"Sinusunda mo ba ko? Saan mo ko dadalhin?" Tanong n'ya sa lalake. Habang nagmamaneho na ito. Hindi n'ya alam kung saan s'ya dadalhin nito ngayon.
Nakikita n'ya ang galit sa mukha nito. Nakatuon ang atensyon nito sa kalsada. Pero halata ang galit sa mukha nito, pati na sa paghinga nito. Tila mas mabalasik ang mukha nito kumpara kahapon ng konprontahin s'ya nito at paratangan ng kung anu-ano.
"Ano naman ang balak n'yong gawin sa loob ng bahay na 'yon? Tatlong lalake pa ang kasama mo. Hindi ba naka schedule si Bernard ngayon. Kaya ibang mga lalake ang kasama mo!?" Mahabang litanya nito sa kanya. Habang pinaglilipat-lipat sa kanya ang tingin nito at sa kalsada.
"Stop the car!" Hiyaw n'ya.
Sinulyapan lang s'ya ng lalake. At nagtuloy sa pagmamaneho.
"Itigil mo ang kotse bababa ako!" Tili n'ya. Sabay hampas ng malakas sa braso nito.
"Anong gagawin mo babalik sa bahay na 'yon. Para ituloy ang plano mong pakikipag landian sa mga 'yon?!"
Kumunot ang noo n'ya. Kung bakit ganito kasama ang mga salitang lumalabas sa bibig nito.
"Doon ba kayo nagtutungo sa tuwing wala si Bernard! Hindi ka ba mabubuhay na walang lalake sa isang araw para kamutin 'yang kakatian mo!" Mabalasik na patuloy nito.
Sumiklab ang galit n'ya sa mga paratang ng lalake sa kanya. Kung makapagsalita ito sa kanya. Akala mo siguradong-sigurado ito sa mga sinasabi nito tungkol sa kanya.
"Ibaba mo ko!" Hiyaw n'ya. At pinag hahampas ang braso nito sa inis na nararamdaman rito.
"Itigil mo ang kotse!" Patuloy pa rin s'ya sa paghampas. Naramdaman n'yang gumewang-gewang ang kotse.
"Will you stop it! Mababangga tayo sa ginagawa mo!" Hiyaw nito sa kanya. Habang pilit kinokontrol ang gumegewang na kotse.
Tumigil s'ya sa pag hampas rito. Binagsak pasandal ang likuran. Masamang tingin ang pinukol sa lalake.
"Saan mo ba ko dadalhin?"
"Kung saan kita pwede makausap!" Sagot nito na hindi man s'ya sinusulyapan.
"Ano bang pag-uusapan natin?"
"About Bernard. At sa iba pang mga lalake mo. Ano marami pa sila kata nais mong pagsabayin na ang tatlo kanina? Ganyan ka ba kakati sa katawan at gusto mo tatlo pa ang lalaking titikim sa iyo!" Litanya nito.
Masamang tingin ang pinukol n'ya sa gwapong lalake. Hindi na s'ya magpapaliwanag pa. Hahayaan n'yang isipin nito ang gusto nitong isipin sa kanya. Alam naman n'ya sa sarili n'yang wala s'yang ginagawang masama.
Si Rodney ang kasama n'ya kanina at dalawang kaibigan ni Rodney. May party daw sa bahay na 'yon. Niyaya s'ya ni Rodney. Pumayag lang naman s'ya, dahil nais n'yang maalis sa isip ang lalaking nasa harapan n'ya. Hindi nga s'ya pinatulog ng lalaking ito kagabi. Hini ito nawala sa isip n'ya. Ang gwapong mukha nito at ang galit nito sa kanya.
Kaya nga kahit naiinis s'ya kanina kay Rodney sa paghawak-hawak nito sa kanya ay hinayaan na lang n'ya sa kagustuhang maglibang at tumigil muna ang isip sa kakaisip ng problema.
Hindi n'ya pinaalam sa ama ang nangyari sa kanya kahapon. Ayaw n'yang bigyan ito ng iisipin. Nais n'yang s'ya na lang ang makipag ayos sa kapatid ng asawa ng ama.
Napansin n'yang pumasok sila sa kilalang Subdivision ng bayan ng San Miguel. Ang Tragora Subdivision. Kinabahan s'ya. Baka dalhin s'ya sa bahay ng asawa ng kanyang Daddy.
"Saan tayo pupunta?" Kinakabahang tanong n'ya.
"Huwag kang mag-alala, hindi kita dadalhin sa bahay ng kapatid ko," sagot nito. At sinulyapan s'ya. Napansin marahil nito ang kaba n'ya.
"Sa bahay ko ikaw dadalhin. Doon tayo mag-uusap,"
Nagulat s'ya sa sinagot nito. At lalong kinabahan. Nakaramdam ng takot.
"Ano pa bang pag-uusapan natin? Sinabi ko naman sa iyo na wala kaming relasyon ng asawa ng kapatid mo!"
"Paano mo nga ipapaliwanag sa akin ang mga ginagastos sa iyo ni Bernard. Sino ka para bilhan ka n'ya ng Condo. Para paaralin ka sa isang kilalang unibersidad? Sige nga paliwanag mo!" Mariing sabi nito.
Kagabi pa n'ya iniisip ang bagay na 'yan. Hanggang ngayon wala pa rin s'yang alam isagot.
"Hindi ako sasagot sa mga tanong mo. May karapatan akong hindi sagutin 'yan. Kahit sampung beses mo pang itanong sa akin 'yan. Wala kang makukuhang sagot!" Pagmamatigas n'ya.
"Tigna natin!" Determinadong sagot nito.
Pumasok sila sa isang malaking gate. Malawak ang buong kapaligiran at may malaking bahay. Moderno at napakaganda ng pagkakayari ng bahay. Lumaki s'ya sa simpleng buhay. Kaya wala s'yang idea kung anong klaseng bahay ang nasa harapan n'ya. Isa lang masasabi n'ya. Halata sa laki ng bahay ang karangyaan.
Hindi na s'ya magtataka. Isang mayamang negosyante si Asena. Kaya marahil mayaman din ang kapatid nito.
Nauna ng bumaba ng sasakyan ang lalake. Hindi s'ya kumilos. Natatakot s'yang bumaba. Baka kung papasok s'ya sa loob ng malaking bahay ay nasa loob si Asena. O di naman kaya hindi na s'ya makalabas pa ng buhay. Lalo na't matindi ang galit sa kanya ng lalaking ito.
"Baba!" Utos ng lalake. Nang buksan nito ang pintuan ng kotse.
Tumingala s'ya sa lalake. Masamang tingin ang pinukol n'ya rito.
"Hindi ako bababa!" Taas kilay na sagot n'ya.
"Don't make me wait! Bababa ka d'yan ko kakaladkarin kita pababa!" Banta nito sa kanya. Nakipagsukatan s'ya ng tingin rito.
"Sino ka ba sa akala mo? Bakit kung makapag mando ka sa akin akala mo kung sino ka! Hindi-"
Hindi n'ya natapos ang sasabihin ng biglang s'yang buhatin nito pababa ng passenger seat. Nagtitili s'ya .
"Ang dami mong sinasabi! Pinapababa ka lang!" Sita nito sa kanya.
Binaba s'ya nito. Sa pag aakalang doon na magtatapos. Nagkamali s'ya. Muli s'yang binuhat ng lalake at sa pagkakataon itong pinasan s'ya na tila bata sa balikat nito.
Nagtititili s'ya. Pinagbabayo n'ya ang malapad nitong likod, kasabay ang pag padyak ng kanyang mga paa sa harapan nito. Isang malakas na palo sa pwet ang naramdaman n'ya.
"Stop it!" Utos nito.
Hindi s'ya tumigil. Hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay. Lalo s'yang nagtititili ng makitang umaakyat sila ng hagdan.
"Ibaba mo ko! William! Ibaba mo ko!" Tili n'ya sa pangalan nito. Muli ay isang malakas na palo sa pwet ang natikman n'ya mula sa malalaking kamay nito.
Napalunok s'ya. Hindi kasi n'ya malaman kung ano ang mararamdaman. Pasan s'ya nito sa balikat nito. Ang malalaking dibdib n'ya ay halos nakadikit na sa likuran nito. Isama pang ang pangupo n'ya ay nasa harapan nito. Habang hawak-hawak nito ang mga hita n'ya.
Binuksan nito ang isang silid. Malakas na sinara 'yon. At walang kahirap- hirap s'ya nitong hinihagis sa malambot na kama. Napatili pa s'ya sa pagkagulat sa ginawa nito. Nag bounce s'ya sa ibabaw ng kama, bago nakaupo ng maayos.
Tumingala s'ya sa lalaking nasa paanan ng kama at nakatunghay sa kanya.
"Ano bang ginagawa mo? Bakit mo ko dito dinala?!" Tili n'ya. Paniguradong silid nito ang pinasukan nila. At nasa ibabaw s'ya ng kama nito. Kung ano ang binabalak nito ay hindi n'ya alam. Huwag naman sana s'yang gawan nito ng masama lalo na't masamang babae ang tingin nito sa kanya.
Akmang bababa s'ya sa kama ng malakas s'yang itulak nito pabalik. Naintakutan s'ya at napaatras palayo rito. Napasiksik s'ya sa headboard ng kama.
"What do you want?!" Nagtatapang-tapangan na tanong n'ya.
Sinuklay nito ang kamay sa buhok nito. Wala s'yang mapipintas sa lalake. Gwapo talaga ito. Isama pa ang malakas na s*x appeal nito. Napalunok s'ya. Habang nakasunod rito ng tingin.
Naramdaman n'ya ang pag kabog ng kanyang dibdib. Ang malakas na t***k non. Marahil sa takot sa lalake o baka dahil sa atraksyon rito.
"Bianca!" Tawag nito sa pangalan n'ya.
Nakatayo ito sa pahanan ng kama at kitang-kita n'ya kung gaano ito kagwapo. Matangkad ito. May magandang pangangatawan. Mayroon ding malakas na appeal. Na s'yang nakakabahala sa kanya. Marami na s'yang nakitang gwapo at ma appeal. But William Villanueva is different.
"What do- you- want?" Kabadong tanong n'ya. Lalo pa n'yang siniksi ang sarili sa headboard.
Hindi magandang tignan na nasa loob sila ng isang pribadong silid at may kama pa. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng silid na 'yon.
"Iwan mo na si Bernard. Be my woman instead. Kung pera ang habol mo sa pagpatol kay Bernard. Kaya kong doblehin ang sustento n'ya sa iyo. Mas kaya kong ibigay sa iyo ang lahat. Iwan mo na si Bernard. Hayaan mo na sila ng kapatid ko. Itigil mo na ang relasyon n'yo ni Bernard," mahaba at seryosong litanya nito sa kanya.
Kitang-kita n'ya ang sakit sa mga mata nito sa bawat salitang bitawan nito. Alam n'yang ginagawa n'ya ito para sa kapatid nito.