Kabanata 59 NANG tuluyang mawala sa paningin niya ang sasakyan nito ay agad din naman siyang lumapit sa dalawa niyang bodyguard. Bago paman siya makalapit sa van ay bigla namang sumulpot si Danica sa kanyang harapan. Huminga siya ng malalim. Ang akala niya kasi ay tapos na ang pag-uusap nilang dalawa. Mukha ito yata ang hindi maka-get over. "May nakalimutan ka pa bang sabihin sa akin?" kalmado niyang tanong. Mag-re-react sana ang isa niyang bodyguard pero mabilis siyang sumenyas dito na huwag lumapit muna. Pagkatapos niyon ay bumaling siya kay Danica. "Si Laurenzo ba ang nagbigay sa iyo ng mga iyan?" "Hindi sila bagay Danica. Mga tao sila," pagtatama niya dahil nainsulto siya sa sinabi nito. How dare Danica treat other people like a none living things. "Well, my bad. Gusto ko lang