Kabanata 55 "Tapos na rin naman na ako. Puwede mo na gamitin kung gusto mo." "I see," tipid lamang na sagot nito. "Ah, okay. Akala ko ba umalis ka na?" hindi makatingin niyang wika rito. "You want me to go home?" "Ha? Hindi naman sa ganoon. Saka, sino ba ako para pauwiin ka? Hindi ba, nasabi sa akin ni Alessandro na ikaw ang major sponsor ng wedding." "Oh, iyon lang ba?" "Oo naman. May iba pa ba?" "Why can't you look at me straight in the eyes?" "Ha? Kailangan ba nakatingin dapat sa iyo kapag nagsasalita ako?" "You should because if you won't, that makes me believed that you're thinking something and you're afraid that I might noticed it." "Nag-o-overthink ka na naman," sagot niya at pilit na pinakakalma ang kanyang sarili. Pinipigilan niyang huwag mautal. "I'm not ove