Kabanata 34 PAGKATAPOS nilang mag-lunch na dalawa ay agad din naman silang bumalik na sa kanilang trabaho. At dahil nga sa thirtieth floor na nga siya naka-assign ay sumakay na siya ng elevator. Bago pa ito sumara ay nag-goodbye pa siya kay Merna. "Fighting!" masiglang wika nito. Matamis niya lamang itong nginitian. Sumarado rin naman agad ang elevator. Habang papaakyat ang elevator ay hindi niya maiwasang mapa-isip. Ano na naman kaya ang pumasok sa utak ni Laurenzo. Alam niya kasing ito na naman ang may pakana kung bakit nalipat siya sa floor nito. Alangan namang si sir Jigs ang sisihin niya gayong taga sunod lang din naman ito sa kanya. Bumuntong-hininga siya at isinandal ang kanyang ulo sa pader ng elevator. Bigla namang nahinto ang elevator sa twety-fifth floor. Agad siyang napa