CHAPTER 42 Balisa at abala ang lahat ng naroon. Alam na niya kung ano ang ibig sabihin ng straight line sa monitor kaya halos hindi na rin niya alam ang kanyang gagawin. Isinisigaw niya ang pangalan bu Alyana. Mas malakas na ang paulit-ulit niyang pakiusap sa Diyos. Nagbabakasakali siya ng isang himala. Hanggang sa naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Alyana sa kamay niya. Oo! Pinisil ni Alyana ang kanyang palad. Sandali lang iyon ngunit mahigpit. Nabitiwan niya ang hawak niya sa kamay ni Alyana dahil may humila na sa kanya palabas ng ICU Room. Nahagip nang paningin niya ang diretsong heart rate ni Alyana sa monitor. Wala na. Patay na si Alyana. Iniwan pa rin siya sa kabila ng kanyang mga pakiusap. Hanggang sa pinaligiran na ng mga nurses at doctors si Alyana. Isang nurse ang nakaisi