Kabanata 52 "Good evening ma'am," wika pa niyong isang lalaki. "Huh!? Good evening?" naguguluhan niya pang sagot. May ibinigay naman na papel ang lalaki sa kanya. Kunot-noo naman niyang kinuha ito at binuklat. "They are your bodyguards Lucia. Take them wherever you go. I provided also a car for you so you won't have to commute everyday and lastly, I don't take rejection. See you soon. Laurenzo," basa niya pa sa nakasulat sa papel. "Oh my gee! Ang bongga naman ni Papa Laurenzo! May pa bodyguards! Hindi mo pa iyan dyowa, ha!? Paano na lang kung kayo na? Ay pak na pak! Oh! Daog gyud!" bulalas pa ni Berta at parang ito pa ang masaya kaysa sa kanya. "Sino nga kayo ulit?" tanong niya pa sa mga ito. "I'm sorry ma'am but we have a protocol not to give our names. Just call me A-one and