Kabanata 47 May malaking bathtub ito at may malaking jacuzzi rin. May sarili rin itong shower room. Namamangha na lamang siya sa kanyang nakikita. Lalapit na sana siya sa shower room nang bigla namang umangat ang takip ng kubeta. Namilog ang kanyang mga mata at napasigaw dahil sa takot. Bigla namang bumukas ang pinto ng banyo. "Why are you shouting!?" "Anak ka ng Nanay mong letse ka!" gulat niyang bulalas din nang makita ito at nayakap ang kanyang sarili. Mabuti na lang talaga at hindi pa siya nakapaghubad. "You're cursing me again!?" "Mukha mo! Paanong Hindi!? Eh, nagulat ako." "Tss! Bakit ka nga sumigaw?" "Bigla kasing bumukas iyang takip ng kubeta!" turo niya pa rito habang nanginginig ang kanyang daliri. Bigla naman itong natawa ng malakas. Napapahawak pa sa tiyan nito