Kabanata 49 "Lucia! Ano ba!" sigaw ni Jun sa kanya habang hinahabol siya nito. Mabilis siyang tumakbo hanggang sa may mabangga siya. "Lucia? Why are you running?" Nag-angat siya ng kanyang ulo. Sa sobrang tuwa niya ay agad niyang niyakap si Laurenzo ng mahigpit. Hindi niya akalaing makikita niya rito sa kalsada ang lalaki. She's panting and she breathes heavily. Kaba at matinding takot sa dibdib niya ay agad na napawi. Hindi man niya alam kung bakit narito sa lugar nila si Laurenzo, ang importante sa kanya ay safe siya dahil narito ito. "Lucia? What's wrong? Why are you out of breath?" "May humahabol sa akin. Pakiusap! Huwag ka muna umalis," nanginginig pa ang boses niya. Hindi rin naman na nagtanong pa ito at hinagod lamang ng marahan ang kanyang likuran. "Lucia! Sino ang lalak