Episode 8

1882 Words

Chapter 8 Shiena Pov Nasa sala ako at nagpupunas ng mga gamit at mga appliances. Nakita ko naman si Sir Liam na nakasandal sa sofa at nakaidlip ito. Pinagmamasdan ko ang guwapo niyang mukha. Si Fabio talaga ang nakikita ko. Kahit ang mga pilikmata niya, ilong niya, at mga labi niya. Hawig na hawig kay Fabio. Pero paano naman siyang si Fabio dahil alam kong patay na ang asawa ko? Maya pa ay tumikhim sa likuran ko si Ma'am Helena. ''Titig na titig ka riyan sa anak ko?'' pabulong nitong sabi ngunit nakangiti. Napakislot pa ako ng bahagya at nahihiyang tumingin sa kaniya. ''Pasensya na po, Ma'am. Gusto ko lang kasi titigan siya. Hindi ako makapaniwala na kahawig niya ang asawa ko. Ang tangkad niya, ang mukha niya, pati pangangatawan niya parehong-pareho kay Fabio,'' malungkot kong wika.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD