si Daniel ang may armas. Pati na rin ang kanyang tatlong tauhan.
Mukhang napalaban na nga siya.
Dumistansiya siya palayo kina Daniel. Paniguradong mahihirapan siya kapag ma-corner nila siya.
Kailangan niyang makahanap ng posisyon na may laban siya. Kapag kasi limitado ang ikutan niya kina Daniel na ang laban. Kulang siya ng lakas at armas kung ihahambing sa lakas na meron sina Daniel.
Inayos niya ang kanyang porma. Pormang kapag susugod sila, paniguradong makakatikim sila sa kay Gelo.
“Sige! Sumugod kayo! Tignan natin ang tapang ninyo! Babaliin mo ang buto ko? Ulol! Mahirap at mahina ako sa paningin mo hindi ba? Kung ikaw eh malakas at kayang-kaya mo talaga ako, bakit may mga kasama ka? Baka ninyo ako pagtulungan?” Mabilis ang kilos ng mga mata ni Gelo na tumingin sa apat sa harap niya. Pinag-aaralan niya ang kanyang bawat kilos. Apat sila, panglima yung humawak kay Alyana. Kung hindi niya paplanuhin, kina Daniel na ang laban.
“Ah, gusto mong ako lang? Sige! Hayaan ninyo kami! Laban muna namin ito! Doon kayo!” utoss ni Daniel.
Lumuwag ang kanyang paghinga. Mas may laban siya ngayon kaysa sa kanila na apat agad silang magtulung-tulong na labanan siya. Ngayong binilinan ni Daniel ang kanyang mga kasama, mukhang laban lang nilang talaga itong dalawa.
Nilingon niya si Alyana na nagpupumiglas at pilit pa rin niyang kinakausap at pinapatigil si Daniel. Nakita ni Gelo ang takot sa mukha ni Alyana para sa kanya pati ang kanyang mga babaeng kaibigan. Ninenerbiyos sila para sa kanya. May ilang mga usisero na lalaking kaibigan at kaklase nila ni Alyana ngunit alam niyang hindi naman sila tutulong sa kanya. Para kasing takot din sila kay Daniel at sa mga barkada nitong mukhang papatay ng tao.
“Manood lang kayo brad ha! Tignan ninyo kung paano ko baliin ang buto ng gagong nagtatapang-tapangang patay-gutom na ito!” Umayos siya ng tayo. Porma pa lang, mukhang hindi papasa kay Gelo. Nakasilip siya ng pag-asa. Ngunit hindi siya dapat pakampante. Hindi niya alam kung gaano kalakas si Daniel. Hindi pa niya nakikita kung paano ito sumuntok.
“Ano ha? Kaya mo ba? Pwede ka pang umatras. Pwede mong isuko na lang sa akin si Alyana. Ngayong hindi pa kita nababaldado, may pagkakataon ka pa bata para umatras.”
“Ulol ka talaga! Ako? Aatras sa’yo? Saka ngayon pa na alam ko na kung anong klase kang tao? Sa tingin mo, ganoon lang kadali? Ganoon ko lang basta-basta na mo lang sa akin makukuha si Alyana? Baliin mo muna ang buto ko para ikaw na mismo ang kakausap sa kanya na iwanan ang kagaya kong lampa at patay-gutom. Iyon lang ay kung matatalo mo ako!” sagot niyang umaayos ng tayo. Pinag-aaralan niya ang lahat ng ikinikilos ni Daniel pati ang mga kasama nitong umatras na at lumayo. Mahirap na. Baka kasi bigla lang silang aarangkada kapag makita nilang talunan na ang kanilang lider. Planado ang bawat paghakbang. Handa na niyang gawin ang gusto niyang gawin kay Daniel. Kagabi pa siya nagngingitngit. Kagabi pa niya gustong saktan si Alyana. Nagpigil lang siya. Pero ngayon, tignan lang nila kung sino ang mababalian ng buto. Ngayon na ang pagkakataong hinihintay niya para ipamukha kay Daniel na mali ito ng binabangga. Na mali ito ng pagtingin sa kanya.
“Huwag ka na lang lumaban! Masasaktan ka lang. Ibigay mo na lang ng kusa si Alyana nang hindi na tayo nahihirapan at napapagod pa.” Tumawa si Daniel habang nakatingin siya kay Gelo na mukhang nang-aasar.
“Matalino ka naman siguro hindi ba? Andami mo kasing sinasabi na wala namang kwenta. Hindi ko siya kinukuha sa’yo. Karapatang ni Alyana ang mamili. Buhay niya iyan at wala sinuman sa atin ang nagmamay-ari sa kanya. Hindi ko alam kung sino ang bata sa ating dalawa. Ako disisais anyos, ikaw ilang taon ka na ba? Bente syete? Pero para kang bata kung mag-isip. Akala ko ako ang bobo. Inuulit ko, walang nag-aangkin kay Alyana. Walang pwedeng umangkin sa kanya kasi may sarili siyang damdamin at isip.”
“Daniel, tama na ‘yan! Huwag mong daanin sa ganito. May mga kasama ka, malakas, may armas pero tignan mo naman si Gelo na kalaban mo. Ano naman ang panama niya sa’yo?” pakiusap ni Alyana.
Hindi niya alam kung maiinsulto si Gelo sa pangmamaliit nito sa kanyang kakayahan o matutuwa na pinagmalalasakitan siya ng dalaga.
“Dinig mo ‘yon? Nakikiusap ang syota ko na shinota mo! Bestfriend ha! Mabait ka pa raw pero tang-ina, sinalakay mo ang bestfriend mo. Ikaw pa ang pinauna niya. Tapos ngayon, gano’n na lang ‘yon? Tingin ninyo mga pare? Pababayan ko lang ba itong batang ito na hindi man lang makakatikim?”
Nagtawanan sila. “Patikman mo, boss. Dapat alam niyan kung saan lang siya. baliin mo ang buto niya. Yung dapat hindi na siya makakalakad pa. Hindi na siya makakaulit pang agawin ang sa’yo at alam niya kung saan lang siya lulugar.”
Umiling si Gelo. Wala siyang inaagaw. Hindi niya ugaling mang-agaw sa kahit anong bagay. Kahit pa babae.
“Ano? Simulan na natin? Tama nang pasaringan at usap. Ipakita mo sa akin kung paano mo babaliin ang buto ko!” hamon niya kay Daniel.
“Sige. Mukhang ikaw pa ang atat ah!” Kinindatan niya si Gelo at si Alyana. Parang hindi niya talaga siya sineseryoso. Habang iniinis siya ng ganoon, lalong kumukulo ang dugo niya sa kanya.
Lumapit siya sa kanya.
“Ano? Sige nga? Pakitahan mo nga ako? Patikman mo nga ako para alam ko kung anong kaya mo?” sinampal-sampal pa ni Daniel si Gelo. Hindi malakas pero nakakainsulto dahil nakangisi ito.
Lalong nagwawala na ang galit niya sa kanya kaya…
“Okey… ‘Eto na!” Mabilis niyang hinawi ang kamay ni Daniel na isinasampal-sampal sa kanya. Sabay ng malakas niyang suntok sa kanyang mukha.
Nagulat si Daniel sa lakas no’n.
Napaatras.
Agad inapuhap ni Daniel ang kanyang dumudugong ilong at basag na labi.
“Putang-ina! Binasag mo ang ilong ko! Pinadugo mo ang labi ko! Tang-inaaa mong patay-guto!!!” sigaw ni Daniel. Kasunod iyon ng paglundag ni Gelo at malakas niyang pagsipa sa mukha ni Daniel.
Dumausdos ang katawan ni Daniel hanggang sa kung saan nakatayo ang kanyang mga tropa. Nagulat si Alyana. Tumahimik. Alam niyan hindi niya iyon inakala. Hindi niya napaghandaan.
Ang mga kaibigan man ni Daniel ay natameme. Sila man ay nagulat sa lakas niyang sumuntok at sumipa.