Chapter Three

1267 Words
Reyland I JUST can't believe that Elena was blackmailing me with our pasts. If there is one thing I regret is dating and falling inlove with that woman, who is seventeen years older than me. Na alala ko pa kung paano kami nagkakilala, noong wala pa si Eloisa sa buhay ko. NASA Las Vegas ako para sa vocation leave ko sa aking kompanya. Matapos kong ma-i-deal ang pinakamalaking proyekto na nakuha ko mula ng itayo ng mga magulang ako ang aming kompanya. Kaya oras naman na siguro na magbakasyon ako at enjoy-in ang mga araw ko bago ko umpisahan ang magpaka-busy sa pagtatrabaho. Kasalukuyan akong nasa isang magarang bar sa Las Vegas. Habang nagsasaya nang may isang babaeng mag-isang umiinom sa hindi kalayuan sa akin. Mukha itong malungkot kaya parang may tumulak sa aking lapitan ito at kausapin. Napahanga ako sa ganda nito at hindi ko pa alam na nasa earliest forties na ito, pero mukha pa rin itong batang tingnan kaya, nabighani ako sa gandang taglay nito. Dahil sa pagiging playboy ko at aminin ko man o hindi kali-kabila ang nagiging kasintahan ko. Dahil mayaman ako at bata, kaya madali na lang sa akin ang mag-ipon o pagsabayin ang mga babae na hindi ko iniisip ang kahihinatnan ng pagiging babaero ko. “Hi! Can i join you, beautiful lady? At bakit nandito sa sulok nagmumokmok? May problema ka ba?” saad ko nanglapitan ko ito. Mas maganda pala ito sa malapitan. “Hey. Mr, k-kung wala kang magawa sa buhay mo, pwede ba tantanan mo ako. Gusto kong mapag-isa. So please, leave me alone." malungkot na pagtataboy nito sa akin at hindi man lang niya sinagot mga tanong ko sa kanya. "Miss, kung may problema ka, pwede mo naman akong gawing crying sholder at pakikinggan kita!” malumanay kong saad dito at hindi ko pinakinggan ang pagtataboy niya sa akin. “W-Wala na kasing kwenta kung mananatiling pa ang buhay. mDahil ayoko nang mabuhay sa lungkot,” nagsimula na itong magkwento sa akin, kaya umupo ako sa tabi niya at humingi ng wishky sa bartender at saka bumaling ulit sa babae. “Miss, ang daming gustong mabuhay at maging masaya sa mundong ito. So bakit mo gugustuhing mawala ka dito sa mundo?” tanong ko rito bago ko ininom ang inorder ko kung alak. “Hiwalay na ako sa asawa ko at ang anak ko naman ay kinuha niya. Kaya wala na akong karapatang mabuhay pa!” iyak nito at uminom din ng tiquela na hawak nito. Nabigla ako sa sinabi nito na may asawa at anak na ito, ngunit hindi naman halata dito. Pero hindi naman ata ito nag-i-imbento kasi, kita ko naman sa mata niya ang lungkot. “Ang daming naman sigurong nagmamahal at nagmamalasakit sa'yo, bukod sa ex-husband mo at sa anak mo. Pwede mo naman iyong kuhanin, ikaw pa rin ang ina niya kaya may karapatan kang makasama siya?” na ku-curious na tanong ko dito dahil nakuha nito ang atensyon ko sa mga ikweninto nito sa akin ngayon. “Kaya 'wag mong sayangin ang buhay mo, dahil lang sa may pinagdadaanan ka," I added, kaya napalingon ito sa akin at mataman niya akong tiningnan. “Kung makapagsalita ka, para bang ang tanda mo na sa mga bagay na iyan. Bakit may asawa ka na ba at parang n iintidihan mo ang nararamdaman ko?” tanong nito at mataman niya akong tinitigan. “Hindi naman, sinasabi ko lang ang alam kong makakatulong sa'yo, but im single at wala rin akong kasintahan.” nakangiti kong sagot sa tanong nito. “So, bakit nga pala kayo naghiwalay?” tanong ko, alam kung lalaki ako at hindi ako bagay na maging chismosa. Pero na entriga talaga ako sa buhay nito. Lalo na at may asawa na pala ito na akala ko ko ay dalaga pa, kasi hindi naman halatang may edad na ito. “Nakipaghiwalay siya sa akin, dahil sawa na raw siya na hindi ko masuklian ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Aaminin ko hindi ko naman talaga siya minahal, dahil aksedente lang naman nang mabuntis niya ako. At masaya naman akong naghiwalay kami, pero hindi ko pa rin maiwasan na isipin at malungko. Sa magiging buhay ng anak ko, ngayong hindi na buo ang pamilyang akala niya masaya pa!” madamdaming sambit nito. Ngayon ay alam ko na ang anak lang nito ang iniisip at hindi ang paghihiwalay nilang mag-asawa. May ganun pala talagang nagpakasal na walang pagmamahal ang isa't isa at napilitan lang dahil sa bata. “Miss, sa lagay na iyan ay wala ako maipapayo sa iyo. Pero ito lang ang masasabi ko. Kahit gaano kasakit sa anak mo ang paghihiwalay ninyong mag-asawa, pwede ninyo pa rin maipakita sa anak ninyo ang pagmamahal ninyo sa kanya kahit 'di na kayo magsama.” saad ko kaya nagtanong ito. “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong nito. “Ang ibig kong sabihin ay maging magkaibigan lang kayo ng ex-husband mo ay sapat na iyong dahilan. Para maipadama ninyo sa inyong anak na kumplito pa rin siya at masaya pa rin kayo sa naging desisyon ninyong maghiwalay. Basta 'wag na 'wag n'yong ipapakitang hindi kayo ayos ng kanyang ama, para hindi maapektuhan ang anak ninyo.” mahabang paliwanag ko at na aamuse itong tumingin sa akin at saka ngumiti ng malapad. “Kung magsalita ka parang mas matanda ka pa sa akin? Ilang taon ka na nga mister?” tanong nito sa maaliwalas na mukha at nakangiti itong nagtanong sa akin. “I'm twenty three miss!” masayang sagot ko at hindi ko maiwasang matulala sa kagandahan nito. “Hmmn, Your seventeen years younger to me. But ka-e-daran mo lang ang aking unica ija. She's 22 this year.” sagot naman nito. Kaya napamaang ako diyata't maaga itong nakapag-asawa kong kaedaran ko lang ang anak nito. I can believe this, nagkakagusto ako sa isang ginang na may anak ng dalaga. Napapailng ako sa naisip ko kaya natawa ako. “What so funny?” natatawa na rin tanong nito sa akin. “Nothing miss, may na alala lang ako!” “Don't call me, Miss dahil na iilang ako!” sagot naman nitong namumula kaya napangiti ako. “I call you miss, because hindi halata sa iyo ang edad mo. You're over pretty, para lang tawagin lang tita or Mrs.” mataman kong tingin sa kanya at hindi ko maiwasang haplusin ang mukha nito na ikinapula naman nito. Inalis nito ang kamay ko at nakipagshakehand sa akin. "M-My name is Elena Andal and you are. kanina pa tayo nag-u-usap, pero hindi pa natin alam ang pangalan ng bawat isa!” Paglilihis nito sa ginawa ko kaya napapahiya kung binawi ang kamay ko. “I'm Reyland Harison!” pagpapakilala ko rito at nakipagkamay din ito sa akin at pinisil ko ang malambot nitong palad kaya napatingin ito roon sa kamay naming magkahugpong. “I'm willing to be your friend, if you want!” dugtong ko pa kaya napangiti ito. “Friends!” nakangiti naming sabay na saad at pumupungay ang magagandang mga mata nito dahil siguro sa lasing na ito. Kaya simula noon ay naging magkaibigan kami at lagi na kaming lumalabas para magnight out at doon nagsimulang lumago ang pagkakaibigan namin. Pagkakaibigan na nauwi sa relasyon at dahil sa kalasingan namin na ikatlong gabi ng aming paglabas dahil nagpaka-want to sawa kami sa alak dahil ilang araw na lang ay uuwi na ako. Pero ang gabing iyon ay nauwi sa gabing hindi ko na gugustuhin pang balikan. Dahil ngayon ko lang pinagsisihan ang lahat ng pagkakamali ko mula ng makilala ko si Eloisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD