Kabanata 18 TANGHALI na at diretso na sila sa canteen nang muli na naman niyang mamataan si Laurenzo na pumasok sa canteen. This time, nakasuot na ito ng mask. Bumitiw siya kay Merna. "Oh? Jejebs ka?" "Ha? Hindi." "Oh, tara na sa pila. Ngayong araw pa naman mag-e-expire ang free meal mo sa canteen." "Ows? Talagang natatandaan mo pa talaga iyan, ha?" natatawa niyang sabi kay Merna. Pasimple naman itong nahiya kunwari at nagtawanan sila dahil doon. Kumuha na sila ng food tray at pumila na nang bigla na lamang may sumundot sa tagiliran niya. Nang tingnan niya ito ay siko pala ng lalaki. Nag-angat siya ng kanyang ulo at nang makilala niya ito ay muntik pa niyang mabitawan ang food tray na hawak niya. "Anak ka ng tokwa!" inis niyang bulong. "Are you cursing me?" kunot-noo naman n