Episode 9

2161 Words

Chapter 9 Shiena Nasa biranda ako noon nakatingala sa langit. Nasa kuwarto naman si Fabien naglalaro ng mga laruan niya. Katatapos ko lang maglinis ng buong mansyon ng hapong iyon. Si Manang naman ay nasa hardin at nagdidilig ng mga bulaklak. Malamig ang simoy ng hangin na umiihip ngayon. Kay sarap iyon damhin. Naalala ko pa noong nasa Isla, ganitong oras nasa dalampasigan kami ni Fabio naghahabulan kaming dalawa at masayang nagtatawanan na parang wala ng bukas. Lagi ko sinasabi na sana kapag nakaka-alala siya ay sana wala siyang ibang mahal kundi ako lang. Subrang na miss ko na ang asawa ko. Lalo na kapag nakikita ko si Fabien hawig na hawig siya ni Fabio. Pero nang nakita ko si Sir Liam ay lalo akong nangulila sa asawa ko. Pakiramdam ko buhay ang asawa ko sa pagkatao ni Sir Liam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD