Prolongue

2627 Words
Shiena Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa katawan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at iniunat ang katawan ko. Bigla akong napayakap sa sarili ko nang mapagtanto ko na wala pala akong saplot napalingon ako sa katabi ko. Napangiti ako nang makita ang guwapong mukha ng lalaking nasa tabi ko. Tinitigan ko ang matangos nitong ilong, ang makapal nitong kilay, at ang malalim nitong mga mata na may mahahabang pilik-mata at ang mapang-akit nitong labi. Hanggang dumako ang tingin ko sa malapad nitong dibdib at nagpuputukan nitong mga muscle at abs. Napakagat ako ng labi nang dumako ang tingin ko sa p*********i niya agad naman nag-init ang mga pisngi ko nang maalala ang nangyari sa amin kagabi. Ibinigay ko sa kaniya ang sarili ko ng buong-buo kagabi na walang halong pagsisisi na kahit hindi ako sigurado kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Napatili ako nang bigla siyang kumilos at agad akong dinaganan. Dinampian niya ako ng banayad na halik sa labi saka tumingin sa mga mata ko. “I love you Shiena Del Monte,” bulong niyang sabi sa akin. “I love you too Mr. Henderson,” bulong ko ring sagot sa kaniya. Muli niya ako siniil ng halik sa labi pero bago pa ako matangay muli sa mga banayad niyang halik ay itinulak ko siya. “Babe, I want more please?” pagsusumamo pa niya na nakaupo sa sahig ng Rest House na ginawa niya sa tabi ng Isla. “Ano ka ba? Magbihis ka na mamaya makita pa tayo ni Papa,” sabi ko sa kaniya sabay bangon at dinampot ang mga damit na nakakalat sa sahig. Nagmaktol naman siya at nakasimangot na tumayo para kunin ang mga damit niya. Pagkatapos naming magbihis ay niyakap niya muna ako. “Babe, ipangako mo sa akin na akin ka lang. Akin lang ang katawan mo at ang puso mo,” sabi pa niya sabay halik sa noo ko. Napangiti naman ako. “Promise, Mr. Henderson. Iyong-iyo lang ako. Tayo na, baka hinahanap na tayo ni Papa,” anyaya ko sa kaniya. “Sige, mamamanhikan na ako mamaya. Hihilingin ko ang mga kamay mo kay Papa Lucio.” Napangiti naman ako sa sinabi niya pero may kunting kaba. “Fabio natatakot ako kay Papa. Baka magalit siya sa atin,” malungkot kong sabi. “Babe, ako na ang bahala kay, Papa Lucio. kailangan mapanagutan ko ang nangyari sa atin kagabi. Hindi ako makapapayag na hindi kita mapanagutan.” Seryoso niyang sabi. Napabuntong hininga na lang ako at bahala na kung ano ang mangyayari kapag nalaman ni Papa na may nangyari na sa amin ni Fabio kagabi. Hila-hila ako ni Fabio sa kamay. Magkahawak ang kamay namin habang pauwi sa bahay. Nang makarating na kami sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Papa sa labas at nakatuon ang tingin sa kamay namin ni Fabio na magkahawak kamay. “Kayong mga bata kayo, saan ba kayo galing, ha?'' tanong ni Papa sa amin. “Pa, sa Rest House po kami natulog ni Fabio,” nakayuko kong sagot kay Papa. “Shiena, hindi mo ba naisip na lalaki si Fabio? Tapos doon kayo natulog sa Rest House? “ galit na sabi ni Papa. “Pa, may nangyari sa amin ni Fabio,” mahina kong sabi na nakayuko. Pero pinisil naman ni Fabio ang kamay ko na pinapalakas ang loob ko. “Ano? Anong ibig mong sabihin, ha?” takang tanong ni Papa. “Papa, mahal namin ni Shiena ang isa’t isa. Kaya hindi namin napigilan ang damdamin namin. Kaya may nangyari sa amin kagabi,” agad namang sagot ni Fabio na nakahanda na ang sarili sa kung ano mang gagawin ni Papa. “Walang hiya ka!” Pakkkkk. Malakas na suntok ang pinakawalan ni Papa sa pisngi ni Fabio. Humandusay si Fabio ngunit agad din umupo sa lupa. Agad naman akong napaupo at niyakap si Fabio nang sugurin sana ulit ito ni Papa. “Pa, tama na huwag niyo na saktan si Fabio.” Iyak kong pakiusap kay Papa. Habang si Fabio ay pinunasan ang likurang palad ang dugong lumabas sa kanyang labi. “Matapos ka naming kupkupin at patuluyin sa pamamahay namin ng isang taon ito pa ang igaganti mo?” Galit na sabi ni Papa. “Papa, mahal ko ang anak ninyo at mahal din ako ni Shiena. Handa kong panagutan ang nangyari sa amin kagabi. Handa ko siyang pakasalan,” sabi naman ni Fabio habang nakayakap sa akin. Inalalayan ko siyang makatayo kaya ng makatayo na siya ay hinarap niya si Papa. “Pa, mahal na mahal ko ang anak ninyo. Payagan niyo akong pakasalan siya.” Pagsusumamo pa ni Fabio kay Papa. “Paano kung darating ang araw na makaalala ka na at may pamilya ka na pala? Paano naman ang anak ko, ha?” pag-alalang sabi ni Papa. “Pa, hindi mangyayari iyon. Kung may pamilya na ako dapat may wedding ring ako pero wala. Kaya alam ko na binata pa ako,” sabi pa nito kay Papa. Nagbuntong hininga na lang si Papa saka muling nagsalita. “Kung gano'n wala na akong magagawa. Kaya panagutan mo ang anak ko...” Matamlay na sabi ni Papa kay Fabio. Lumiwanag naman ang mukha ni Fabio at ngumiti. “Pumapayag na kayo na pakasalan ko si Sheina, Pa?” Tuwa pa nitong tanong. Hinawakan niya ang mga braso ni papa at hinihintay ang sagot nito. “Ayaw kong maagrabyado ang anak ko kaya pumapayag na ako na pakasalan mo siya.” ani Papa. Natuwa naman si Fabio at agad niyakap si Papa ako naman ay naluluha-luha sa galak. “Salamat, Papa.” tuwang sabi ni Fabio kay Papa. “Pangako, Pa. Aalagaan ko si Shiena hindi ko siya sasaktan.” Sabi pa niya na natutuwa. Agad naman niya akong nilingon at niyakap ng mahigpit. “Fabio, hindi ako makahinga bulong ko sa kaniya,” agad naman siya kumalas. “I’m sorry, babe.” saad niya na nakangiti ng malawak. “Pumasok na kayo sa loob at mag-almusal na at pag-uusapan natin ang kasal ninyo.” sabi pa ni Papa. Masaya naman kaming pumasok sa loob. Pinag-usapan namin ang kasal namin ni Fabio at napagkasunduan namin na simpleng kasal lang ang gaganapin mga piling kamag-anak ko lang at si Clara na matalik kong kaibigan. Sa Judge lang kami magpapakasal saka na ang grandeng kasal kapag maalala niya na ang nakaraan. Ako nga pala si Sheina Del Monte 24 years old anak ni Luciano Del Monte. Lumaki ako sa Isla Del Monte. Tanging ang papa ko lang ang nakamulatan kong kasama sa buong buhay ko. Mula ng namatay ang mama ko noong dalawang taong gulang pa lamang ako sa sakit na breast cancer. Simula ng nawala ang Mama ang Papa ko na lang ang nag-alaga sa akin. Hindi na siya nakapag-asawa ulit. Dahil nakatuon na lang ang atensyon niya sa akin. Simple lang ang pamumuhay namin ni Papa. Nagtatanim lang kami ng mga gulay at binibenta iyon sa bayan para may pang-gastos kami sa pang araw-araw namin. Maliit lang ang Isla Del Monte. Properties iyon ng lolo kong namayapa na at ipinagmana niya ang Isla kay Papa. Malayo kami sa kabayanan. Kami lang ang nakatira sa lugar na iyon at ang Tiya kong si Tita Luciana ang kambal ni Papa. May anak ito si Clara ang pinsan ko na matalik kong kaibigan. Halos sabay na kaming lumaki at wala na rin itong ama dahil namayapa na noong nakaraang taon pa. Hindi na ako nakapagtapos ng Collage dahil ayaw kong mahirapan si Papa. High School graduate lang ako at tumutulong na ako kay Papa sa pagtatanim ng mga gulay at ibinibenta niya ito sa bayan. Mayroon naman kasi siyang sinusuplayan sa bayan ng mga gulay na naaani namin. Balak sana ibenta ni Papa ang Isla para sa pag-aaral ko. Pero hindi ako pumayag dahil ayaw ko mawala ang Isla dahil dito na lumaki si Papa at dito na rin ako lumaki. Nandito ang mga ala-ala ng Lolo at Lola at ni Mama. Kaya ayaw kong bitawan ang Islang ito. Payapa naman kaming namumuhay dito. Wala namang nangangahas na looban kami ng mga masasamang tao dahil ang mga katabing baryo sa lugar namin ay mga kilala rin nila Papa. Bago makarating sa bayan ng San Rafael ay isang oras pa ang biyahe. Mabuti na lang at nakabili kami ng tricycle at ‘yon ang ginagamit ni Papa na pang-service kapag naghahango siya ng mga gulay papuntang bayan. Hindi naman ako kaputian pero makinis naman ang balat ko. Lagi kasi ako sa dagat at slim body naman ako at may tangkad na 5'2. Naalala ko pa noong High School ako. Lagi akong isinasali ng teacher ko sa mga Fashion show sa School at lagi naman akong nananalo. Si Clara naman ay bihira lang umuwi kina Tita Luciana dahil nag-aaral ito sa bayan. School girl ito kaya nakapag-aral siya dahil may nagpapaaral sa kaniya. Kaya minsan tumutulong rin ako kay Tita sa mga gawaing bahay hindi naman kalayuan ang bahay nila sa bahay namin. Mahilig rin ako mananim ng mga bulaklak. Kaya ang ganda ng paligid ng bahay namin at nawawala ang lungkot ko kapag minamasdan ko ang mga pananim ko na namumulaklak na. Lalo kong minahal ang mga bulaklak na nasa paligid ko. Mula ng dumating sa buhay namin si Fabio. Siya na lagi ang katulong ni Papa sa taniman at mag-deliver ng mga gulay sa bayan. Naalala ko kung paano ko natagpuan si Fabio sa Isla. Isang araw naglalakad ako sa tabi ng dagat may napansin akong tao na nakadapa sa buhanginan sa ‘di kalayuan sa Isla. Dali-dali ako nagtungo sa kinaroroonan niya at kumuha ng stick ng kahoy para ikalabit sa katawan niya kong buhay pa naka-life jacket naman siya. “Hoy... Patay ka na ba?” Pag-aalala kong tanong sa walang kamalay-malay na lalaki na nakadapa sa buhanginan. Maya-maya pa ay bigla na lang gumalaw ang isa niyang daliri. Kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon tumakbo ako kay Papa na kasalukuyang nagdidilig ng halaman. Hapong-hapo ako nang lumapit ako kay Papa dahil sa pagtakbo ko. “Ano bang nangyari sa 'yong bata ka? At parang hinahabol ka ng pitong ingkanto.” ani Papa. “Pa, may… may… patay doon, ah este buhay!” utal-utal kong sabi kay Papa na humahangos habol ko kasi ang hininga ko. “Ayusin mo nga Sheina ang pagsasalita mo. Anong patay, buhay mong sinasabi r’yan?” tanong nito. “Pa, may tao roon sa dalampasigan. Buhay pa siya, gumagalaw siya.” Taranta ko pang wika kay Papa. “Ano bang pinagsasabi mong bata ka? Hali ka samahan mo ako.” Mabilis na binitiwan ni Papa ang timba na hawak-hawak niya. At mabilis kaming nagtungo sa dalampasigan. Nang makarating na kami sa dalampasigan ay agad na kinapa ni Papa ang nakadapang lalaki at sinigurado kung buhay pa. Pagkatapos ay dinala namin ang lalaki sa bahay. Mayro’n itong mga sugat sa ulo at sa katawan. Tatlong araw siyang nawalan ng malay at nilagnat na rin. Si Papa na ang gumamot sa mga sugat niya. ”Papa, sino kaya ang lalaking ‘to? Paano siya napunta rito?” tanong ko kay papa habang pinupunasan ng towel ang ulo niya. Medyo bumaba na ang lagnat niya. “Ewan, ko anak. Bukas magtanong-tanong ako sa bayan kung kilala nila ang taong 'to.” sabi pa ni Papa. “Papa, paano kaya kung takas ito sa kulungan? O ‘di kaya baka masamang tao ito?” sabi ko kay Papa. “Hindi naman siguro, anak. Dahil parang pang mayaman ang kutis nito at mukhang matino naman ang suot niya.” Pagtanggol naman ni Papa sa lalaki. Una ko pa lang kita sa guwapo niyang mukha ay may kung ano na akong special na pagtingin sa kaniya. Maya-maya ay unti-unting nagdilat ang mga mata niya. Agad itong tumingin sa amin ni Papa. Nangungusap ang kulay brown niyang mata. “Si…sino kayo?” tanong niya sa amin ni papa sa mahinang boses. “Kami ang tumulong sa 'yo, Iho. Nakita ka namin sa dalampasigan na walang malay,” sabi pa ni Papa. “Saan ako?” mahina pa rin niyang tanong. “Nandito ka sa bahay namin. Dito sa Isla Del Monte.” sagot ko naman na medyo pasuplada sa kanya. “Anong pangalan mo, Iho?” tanong pa ni Papa. Pero blanko lang ang sagot. “Pa, mabuti pa hayaan na muna natin siyang magpahinga,” sabi ko kay Papa at iniwan muna namin siya sa kuwarto. Makalipas ang ilang oras ay nagluluto ako para sa pananghalian namin. Si Papa naman ay busy sa pagbibiak ng kahoy para sa panggatong. Nang biglang may nagsalita sa likuran ko. “Sino ka? At nasaan ako?” Tanong ng lalaki sa baretonong boses nito. napalingon ako sa kaniya. “Ako si Shiena ang nakakita sa 'yo sa dalampasigan na walang malay. Mabuti at gising ka na. Ano ang pangalan mo?” tanong ko sa kaniya kahit blanko ang emosyon ng mukha niya. Di naman agad siya sumagot at parang nag-isip pa ito saka naman pagpasok ni Papa sa kusina. “Oh! Mabuti nakabangon ka na? Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong naman ni Papa sa lalaki. “Medyo masakit pa rin po ang ulo ko,” sagot nito . “Eh, maupo ka muna at ‘wag ka tumayo r’yan at baka mabinat ka,” pag-alala pa ni Papa sa kaniya at kinuhanan siya ng upuan. Nang makaupo na saka nagtanong ulit si Papa. “Ano ang pangalan mo, Iho? Napaano ka ba? Buti at nakita ka kaagad ng anak ko. Taga saan ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Papa. Agad naman akong sumabat. “Papa, isa-isa lang. Mamaya eh baka lalong sumakit ang ulo niyan.” Tumingin naman siya sa akin at kunot ang noo. “Iho, ano ang pangalan mo?” tanong ulit ni Papa. “Hindi ko alam. Wala akong maalala,” sabi nito. Nanlaki naman ang mata namin ni Papa saka nagtinginan kami. Hindi niya maalala kung sino siya. Kung ano ang pangalan niya at kung tagasaan siya. Hindi niya rin natatandaan kung ano ang nangyari sa kaniya. Ngunit may bracelate siya na may initial name na Mr. Henderson. 'Yon lang ang bagay na maaring makapagturo kung sino siya. Kaya simula no’n kinupkop na namin siya ni Papa dahil wala siyang maalala. Nagtanong-tanong si Papa sa bayan kung may isang taong nawawala o may kilalang Mr. Henderson doon. Pero walang nahanap na sagot si Papa. Noong mga ilang araw na siya sa amin ay mabilis kaming nagkagaanan ng loob. Nagdidilig ako ng halaman noon at tinulongan niya ako dahil paborito ko ang rose na bulaklak at lagi ko silang kinakausap. Sabi pa niya buti pa ang mga bulaklak eh may mga pangalan, pero siya wala. Kaya napag-isipan ko na bigyan siya ng pangalan. “Fabio, ang magiging pangalan mo simula ngayon,” sabi ko sa kaniya. Nagustuhan niya naman ang pangalan na binigay ko. Ibig sabihin ng Fabio ay ikaw ang paborito ko. Kaya mula no’n Fabio na ang tawag namin sa kaniya. Fabio Henderson. Kaya lumipas pa ang mga oras, araw, buwan at isang taon ay siya na ang naging kasama namin ni Papa. Siya na rin ang tumutulong kay Papa sa pagtatanim. Tinuruan siya ni Papa kung paano magtanim at mangisda sa dagat. Doon nagsimula ang pag-usbong ng damdamin namin sa isa’t isa kaya nagtayo siya ng Rest House na yari sa kawayan malapit sa dalampasigan. Ito ang lagi naming tambayan. Hindi namin napigilan ang damdamin sa isat-isa kaya may nangyari sa aming dalawa. Kahit hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan kapag makaalala na siya. Paano na lang kung may mahal siyang iba o may pamilya na siya? Pero ang mahalaga sa akin ay kasama ko siya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD