Chapter 41 Huminga siya nang malalim. Hinanap niya ang number ni Zanjo sa cellphone ni Alyana. Wala ito sa phone book. Pero naalala niya nang tinawagan nila ito nang papunta sila ng Manila. Hanggang sa nahanap na nga niya. Nakailang ring din bago sinagot ni Zanjo ang tawag niya. Narinig agad ni Gelo na maingay ang paligid na parang nasa party si Zanjo. “Kuya Zanjo, Kuya.” “Hello.” “Kuya...” “Gelo, sandali lang ha? Hindi tayo magkarinigan.” Sandaling naghintay si Gelo. Hindi lang niya alam kung paano niya sasabihin na nangangailangan siya ng pera samantalang kanina lang binigyan siya nito. “Oh, bakit ka uli napatawag?” Medyo may dating na yung paggamit ni Zanjo ng “uli”. Nakakahiya man pero kailangan na niyang diretsahin si Zanjo kung ano talaga ang kailangan niya. “Si Alyana