Chapter 4
Shiena
Nasa rest house ako mag-isa at doon muna nagpalipas ng oras ng dalawin ko ang puntod ni Papa at Pabio.
Bumabalik sa alaala ko ang mga sandaling pinagsaluhan namin ni Fabio. Ang mga ngiti niya sa labi ang nakikita ko. At ang mga tawag niya sa akin na asawa ko ang sumisigaw sa isip ko. Ang gwapo niyang mukha at ang sexy niyang katawan.
Gumigilid na naman ang mga luha ko sa mata.
"Fabio magkakaanak na tayo..
Akala ko mag isa na lang ako pero binigyan mo ako ng makasama sa buhay. Pangako ko sayo aalagaan ko ang magiging anak natin. Kung maghimala man ang langit at muling ibalik ang nakaraan papayag akong bigyan ka ng isang dosinang anak huwag ka lang mawala sa akin, Mahal ko. Pangako ikaw lang ang mamahalin ko hindi na ako magmamahal pa kundi ikaw lang."
Papa sayang hindi mo man lang nakita ang magiging apo ninyo. Sana kung sa'n man kayo ni Fabio ngayon. Lagi ninyo sana kami bantayan ng anak namin ni Fabio.
Mahal na mahal ko kayo papa. Ang daya-daya ninyo ni fabio."
Bumalik ang ulirat ko nang tawagin ako ni tita Luciana.
"Shieina, hali ka na at pupunta ng San Rafael si Pareng Romil!"
Napalingon naman ako sa kinaroroonan ni Tita Luciana.
"Sege po, Tita!"
Alas tres pa lang iyon ng hapon.
" Bilisan mo at para makabalik ka ng maaga sa San Agustin! Mahirap na magabihan ka pa. Lalo na at buntis ka." Pag alala namang wika sa akin ni tita.
Kaya dali-dali akong nagtungo sa tricycle nagpa-alam ako kay tita baho sumakay ng tricycle ni mang Romil.
Gabi na nang makarating ako sa mansyon. Nakaabang naman si mam Diana at sir Ibrahin sa akin sa sala. Si Don Rodolf naman ay natutulog na.
"Buti nandito kana iha." Pag-alalang wika ni sir Ibrahim.
"Kumain kana ba? May pagkain sa kusina kumain ka muna bago magpahinga." Sabat naman ni mam Diana.
"Wala pa po akong gana mam. Kumain po kasi ako kanina sa terminal bago nagbyahe papunta rito."
"O sege, kapag nagugutom ka magbukas ka lang ng ref o kumain ka kung ano ang gusto mo kainin."Sabi naman ni mam.
"Salamat po mam. Si Don Rodolfo po? nakainom na po ba siya ng mga gamot niya?" Tanong ko sa kanila.
"Oo, tapos na, kaya nakatulog na 'yon" saad naman ni sir. "Sege na iha magpahinga kana."
" 'Wag mo kalimotan inumin ang mga vitamins mo ha? para healthy si baby. Saka magpa-check up kana rin bukas sa clinic." Paalala naman ni mam.
"Sege po mam, salamat po sa inyo ni sir."
"wala 'yon iha, excited na nga kami makita ang baby mo, lalo na si daddy." Saad ni sir Ibrahim na nakangiti ng malawak.
Natutuwa naman ako sa sinabi niya atleast kahit papaano ay may mga taong tumanggap sa amin ng magiging anak ko.
Matapos namin mag-usap ay nagtungo na ako sa kwarto ko at nagpahinga na habang hinihimas-himas ko ang maliit kong tiyan. Nahiga ako sa kama hanggang sa nakatulog na ako.
"Asawa ko i love you!!! Hahahaha"
"Mahal hintayin mo ako!" Sigaw ko sa gwapong mukha ni fabio."
Habang papalayo ito sa akin.
"Habulin mo ako asawa ako!" sigaw pa niya habang papalayo sa akin.
"Mahal hintay! may sasabihin ako sayo.... Mahal!"
Bigla akong nagising at napaupo sa kama. Hingal na hingal ako.
Panaginip lang pala. Napanaginipan ko si Fabio na papalayo sa akin.
Lumabas ako ng ng silid ko at nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig at uminom.
Alas kuwatro na ng madaling araw.
Gusto ko sana bumalik ulit sa higaan ko dahil maaga pa. Pero hindi na ako dinalaw ng antok. Kaya minabuti ko na lang maglinis sa loob ng mansyon at labas.
Ito ang unang beses na napanaginipan ko si Fabio.
Nang mag uumaga na ay nagluto na lang ako ng almusalin namin.
Para paggising ng mga amo ko ay kakain na lang sila lalo na si Don Rodolfo.
Pagkatapos namin kumain ay pinainom ko na ng gamot si Don Rodolfo bago pumunta ng clinic para magpa-check up.
Samahan pa sana ako ni Ma'am Diana kaso tumanggi na ako dahil nahihiya na ako. Ayaw ko naman abusuhin ang kabaitan nila sa akin.
Pagkatapos kong pumunta ng clinic bumili muna ako ng mga vitamins ko at mga prutas.
Pag-uwi ko nang bahay ay naroon na si Lance ang anak nila Ma'am Diana at Sir Ibrahim.
"Hi! beautiful, how are you?" bati nito sa akin.
"Helow Sir." Tipid kong sagot.
"Masyado ka namang seryoso. Pwedeng Lance na lang ang itawag mo sa akin? Sabi naman nito.
Ngumiti lang ako maya-maya pa ay nasa likuran ko na si Ma'am Diana.
"Kamusta ang pagpa-check up mo iha?" Tanong nito.
"Ok lang po Ma'am,Nirisitahan lang ako ng mga vitamins." Sagot ko naman na nakangiti.
"Bakit may sakit ka ba?" Biglang pag-alalang sabat ni Lance.
"Nako iho wala siyang sakit. Kundi magkakaroon na ng baby ang mansyon natin." Ngiti namang sagot ni Ma'am Diana.
"What? " Gulat na tanong ni Lance. "Buntis ka? Sino ang ama? Si lolo ba?" Sunod-sunod nitong tanong sa pagkabigla.
"Psssttt... Lance ano ba 'yang pinagsasabi mo? Shempre ang ama ng dinadala niya ay 'yong asawa niya. Sabi naman ni Ma'am Diana.
Nalungkot naman ang mukha ni lance. May asawa ka na pala? 'Asan na ang asawa mo? Tanong naman ni Lance na hilaw ang ngiti.
Patay na ang asawa ni Shiena, Lance. Kaya tayo na ang pamilya niya ngayon." Wika naman ni Ma'am Diana.
"Ohh! I' m sorry to hear that,condolence."Sabi naman ni Lance.
Tipid naman akong ngumiti sa kanilang mag-ina.
" Oo nga pala Shiena may pag-uusapan tayo mamaya after lunch." Sabi naman ni Ma'am Diana.
" Ok po Ma'am." Simple kong sagot.
" Ano 'kinamatay ng asawa mo?" Tanong naman ni Lance na seryoso ang mukha.
"Na aksidente siya. Nahulog siya sa malalim na bangin isang buwan na ang nakalipas." Malungkot ko namang sabi.
"Hindi niya alam ang tungkol sa anak ninyo?" Tanong namn ni Lance habang si Ma'am Diana naman ay nagtungo sa labas dahil tumawag ang kapatid niyang nasa abroad.
"Hindi niya alam sayang nga eh, katatapos lang ng kasal namin tapos kinabukasan iniwan niya na ako. Tapos si papa naman nawala rin sa gabing iyon. Iniwan nila kaming dalawa ng magiging anak ko." Malungkot kong sabi kay Lance at hinimas ang maliit kong tiyan.
"Don't worry Sheina, nandito lang kami nila mommy. Mapapalaki mo rin ng maayos ang magiging anak ninyo ng asawa mo. Sabi naman ni Lance at tinapik ang balikat ko.
" Salamat Lance. Siya nga pala wala ka bang gingawa sa Holand? Bakit nandito ka sa San Agustin?" Tanong ko naman sa kanya.
"Well, marami akong gagawin sa Holand kaya lang, nandito ako para sunduin kayo ni lolo." Pahayag naman niya.
"Ha? Bakit sa'n mo kami dadalhin?" Sunod sunod kong tanong.
"Mamaya ko na lang sagutin ang mga tanong mo. Kasi pag-uusapan natin nila mommy mamaya." Sagot naman nito.
" ah, Sege magbihis lang muna ako sa kwarto." Paalam ko naman kay Lance at tumalikod na.
Pagkatapos kong magbihis nagtungo ako sa kusina para magluto ng tanghaliaan namin at para mapainom ko ulit ng gamot si Don Rodolfo.
Pagkatapos kong magluto ay naghain na ako sa mesa para. Makakain na kaming lahat.
Hindi iba ang turing sa akin ng mga amo ko. Kaya laking pasasalamat ko at sila ang naging amo ko.
Tinawag ko na sila para makakain na.
Habang na sa hapagkainan na kami ay napag- usapan namin ang paglipat nila sa Holand City.
"Shiena do'n na muna kayo ni daddy sa mansyon ng pamangkin ko para malapit lang namin madalaw si daddy."Sabi ni Ma'am Diana.
" Ibig po sabihin lilipat po kami ni Don Rodolfo sa Holand?" Tanong ko." Paano po yong mansyon niyo dito? "
" 'Wag mo alalahanin ang mansyon dahil si ate Beth na bahala dito mag linis at Mang Danilo." Sabi naman ni Sir Ibrahim.
Hindi na ako umimik nang sumagot si Don Rodolfo
" Mas gusto ko sana rito. Eh, para hindi mahirapan ang anak ko eh do' n na lang tayo sa holand iha." Wika naman ni Don Rodolfo.
"Do'n kayo sa mansion ni Liam titira daddy. Total nasa amerika naman siya kasama si Helena at Manolo." Sabi naman ni Ma'am Diana.
" Sino po si Liam Ma'am?" Tanong ko naman.
" He is my cousin."sagot naman ni Lance. Si tita Elena at tito Manolo ay mga parents niya. Kapatid ni mommy si tita Helena." paliwanag naman ni Lance.
Tumango- tango ako bago nagsalita. "Ibig po sabihin dalawa lang kami ni Don Manolo doon?"
Tanong ko.
"Yes iha, Dahil mayro'n naman kaming condo ni Ma'am mo Diana eh maliit lang 'yon. Si Lance may sarili namang condo kaso ayaw naman ni daddy doon." Sabi naman ni Sir Ibrahim.
"Nako! madali ako mamatay sa condo ni Lance. Bukod doon panay pa dala ng mga babae. Mabuti na lang at nasa amerika 'yong isa kung hindi.. Hindi ako papayag na doon manirahan sa mansyon niya. Kung sino - sinon ding mga babae dindala doon. Sana nga tumino na iyon." Reklamo naman ni Don Rodolfo.
Lo naman! Pinapahiya mo naman kami ni insan sa harap ni Shiena." Ngiting protesta ni, Lance
Napangiti na lang ako.
"Totoo naman ah!" Ani Don Rodolfo
"Tama na 'yan dad,"Saway naman ni Ma' am na bumaling ang tingin sa akin.
" 'Wag ka mag- alala iha, dahil may katulong naman si Liam doon sa mansyon niya na makakasama at makakatuwang mo. Lalo na at buntis ka. Si daddy lang ang aalagaan mo." Sabi naman ni Ma'am Diana.
" Kaylan po tayo lilipat?" tanong ko.
"Bukas ng maaga alis na tayo dito. Total nakadalaw kanarin sa puntod ng asawa mo at sa puntod ng papa mo kasi may trabaho pa kami ni sir mo sa susunod na araw." si Ma'am Diana
Sege po mam magligpit na lang po ako mamaya." Sabi ko pa.
" 'Wag kana magdala ng maraming damit. Pagdating natin doon mag-shoping tayo."Sabi pa ni Ma' am Diana.
"Nako Ma'am nakakahiya naman po."
"Nako Shein hindi mo na kailangang mahiya dahil anak na ang turing namin sayo, diba hon?" Ani Ma'am Diana sabay tingin sa asawa.
"That's right iha, dahil wala naman kaming anak na babae. Ede, ikaw nalang." Sabi pa ni sir Ibrahim na tumawa pa
"Ehemmm.. Nagsisilos na ako ha?" Sabi namn ni Lance na kunwari'y ay nakasimangot.
"Ha. ha. ha. ha..tama 'yan Lance na maging kapatid mo si Sheina. Para magkaroon ka ng kapatid na babae." Tawa naman ni Don Rodolfo.
Nahiya naman ako dahil baka nga ano isipin ni Lance. Baka sabihin niya sinsamantala ko ang kabaitan ng mga magulang niya.
"Oo nga iho, 'Di ba dati gustong - gusto mo may kapatid kang babae o pinsang babae?" Tawa naman na sabi ni Ma'am Diana.
"Yes mom, well, hindi na ako mag protesta. Tatanggapin ko bilang kapatid si Shiena at gano'n rin ang pinagbubuntis niya, ituturi ko ring pamangkin 'yon." Seryoso namang sabi ni Lance.
Tipid akong Ngumiti sa kaniya." Salamat Lance."
"It' s ok my dear sister, from now on i will protect you and your baby.."Ngiti nitong sabi sa akin.
Para namang lumulokso ang puso ko sa tuwa dahil sa hindi nila ako itinuring na iba. Nawala man ang dalawang taong mahalaga sa akin, pero nakatagpo naman ako ng mga taong mababait sa akin at pamilya ang turing sa akin.
Pagkatapos namin kumain ay nagligpit ako ng mga gamit ko. Pati narin ang mga importanteng gamit ni Don Rodolfo.