"I can give you money more than Bernard can give you. Kaya kitang bilhan ng bahay, hindi lang condo. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo ibibigay ko!" Litanya n'ya. Habang nakatingin sa magandang mga mata ni Bianca. Titig na titig ito sa kanya. Wari'y nagugulat sa mga sinasabi n'ya. Kaya n'yang gawin at ibigay lahat ng sinabi n'ya. Lubayan lang nito si Bernard at pabayaan ang kapatid n'yang maging masaya. Hindi n'ya hahayaang masaktan muli ang kapatid sa ikalawang pagkakataon. Lalo na't magkakaanak na ito kay Bernard. Hindi n'ya hahayaang may sisira sa pamilyang pilit binubuo ng kapatid. "Liam, I don't need anything from you," sagot nito sa mababang tinig. Nakita rin n'ya ang lungkot sa mga mata nito. Bagay na hindi n'ya maintindihan. Don't tell me mahal ng babaing ito si Bernard? Th