Paglubog????

1203 Words
Mahigpit kong hinawakan ang mga damit na hindi ko pa nailalagay sa loob ng cabinet. Nang muling nagsalita ang lalaki ay tuluyan ko na itong naalala. Binundol ng kaba ang aking dibdib. Ngunit kung hindi ko ito haharapin ay baka tuluyan akong saktan ng lalaki. Saka hindi naman siguro ako natatandaan nito dahil isa lang akong hampas lupa na walang pera. Kaya naman dahan-dahan akong humarap sa lalaki habang nakatungo ang ulo. “Sir, isa po akong labandera at ako po ang naglaba ng mga damit mo. Balak ko lang pong ilagay sa loob ng cabinet itong mga tinupi kong damit. Pasensya na po kung naabala kita o na datnan mo ako rito, aalis din po ako ka agad oras na maayos ko ang mga damit mo…” Nakayuko pa rin ako habang nagsasalita. Ayaw kong tumingin sa lalaki at baka tuluyan na akong patayin oras na makilala ako. Medyo inangat ko rin ang hawak kong damit para ipakita rito na hindi pa ako tapos sa aking ginagawa na pag-aayos ng mga damit niya. Wala akong narinig na salita mula sa lalaki. Nakita ko ang itim na sapatos nito nang humakbang siya para pumasok sa loob ng banyo. At doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Ngunit kailangan ko agad makakaalis dito. Hindi ako puwedeng makita o makilala ng lalaking ‘yun. Diyos ko po! Kung kailan nagtatago na kami ni Carmela ay saka naman lumitaw sa harap namin ang lalaking naghahanap kay Itay o naghahanting sa amin. Nang matapos kong mailagay ang lahat ng damit ng lalaki ay para akong ipo-ipo na lumabas ng kwarto nito. Halos talunin ko ang hagdan para lang makalabas ng bahay ng lalaking ‘yun. Abot-abot naman ang kaba sa aking dibdib ng mga oras na ‘to. Ang gusto ko lang ay makaalis na sa bahay na ito. Nang makita ko ang mayordoma sa labas ng bahay ay agad akong nagpaalam dito. Mabuti na lang at hindi ako pinigilan nito. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang tuluyan akong makasakay sa tricycle. Pagdating sa bahay na ng tiyang Nenang ko ay nagulat pa ako dahil bihis na bihis ang aking kapatid at si Tiyang. May pagtataka tuloy sa aking mukha nang tumingin sa kanila. “Mabuti naman at dumating ka na, Trish. Bilisan mo, ihanda mo na ang mga gamit mo dahil pupunta na tayo sa Sta. Barbaryo. Iyon ang gusto ng Itay mo. Doon na rin magpapatuloy mag-aral ang kapatid mo. Naayos na ng Itay mo ang paglipat ni Carmela sa ibang school. May dadaan na malaking truck dito at doon tayo sasakay,” pagbibigay alam ng tiyang Nenang sa akin. Medyo naguguluhan ako. Ngunit agad ko na ring inayos ang mga gamit ko. Mamaya na lamang ako magtatanong kay Tiyang Nenang. Dapat lang na umalis kami rito lalo at nandito lang din sa paligid ang tao’ng naghahanap kay Itay. Nang maayos ko ang aking mga gamit ay maingat ko ring itinago ang perang binigay sa akin ni Itay. Kailangan ko itong itabi dahip para sa gastusin namin ito ni Carmela lalo na sa pag-aaral niya. Narinig ko naman na bumukas ang pinto ng maliit na silid. Lumingon ako rito at nakita kong si Carmela ito. “Ate Trish, dumating na ang sasakyan natin papunta sa dating lugar nina Inay at Itay. Kailangan na nating umalis…” Marahan akong tumango rito. Hanggang sa kuhanin ko ang aking bag at tuloy-tuloy nang lumabas ng kwarto. Nakita kong ini-lock ni tiyang Nenang ang pinto bago kami umalis ng bahay na ito. Agad kaming naglakad para pumunta sa truck na naghihintay sa amin. Dali-dali kaming sumakay sa likod ng malaking truck. Medyo mahaba-haba rin ang magiging biyahe namin. Iwan ko lang kung makakatulog ako rito lalo at mainit ang madilim dito sa loob ng sasakyan. Mayamaya pa’y tuluyan nang umandar ang truck. Hanggang sa bumukas ang pinto ng truck at sinabi ng driver ng sasakyan na ito na nasa loob na raw kami ng malaking barko. Hindi raw niya ilo-lock sa labas ang pinto ng truck, baka raw gusto naming lumabas upang umihi o tingnan ang karagatan. Mabuti na lang at mabait ang driver ng sasakyan na ito. Agad na lamang akong nagpapasalamat dito bago ito umalis. Hanggang sa muli nitong isarado ang pinto ng sasakyan, ngunit hindi naman ‘yun naka-lock sa labas, kaya makakalabas kami kung gusto namin. Isang malalim buntonghininga ang aking pinakawalan. Ito na siguro ang oras para magtanong ako kay Tiyang Nenang. “Tiyang Nenang, na saan po si Itay ngayon? Bakit hindi natin siya kasama? Saka masyadong biglaan ang pag-alis natin?” Isang buntonghininga rin ang pinakawalan ng tiyahin. “Nagpunta siya kanina sa bahay. At agad niyang sinabi sa akin na umalis na tayo roon sa bahay. Dahil ang ibang mga kasamahan ng Itay mo ay pinagpapatay na ng tao’ng humahanting sa kanya na mafia lord. Iwan ko ba riyan sa Itay ninyo. Gagawa ng kagaguhan tapos pati ako nadadamay. Kung hindi ko lang kamag-anak kayo, hinding-hindi ko kayo tutulungan!” galit na sabi Tiyang Nenang. Hindi tuloy ako makapagsalita. Tama si Tiyang Nenang. Gagawa ng kalokohan si Itay tapos maraming madadamay. Paano na lang kung patayin din kami ng tao’ng pinagkakautangan niya? Diyos ko! Huwag naman sanang mangyari ‘yun. “Na saan na po ang Itay ngayon, tiyang?” tanong ko ulit. “Ang sabi niya kailangan na niyang magtago muna. Ngunit nagsabi si Tirso na pagdating natin sa Sta. Barbaryo ay puwede nang pumasok si Carmela dahil naayos na raw niya ang lahat.” Bigla akong naawa para kay Itay. Sana lang ay maging maayos ang lagay nito. Naramdaman kong niyakap ako ni Carmela. Narinig ko rin ang mahinang pagsinghot ng aking kapatid tanda na ito’y umiiyak. Kaya naman agad ko itong inalo upang kahit papaano ay mawala ang pag-aalala ni Carmela sa aming Amahin. Ngunit bigla kaming nagulat na parang gumalaw ang malaking truck na sinasakyan namin. Narinig ko ring nagkakagulo ang mga tao sa labas. “Ate Trish ano’ng nangyayari?” kabadong tanong sa akin ni Carmela. Wala naman akong maisagot dito. Kaya namang agad akong tumayo para alamin kung ano’ng nangyayari. Ngunit nagulat ako biglang gulamaw ulit ang truck kaya tumama ang aking katawan sa gilid ng truck. “Ate Trish!” sigaw ni Carmela. “Maupo lang kayo ni Tiyang Nenang. Huwag kayong tatayo. Aalalim ko lang kung ano’ng nangyayari sa labas!” bulalas ko. Pinilit ko ulit na tumayo upang alamin ang lagay sa labas lalo at naririnig ko ang iyakan at sigawan ng mga tao. Mabuti na lang may bag ako sa aking likod kaya hindi masyadong nasaktan ang likuran ko. Nang tumayo ako ay mahigpit akong humawak sa bakal. Ngunit muli na namang gumalaw ang malaking truck at tila tatagilid ito. Ang nangyari ay muli na naman akong tumama sa gilid ng sasakyan. Medyo napangiwi ako dahil ang sakit ng aking noo. Mukhang nagkabukol pa yata ako. Ngunit kailangan kong alamin ang nangyayari. Kahit magalaw ang truck at humakbang pa rin ako papalapit sa pinto ng sasakyan. Balak ko na sanang buksan ang pinto ng truck nang kusang bumukas ang truck at lumitaw sa harap ko ang driver ng sasakyan. “Bumaba na kayo, dahil malapit ng lumubog ang barkong ‘to!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD