kabanata 20 HABANG bumabiyahe pauwi ay hindi niya maiwasang amoyin ang suot niyang jacket. Sobrang bango kasi nito at hindi pa rin nawawala ang pabango nito. Parang sobra sigurong mamahalin ng pabango nito kaya naglo-long last ng ganito katagal. MAKALIPAS ang halos bente minutos ay nakarating din siya sa kanila. Agad din naman siyang umakyat sa hagdan. Nang dumaan siya sa kuwarto nina Dhea at Berta ay wala pa rin ang mga ito at hindi pa rin umuuwi. Bumuntong-hininga siya. Mukhang siya na naman ulit mag-isa. Pumasok na lamang siya sa kuwarto niya at agad din naman na nagpalit ng damit. Maingat niya pang inayos ang suot niyang jacket dahil lalabhan niya pa ito at idadaan bukas sa laundry shop para patuyuin. Kinuha niya rin sa bag ang address ng mananahi na bigay sa kanya ni Merna. Pupun