Kabanata 62 Nang matapos siya sa pag-iimpake ay nakahanda na siya para ilabas ang kanyang mga gamit. Nang masiguro niyang wala naman na siyang naiwan pang ibang mga gamit ay tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto niya. "Anak ka ng kapre!" bulalas niya nang magulat siya dahil sa lalaking nakatayo sa tapat ng kanyang inuupahang kuwarto. Nakasuot ito ng tuxedo, kagaya ng mga nauna niyang bodyguards. Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Si Laurenzo na naman ba ang nagpadala sa iyo?" "I'm his Butler ma'am and I'm your personal assistant from now on." Napanganga siya sa kanyang narinig. She scoffs. Pambihira talaga itong si Laurenzo. Hindi man lang siya nito kinunsulta. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. She scratch her head. "Bawal ba akong tumanggi?" "It's not your decis