Chapter 3
SHIENA
After 1 month…
Tinulungan ako ni Clara makapasok sa trabaho bilang isang kasambahay ng mga kaibigan ng mga amo niya para hindi ko lagi maisip sina Papa at Fabio.
Gusto ko lang muna lumayo dahil nasasaktan lang ako kapag sa Isla Del Monte ako dahil nakikita ko si Papa sa bawat sulok ng bahay at si Fabio.
Nag-aalaga lang ako ng isang matandang lalaki. Pinapainom ko ito ng mga gamot sa oras ng pag-inom nito at minsan ay pinapasyal ko ito sa labas ng bahay. Nakatira ito sa San Agustin na malapit lang sa San Rafael.
Si Ma’am Diana at Sir Ibrahim ang mga amo ko. Mababait sila sa akin at ang Papa nila si Don Rodolfo.
Ama ni Ma’am Diana si Don Rodolfo Palmer.
Isang Doctor si Ma’am Diana at si Sir Ibrahim ay isang businessman. Sa Holand City sila nagta-trabaho kung saan ang pinakasentro na City. Mayayaman ang mga nakatira doon province lang ng Holand City ang San Rafael at San Agustine.
Kapag may sarili kang sasakyan ay sampong oras bago makarating kapag galing ka sa Isla Del Monte, pero kapag dito ka sa San Agustin manggaling ay walong oras ka bago makarating kaya minsan ay kami lang ni Don Rodolfo ang nakatira sa bahay nito sa San Agustin at bihira lang sa isang buwan makauwi ang mag-asawa.
May anak sila na si Lance Miller.
Matanda lang ito sa akin ng dalawang taon.
Kasalukuyang nandito ito sa mansyon ni Don Rodolfo dumalaw sa kaniyang Lolo.
Binigyan ko sila ng tea habang nakaupo sila sa sala ng mansyon.
“Maganda ang Yaya mo ngayon Lo, ah.” Sabi pa ni Lance kay Lolo habang pinasadahan ako ng tingin.
“Si Mommy mo ang nagpapasok dito kay Shiena,” sabi pa ng matanda.
“Wow! Nice name, bagay sa 'yo. Ako nga pala si Lance Miller,” pagpakilala niya sa akin.
Ngumiti siya sa akin isnabin ko sana kaso amo ko rin naman ito.
“Salamat po Sir Lance,” tipid kong sabi sa kaniya.
“Subra ka namang seryoso. H‘wag ka na mag po sa akin. Eh, halos magka-edad lang naman tayo,” sabi pa niya tipid ko naman siyang nginitian.
“Naku, Lance! H'wag mo na ibilang si Shiena sa mga collection mo dahil hindi siya katulad ng mga babae mo sa City.” sabi pa ni Don Rodolfo sa apo nito.
“Lolo, naman ‘di na mabiro. Gusto ko lang makipag kaibigan sa maganda mong katulong,” sabi pa ni Lance.
Habang ako naman ay abala sa paglagay ng tea sa mga tasa nila.
“Kilala kita Lance. Oo, nga pala kamusta na ang pinsan mo?” tanong ni Don Rodolfo.
“Ayos lang Lo. Dinala na muna siya nila Tita at Tito sa Amerika. Doon muna raw sila,” ani Lance.
“Mabuti naman kung gano’n. Na miss ko na ang pinsan mong ‘yon,” malungkot na wika ni Lolo.
“Huwag ka mag-alala, Lo. Tatawagan ka naman no’n lagi, eh.” sabi naman ni Lance.
“Isa rin ‘yong pinsang mong ‘yon! Puro babae rin inaatupag noon,” sabi pa ni Don Rodolfo.
“Lo, iba ‘yong paborito mong apo ayaw ng commitment ‘yon. Sakit lang daw sa ulo at pera lang daw niya ang hahabulin ng mga babae kaya ayaw niya mag-girlfriend ng matagal,” ani Lance.
“Ugok! Wala akong paboritong apo. Pareho lang ang pagtingin ko sa inyong dalawa,” wika naman ni Don Rodolfo na hinampas ng baston ang apo sa likod.
“Aray Lo! Malaki na ako pinapalo niyo pa ri ako. Dito pa talaga sa harap ng katulong mo?” sabi pa ni Lance napangiti naman ako ng bahagya.
Maya-maya ay nakaramdam ako ng pagkahilo akmang lalakad na sana ako pero napahawak ako sa upuan at natumba. Agad naman akong nasalo ni Lance.
“Are you okay?” pag-alalang tanong ni Lance.
Inalalayan niya muna ako na makaupo sa sofa.
“Iha, masama ba ang pakiramdam mo? Buti pa siguro magpatingin ka sa doktor,” pag-alala pa ni Don Rodolfo.
“Okay lang ho ako Sir. Baka kulang lang ako sa tulog,” Sabi ko naman.
“Mabuti pa siguro eh pumasok ka na lang muna sa kuwarto mo at magpahinga,” sabi pa ni Lance.
“Naku, huwag na walang mag aasikaso kay Sir,” tanggi ko naman.
“Iha, okay lang. Si Lance na ang bahala sa akin at marami pa kaming pag-uusapan," sabi naman ni Don Rodolfo. Sige na at magpahinga ka na Lance. Alalayan mo muna si Shiena sa kuwarto niya.” dagdag pa ni Lolo.
“Okay, Lo. Hali ka na magpahinga ka muna ako na bahala kay Lolo.” sabay inalalayan ako ni Lance.
Nahihiya man ako pero no choice ako. Kailangan ko na talaga magpahinga dahil kung hindi baka bumigay na ang katawang lupa ko, kaya ng makapasok na ako ng kuwarto nagpasalamat muna ako kay Lance. Saka lumabas na rin siya ng kuwarto ko at isinara niya na rin ang pinto.
Nang mag-isa na ako at nakahiga sa kama ko ay muling naalala ko si Papa at Fabio.
“Sana, Fabio. Lagi niyo akong bantayan ni Papa. Miss na miss ko na kayo,” bulong ng isip ko at umagos ang mga luha ko.
Nami-miss ko na silang dalawa kaya balak ko sana na dalawin ang puntod nilang dalawa. Hihingi ako ng isang araw na day off kay Don Rodolfo para madalaw ang mga mahal ko sa puntod nila.
Nakatulugan ko ang pag-iyak.
Nagising na lang ako ng gisingin ako ni Lance para kumain. Siya ang nagluto ng panghapunan namin.
Tinawagan naman ako ni Ma’am Diana, para kamustahin ang pakiramdam ko dahil sinabi na ng mag-Lolo na masama ang pkiramdam ko. Subrang bait nila sa akin at parang anak na rin ang turing sa akin ni Ma’am Diana At Sir Ibrahim.
Tuwing uwi nila galing Holand ay mayroon silang pasalubong sa akin kahit isang buwan pa lang ako sa kanila.
Lumipas pa ang mga araw ay nagkaroon ako ng moorning sickness. Lagi na lang ako naduduwal at naging matakaw ako sa pagkain.
Bumalik na rin si Lance sa Holand dahil may imporante raw itong aasikasuhin na negosyo nila.
Isang araw dumating sina Sir Ibrahim at Ma’am Diana para dalawin si Don Rodolfo at nasa hapagkainan na sila noon.
“Sheina, anong nangyayari sa 'yo? Nangangayayat ka tapos ang putla mo," puna naman ni Ma’am Diana.
“Hindi ko nga po alam, Ma’am. Kasi nitong mga nakaraan lagi akong nahihilo at naduduwal,” sumbong ko kay Ma’am Diana.
“Sumabay ka na kumain sa amin Shiena maupo ka na.” yaya naman ni Sir Ibrahim.
Umupo naman ako at nagsabay sa kanila sa kainan.
“May asawa ka ba Shiena?” tanong ni Ma’am Diana.
Muntik pa sana ako mabilaukan sa tanong niya. Hindi ko rin kasi na ikuwento sa kanila ang buhay ko. Ang alam niya ay pinsan ako ng katulong ng kaibigan niya sa San Agustin.
“Mayro’n po ma’am,” tipid kong sagot.
“Hindi kaya buntis ka?” walang ano mang sabi niya.
Napaawang naman ang mga labi ko na nakatingin sa kaniya.
“Kailan ka ba ulit niregla?” tanong pa nito habang si Don Rodolfo at si Sir Ibrahim ay nakikinig lang habang kumakain.
“Noong nakaraang buwan pa po, pero ngayong buwan hindi po dumating ang regla ko,” sabi ko pa kay Ma’am Diana.
“Malamang buntis ka nga. Mamaya bibigyan kita ng PT para malaman natin kung buntis ka o hindi,” bilin pa nito habang kumakain.
Kinabahan ako sa sinabi niya. Paano kung buntis nga ako? May halong excitement at kaba ang naramdaman ko.
Matapos kaming kumain ay binigyan ako ni Ma’am Diana ng pang PT. Tinuruan niya ako kung paano gamitin iyon.
Pagkatapos ko mag PT ay dalawang guhit ang nakita ko. Pinakita ko iyon kay Ma’am Diana.
“Shiena, buntis ka nga!” nakangiting sabi sa akin ni Ma'am Helen.
Halong kaba at saya ang namutawi sa aking damdamin. Umagos ang mga luha sa aking mga mata.
“Oh! Ano 'yan, ha? Tears of joy?" Malambing na tanong ni Ma'am Diana. “Dapat ipaalam mo sa asawa mo na buntis ka. Sigurado matutuwa 'yon."
Lalo akong umiyak at humikbi at napayuko.
“Bakit, Iha? Shhh... tahan na. Makakasma ‘yan sa anak mo.” sabay hagod niya sa likod ko.
Maya-maya ay inayos ko ang sarili.
“Patay na po kasi ang asawa ko Ma’am. Pinatapos niya lang ang kasal namin saka iniwan na nila ako kinabukasan,” Iyak kong sabi kay Ma’am Diana.
Nalungkot naman ito para sa akin.
“Sinong sila?” tanong niya pa
“Tika, tika maupo muna tayo. Hali ka mag-usap tayo,” yaya pa ni Ma’am sa akin at inalalayan niya akong umupo.
Nang nakaupo na kami ay hinawakan niya naman ang dalawa kong kamay.
“Shiena, hindi ko alam ang pinagdadaanan mo at ang buhay mo kaya magtiwala ka sa akin. Anong nangyari sa asawa mo?”
Humikbi muna ako bago ko sinagot si Ma’am.
“Nahulog siya sa bangin no’ng araw na mawala siya. Hinanap siya ni Papa, pero noong gabing iyon nawala rin si Papa sa akin.” humagulhol na ako.
Hinagod naman niya ang likod ko.
“Sorry to hear that, iha. Nakikiramay ako sa 'yo.” malungkot na sabi sa akin ni Ma’am.
“Hindi ko alam ang gagawin ko Ma’am. Lalo na ngayon dinadala ko ang magiging anak namin ni Fabio,” Iyak ko pa.
“Shhh taha na. Huwag kang umalis dito. Rito mo na rin isilang ang sanggol mo huwag ka ng mag-alala kami ang bahala sa 'yo Sheina,” wika.
Nagulat naman ako sa mga sinabi niya.
Masuwerte ako dahil subrang bait nila sa akin.
“Pero ma’am nakakahiya po sa inyo. Hindi n’yo naman po ako kaano-ano.” Sabi ko pa.
“Iha ituring mo na lang kaming pamilya mo dahil hindi ka na iba sa amin at isa pa inaalagaan mo ng mabuti si Daddy, kaya hayaan mong tulungan ka namin,” sabi naman ni Ma’am Diana.
Tumango na lang ako at nagpasalamat sa lahat ng kabutihan niya.
Nawala man si Fabio sa akin pero hito at may munting angel siyang iniwan sa sinapupunan ko, kaya pumayag na ako na magsilbi pa rin sa mga mababait kong amo.
Maya-maya pa ay pumunta kami sa hardin kung saan nandoon si Sir Ibrahim at Don Rodulfo.
“Hello, everyone. I have a good news!” Malakas na sabi ni ma’am na excited na sabihin sa dalawa.
“Ano ang good news, Hon?” tanong naman ni Sir Ibrahim habang nakangiti.
“Magkakaroon na tayo ng new member of our family!” sigaw nito at pumalakpak.
Nagkunot noo naman si Don Rodulfo..
“What do you mean, Diana?” tanong nito sa anak.
“Dad, magkakaroon na ulit ng bata sa mansion dahil buntis si Sheina,” tuwang balita n8 Ma'am sa dalawa.
Si Sir Ibrahim naman ay lalong lumawak ang ngiti at si Don Rodulfo naman ay napanganga at agad na bumaling ang tingin sa akin.
“Totoo iha buntis ka?” paninigurado niyang tanong sa akin.
“Opo Don Rodolfo,” tipid kong sagot.
“Abay mabuti at magkakaroon na ulit ng saya ang bahay dahil malalaki na ang mga apo ko na wala pang balak mag-asawa ang mga ‘yon,” tuwang wika ng matanda.
“Dad, bata pa lang naman si Lance ‘yong pinsan niyang nakakatanda sa kaniya ‘yon na ang dapat mag-asawa,” sabi naman ni Sir Ibrahin.
“Isa pa ‘yon 28 na eh, puro babae na lang ang inaatupag. Lalo na ngayon na nasa Amerika iyon. Hindi na lang magseryoso sa babae eh, para makita ko naman ang apo ko sa tuhod bago pa ako mamatay,” protesta naman ni Don Rodolfu sa mga apo.
“Hay nako Dad. May mga sarili ng isip ang mga apo ninyo kaya hindi naman natin puwedeng pilitin ang gusto ninyo,” sabi naman ni Ma’am Diana.
“Ilang buwan na iyang pinagbubuntis mo, iha?” tanong naman ni Don Rodolfo.
“Dad, isang buwan na siguro mahigit ang pinagbubuntis niya,” sabat naman ni Ma’am Diana.
“Alam na ba ng asawa mo?” tanong naman ni Sir Ibrahim.
Nagkatinginan naman kami ni Ma’am Diana.
Si Ma’am Diana na ang nagkuwento sa kanila sa nangyari kay Fabio at Papa, kaya laking pasasalamat ko nang tanggapin nila ako at akuin ang pinagbubuntis ko. Sila na raw ang bahala sa panganganak ko at sa pangangailangan ng magiging anak ko hanggang na sa puder nila ako.
Lumipas ang mga araw nagpaalam akong dalawin si Fabio at at Papa sa puntod nila at pumayag naman sila.
Pumunta na rin ako kay Tita Luciana at pinaalam ko sa kaniya na nagdadalang tao ako sa anak namin ni Fabio.
Natuwa naman ito siya na rin ang binilinan ko sa bahay at sa maliit na Isla habang nandoon ako sa San Agustin. Limang oras ang biyahe mula San Agustin patungo sa Isla Del Monte kaya bihira lang ako makakadalaw sa loob ng isang buwan