Episode 1

2146 Words
Chapter 1 Shiena “Fabio, habulin mo ako, hahahaha…" Tumatakbo ako sa dalampasigan at nagpapahabol kay Fabio. “Kapag naabutan kita ano ang reward ko, ha?” natatawa niyang sigaw habang nasa malayo siya. “Secret!” ganti kong sigaw sa kaniya. Sinimulan niyang habulin ako. Ilang sandkali pa naabutan niya ako. “Huli ka! Hahahha...” Napatili ako nang kilitiin niya ako at nniyakap mula sa likuran. Naka-lock ang kaniyang mga kamay sa aking puson. Lalo akong napatili nang binuhat niya ako at umikot-ikot kami. Tawanan ang namayani sa aming dalawa. Nang mapagod na kami ay pabagsak kaming nahiga sa buhanginan at habang hinahabol ang aming hininga. May mga ngiti sa aming mga labi. “I Love You, Sheina Del Monte!” sigaw nito na nakangiti. “Hahaha… I Love you, too, Fabio Henderson!” Ganti kong sigaw. Sabay kaming nagtawanan. Ikinasal na kami ni Fabio, kaya dumiretso na kami rito dalampasigan pagkatapos ng reception namin sa bahay. Balak namin sa Rest House matulog. Si Papa naman kasama si Tita Luciana at Clara na pinsan ko. Bukas pa ito ng hapon babalik sa pinagta-trabahuhan nito dahil sabado bukas, kaya bukas na kami mag-uusap dahil moment namin ngayon ni Fabio. Maya-maya naupo na kami ni Fabio, sa buhanginan yakap-yakap niya ako mula sa aking likuran. Nakasandal naman ang ulo ko sa malapad niyang dibdib. Minamasdan namin ang mga hampas ng alon sa ilalim ng buwan at mga bituin. “Sana Mahal ko, kapag bumalik na ang mga ala-ala mo hindi ako mawala sa isip mo,” malambing kong sabi. Hinalik-halikan niya ako sa tuktok ng aking ulo at hinigpitan ang pagkayakap sa akin. “Asawa ko, hindi mangyayaring kalimutan kita dahil ikaw na ang buhay ko.” Natuwa ang puso ko sa narinig kong iyon mula kay Fabio. “Paano kung darating ang araw na maalala mo na ang lahat, tapos may girlfriend ka na pala o ‘di kaya asawa o mga anak? Paano na lang ako?” malungkot kong tanong sa kaniya. “Asawa ko, H‘wag mo isipin iyon dahil kung mayroon man, makikipag-divorce ako o makikipag-break ako para balikan ka lang.” Kinurot ko ang tagiliran niya sa sinabi niyang iyon. “Hmmph! Puro ka biro.” “Aray! Asawa ko, masakit,” protesta niya saka kiniliti ako sa aking tagiliran. Napalakas ang hagikhik ko sa pangingiliti niya sa akin. “Hahaha... Fabio, tama na?” Pinipigilan ko nag mga kamay niya habang tumatawa. Sa wakas tumigil rin siya sa ginagawa niyang pagkiliti sa akin. Nagtama ang mga paningin namin nabigla ako ng siniil niya ako ng halik sa labi. Una banayad lang ang mga halik niya sa labi ko na agad ko namang sinalubong, kaya lalong naging mapusok ito. Hanggang lumakbay na ang mga kamay niya sa aking dibdib. Uminit ang katawan ko, kaya napaliyad pa ako at napaungol sa ginawa ni Fabio. Inihiga niya ako sa buhanginan, sa bilis ng mga kamay niya agad niyang nahubad ang mga suot ko. Pinasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan. “Your so beautiful.” Buong pagmamangha niya sa aking katawan. Muli niya akong hinalikan sa aking labi papunta sa aking dibdib, hanggang umabot ito sa aking puson at tumigil sa gitna ng mga hita ko. Napaliyad ako at napaungol ng kainin niya ang akin. Hindi nagtagal ipinasok niya na ang malaki at mahaba niyang alaga sa loob ng akin. Napangiwi ako ng bahagya ng makaramdam ng kaunting kirot sa loob ko. Maya pa banayad na siyang gumalaw hanggang sa ibaon niya ng malalim ang kaniya sa akin at mabilis na nilabas pasok iyon. Nagawa naming mag love making sa dalampasigan na akala mo ay si Adan at Eva lang sa ilalim ng buwan at ng mga bituin. Pagkatapos ng first round nagtungo kami sa rest house upang doon ipagpatuloy ang pulot gata namin. Muli akong inangkin ni Fabio, na parang wala ng bukas. Paulit-ulit niya akong inangkin na parang walang kapaguran. Nang matapos na kami nahiga kami na parehong walang suot habang nakayakap siya sa aking likuran habang nakahiga kami. Dito rin sa Rest House na ito unang ibinigay ko ang katawan ko kay Fabio, na walang halong pagsisisi bago kami ikinasal. “I love you, Asawa ko,” bulong niya sa akin. Tumayo ang mga balahibo ko nang kagat-kagatin niya ang aking tainga. Nagbigay iyon ng malaking boltahe sa buo kong katawan. “Fabio, nakikiliti ako,” protesta ko. “Gusto ko pa,” bulong niya. “Nako, tumigil ka! Nakailan ka na? Hindi ka ba napapagod o nagsasawa?” tanong ko sabay tapik ng mga braso niya na nakayapos sa akin. “Hindi ako magsasawa sa’yo, Asawa ko. Lalong hindi ako mapapagod na angkinin ka, ang sarap mo kasi at nakakaadik ka,” nakangisi niyang sabi. “Baliw ka talaga, may bukas pa Fabio, kaya itira mo iyang lakas mo bukas at maaga mo pa tulungan si Papa sa pag-deliver ng mga gulay sa bayan ng San Rafael” saway ko naman sa kaniya. Hinalik-halikan niya ang aking balikat. “Hummm… Nakakagigil ka, asawa ko.” Natawa ako sa panggigil niya sa akin. “Manyakis ka talaga.” “Sayo lang ako nagiging manyak, asawa ko. Ipangako mo sa akin ka lang at hindi mo ibibigay sa iba ang katawan mo at ang puso mo. Pagmamay-ari na kita, asawa ko.” Napakaseryoso ng boses niya. “Paano kapag bumalik ang mga ala-ala mo? Paano kung maghiwalay tayo at mag-asawa ako ng iba, hmm?” Biro ko sa kaniya. “Hindi mangyayari iyon dahil ayaw ko na maalala ang nakaraan ko at ayaw ko na rin alamin kong sino talaga ako? Kung mawawala ka man lang sa akin papatayin ko ang sino mang magtangkang agawin ka sa akin, asawa ko,” seryoso niyang sabi sa akin. Ang sarap pakinggan sa tainga ang mga sinasabi niya. Kung panaginip lang ito ayaw ko na magising. “Hmph! Sira ka talaga. Matulog na nga tayo,” saad ko sa kaniya malambing kong boses. “Seryoso ako, asawa ko. Ayaw ko ng bumalik ang ala-ala ko kung mawawala ka man lang sa akin,” seryoso niyang sabi. “Eh, paano nga kung makaalala ka na at may naiwan ka pa lang mahal mo sa buhay?” “Tsss… Asawa ko matulog na tayo. Huwag mo na isipin iyan. Ang mahalaga magkasama tayo ngayon. Bubuo tayo ng pamilya na masaya, magkakaroon tayo ng isang dosenang anak,” natatawa niyang sabi. “Puro ka naman kalokohan, eh. Kapag isang dosena ang anak natin hindi natin sila kayang buhayin,” malungkot kong sabi. “Bakit naman hindi? Magsisikap ako, dodoblehin ko ang kayod para mabuhay natin sila.” “Baliw, eh sa ating tatlo nga sakto lang kinikita ninyo ni Papa sa gulayan, sa isang dosenang anak pa kaya?” protesta ko sa kaniya. “Asawa ko, gusto ko punuin itong Islang ito ng mga anak natin, para naman lalong masaya, 'di ba?” nakangiti pa nitong sabi. “Ewan, ko sa'yo. Itulog mo na nga 'yang pangarap mo. Isang anak lang sapat na sa akin para mabigyan natin siya ng magandang kinabukasan,” turan ko sa kaniya. “Isang dosena asawa ko, para umingay itong Isla,” protesta naman niya. “Isa lang.” “Isang dosena.” “Isa lang nga, eh.” Inis kong pakikipagtalo sa kaniya. “Okay,” sabay patong niya sa taas ko. “Last round, asawa ko. Para mabuo na ang una nating anak,” nakangisi niyang sabi at pinaulanan ako ng halik sa aking mukha at muling inangkin. Mahal na mahal ko si Fabio, kaya gusto ko siya paligayahin dahil mahal na mahal niya rin ako. Kinabukasan pasado alas-siete na ng umaga ako nagising. Wala na si Fabio sa tabi ko, kaya bumangon ako at hinagilap ang mga damit ko at isa-isang isinuot. Pagkatapos lumabas na ako sa rest house. Hinanap ko si Fabio sa paligid, pero hindi ko siya nakiya. Maya-maya pa lumitaw ito mula sa tubig dagat. Nakahubad ito sa pang-itaas na bahagi ng kaniyang katawan, kaya kitang-kita ang sexy niyang panganagatawan. Napakagat na lang ako sa labi nang ngumiti ito sa akin at kumaway. Nakangiti akong pinagmasdan ang guwapo kong asawa, habang umaahon sa dagat para itong modelo. Daig pa nito si Tom Cruise sa kaguwapuhan. Matangkad si Fabio at makapal ang kilay Sana habang buhay masaya kami ni Fabio, kasama ang mga magiging anak namin. Sana ganito na lang kami palagi kasaya. Hindi ko namalayan nasa harapan ko na si Fabio.“Asawa ko pinagpapantasiyahan mo pa rin ang katawan ko, ha?” pilyo nitong sabi sa akin na nakangisi ng nakakaloko. Pakiramdam ko namula ang aking pisngi. “Nako, tumigil ka nga riyan, Fabio. Hali ka na nga. 'Di ba, pupunta pa kayo ni Papa sa bayan? Baka naghihintay na 'yon sa atin, lagot ka talaga,” paalala ko sa kaniya. “Sige, asawa ko. Basta mamaya ulit, ha? Pa-score ulit ako,” pilyo pa nitong sabi at tumawa. “Baliw! Hali ka na nga!” Hinila ko na ang kamay niya para makauwi na sa bahay at matakpan ang hiya ko sa panunukso niya sa akin. Tuwing magkasama kami ni Fabio, kinikilig ako na parang teenager. Dati naranasan ko naman ang kiligin sa crush kong si Christian, noong high school ako, pero hindi tulad ngayon sa nararamdaman ko para kay Fabio. Pagsapit namin sa bahay saka naman ang pagbuhos ng malakas na ulan. “Nako, at nandito na kayong dalawa,” salubong sa amin ni Papa sa pinto. “Pa, pasensya na at ngayon lang kami nakabalik ni Sheina. Ako na lang magdadala ng mga gulay sa bayan Pa,” sabi ni Fabio kay Papa. Pumasok na kaming tatlo sa loob ng bahay. “Saka na lang, Iho, kapag tumila na ang ulan,” tugon naman ni Papa. “Sige na, maligo na kayo roon at makapag-almusal na kayo,” utos pa ni Papa sa amin. Magkahawak ang mga kamay namin ni Fabio, na nagtungo sa likuran ng bahay dahil nandoon ang poso na pinagpapaliguan namin at iniigiban. “Mahal, maligo na tayo sa ulan,” masaya kong sabi sa kaniya. “Okay, asawa ko.” Hinila niya ang mga kamay ko. Naghahabulan kami at nagkukulitan na parang mga bata sa likod ng bahay. Ginapos niya ang beywang ko ng mga braso niya at binuhat at inikot-ikot sa ulan. Tawanan kami kasabay sa pagbuhos ng mga ulan sa aming katawan. “Hoh! Ang sarap ng ulan!” masaya kong sigaw. Natatawa siya sa akin. “Gustong-gusto mo talaga ang ulan, asawa ko.” Binaba niya ako at bintiwan ang aking beywang. “Oo, Mahal, dahil ang saya maligo sa ulan,” tugon ko habang matamis ang ngiti sa aking mga labi. Maliit pa lang ako noon sa tuwing umuulan naliligo ako, lalo na kapag hindi si Papa nakatingin sa akin. Tumatakas ako palabas ng bahay para lang makaligo sa ulan. “Kayong mga bata kayo sa ulan pa kayo naligo. Magbanlaw na kayo!” Sigaw naman ni Papa na nakatingin pala sa amin. “Opo, Pa!” sabay pa namin sagot ni Fabio kay Papa. Napailing-iling na lang si Papa, pero bakas sa mukha niya ang saya. “Asawa ko, magbanlaw na tayo. Mamaya papagalitan na tayo ni Papa Luciano,” yaya ng asawa ko sa akin. Nagbanlaw kami ni Fabio sa poso pagkatapos umahos na kami. Ang mga gamit niya nasa kabilang kuwarto at ang mga gamit ko naman nasa aking kuwarto. Nagbihis na kami at sabay pa kami lumabas ng pinto ng aming mga silid. “Asawa ko, lumipat ka na sa kuwarto ko mamaya,” bulong ni Fabio sa akin. “Ayaw ko nga riyan sa kuwarto mo,” protesta ko naman. “Ahay! Mag-asawa na tayo, kaya dapat magkasama tayo palagi pati sa pagtulog. Kung ayaw mo sa kuwarto ko, eh ‘di, roon na lang ako matulog mamaya sa kuwarto mo,” nakangisi niyang sabi sa akin. “Baliw! Manahimik ka nga riyan! Mamaya marinig tayo ni Papa,” pabulong kong sabi sa kaniya. “Nako, Shiena. Tama naman ang asawa mo. Ano pa ang inaarte mo? Eh, bumigay ka na nga bago pa kayo ikinasal, kaya doon na si Fabio matulog sa kuwarto mo at gawin na lang nating guest room ang kuwarto ni Fabio. Kapag umuuwi rito ang pinsan mo, diyan na lang siya sa silid ni Fabio,'' sabat naman ni Papa na kanina pa pala sa tagiliran namin. Napakagat na lang ako ng aking labi dahil sa hiya. Habang si Fabio, ang sarap ng ngiti na nakatitig sa akin, kaya kunwari'y nagsimangot ako at nagmartsa papuntang kusina para matakpan ang hiya ko. “Kain na nga tayo,” yaya ko sa kanila ng tumalikod ako. Sumunod naman ang dalawang lalake na mahalaga sa buhay ko. Kung dati si Papa lang ang nag-iisang lalake na mahalaga sa buhay ko, ngayon dalawa na sila ni Fabio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD