PAGBABANTA!

2257 Words
TAKOT NA TAKOT ako habang nakatingin kay Itay na hila-hila ng mga armadong lalaki at papalapit sa isang kotse na mamahalin. Hinintay kong bumababa ang sakay noon. Hanggang sa tumambad sa aking paningin ang isang lalaking nakasuot ng shade. Aaminin kong gwapo ang lalaki. Sa ilong pa lang nito na matangos ay alam kong maraming babae ang mababaliw o nahuhumaling dito. Nakatingin din ito kay Itay. Ngunit lalo akong natakot nang makita kong bigla nitong sinuntok si Itay. Dali-dali tuloy akong tumakbo papalapit sa aking Ama. Mabilis akong humarang nang balak ulit nitong suntukin ang Itay ko. Nakita kong gulat na gulat ito sa paglapit ko. Ngunit nagsalubong naman ang kilay nito. Hindi yata nagustuhan ang paglapit ko at pagharang ko upang hindi nito saktan ang Tatay. “Trish, pumasok ka na lang sa loob ng bahay. Hayaan mo na lang ako rito!” pagtataboy sa akin ng Itay ko. Hindi ko pinansin si Itay. Tumingin ako sa lalaking kaharap ko. Hindi ko alam kung ano’ng kasalanan ng tatay ko rito. Ngunit ako mismo ang makikiusap sa lalaki. “Sir, kung ano man ang kasalanan ng Itay ko. Ako na po ang humihingi ng paumanhin,” nakikiusap na sabi ko sa lalaki. Lalong kumunot ang noo ng lalaki. Hanggang sa dahan-dahan nitong inilapit ang mukha niya sa aking mukha. “Kaya mo bang bayaran ng utang at mga ninakaw ng Itay mo sa akin? May pera kabang limang milyon? Kung may pera sige, ilabas mo at bayaran mo ako para umalis na kami rito!” mabalaksik na sabi ng lalaking kaharap ko. Halos lumuwa naman ang aking mga mata nang marinig ko ang sinabi nito na limang milyong peso. Parang biglang nanuyo ang aking lalamunan. Teka saang lupalop ng mundo ako kukuha ng ganoong kalaking pera? Isang libo nga hirap na hirap pa akong makahawak. Limang milyon pa kaya? “Ano babae, may pera ka bang limang milyon upang mabayaran mo ang utang ng Itay mo. At kung wala ay umalis ka riyan!” Nagulat ako ng bigla akong hawakan sa aking pulsuhan at agad na hinila para makaalis ako mula sa pwesto ko. Mabilis ulit akong lumapit sa kay Itay lalo at nakita kong balak nitong sipain ang Itay ko. Mahigpit kong hiyakap ang Tatay ko. Umagos na rin ang luha sa aking mga mata. Hinintay kong lumapat sa aking likod ang paa ng lalaki ngunit wala akong naramdaman. Kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon. “Nakikiusap po ako sa ‘yo Sir, huwag mo pong saktan ang Tatay ko. Gagawa po kami ng paraan para makabayad kami sa inyo, bigyan ninyo lang po kami ng palugit!” nakikiusap na sabi ko. Habang panay ang patak ng luha ko. Ngunit nagulat ako nang biglang hawakan ang aking pulsuhan ng lalaking matapang. Agad na inilayo kay kay Itay. Mas nagulat ako nang basta na lamang nitong hinawakan ang aking panga. “Sige, pagbibigyan ko ang request mo babae. Bibigyan kita ng dalawang buwang palugit upang makalikom ka ng limang milyong piso. Ngunit oras na hindi mo maibigay ang limang milyong piso ay ako mismo ang pupugot sa ulo ninyong mag-ama!” At mas humigpit ang pagkakahawak nito sa aking panga. Ramdam na ramdam ko rin ang mainit na hininga ng lalaki sa aking mukha. “Mr. Elron Jimenez, nakikiusap ako sa ‘yo, huwag mong sasaktan ang aking anak. Ako na lang ang saktan mo!” narinig kong anas ni Itay. Balak sana itong tumayo mula sa pagkakaupo sa lupa. Ngunit may pumigil kay Itay. Natakot na naman ako at baka saktan naman nila ang Itay ko. “So, takot ka rin pa lang masaktan ang anak mo, Mr. Vee. Aba! Kung ganoon naman pala ay umayos ka! Magbayad ka sa mga inutang at ninakaw mo sa akin!” mariin sabi ng lalaki. “Oo, Magbabayad ako. Pakiusap. Bitawan mo ang aking anak.” Agad akong lumapit kay Itay nang bitawan ako ng lalaki. Lalo at nakikita kong may dugo ito sa gilid ng labi nito. Ngunit bago umalis ang lalaki ay nag-iwan pa ito ng pagbabanta sa amin ni Itay. Lumingon pa nga ito sa akin at nakikita ko rin na pinagbabantaan ako ng lalaki. Hanggang sa tuluyan na silang umalis dito sa tapat ng bahay namin. “Ihanda mo ang mga gamit ninyo ni Carmela. Kailangan nating umalis dito. Alam kong hindi tayo titigilan ng Mafia Lord na ‘yun!” utos sa akin ng Itay ko. “Itay, lalo lang magagalit sa ‘yo ang lalaking ‘yun. Tapos isa pala siyang Mafia. Ano na bang nakain mo at pinagnakawan mo siya? Jusko naman Itay!” sermon ko sa aking Itay. “Huwag mo na akong sermonan, Trish. Mas mabuti pang ihanda mo na ang mga gamit ninyo at nang makaalis na tayo rito. Huwag kang mag-alala, dahil lilipat lang tayo ng bahay. Makakapasok pa rin ang kapatid mo sa school. Sige na Trish, kumilos ka na!” mariin utos sa aking ng Itay ko. Kahit may pag-aalala sa aking puso ay agad akong kumilos. Ngunit punong-puno ng kaba ang aking dibdib. Alam kong mahahanap kami ng Mafia na ‘yun. Lalo at isa itong makapangyarihan na tao. Kayang-kaya nitong magbayad ng tao para lang hanapin kami? Diyos ko! Ano bang pinasok na kalokohan ng aking Ama? Nahilot ko tuloy ang aking noo. Pagpasok sa loob ng bahay ay agad kong inilagay sa isang bag ang mga damit namin ni Carmela. Nang matapos kong ayosin ay tuloy-tuloy na akong lumabas. Nakita ko si Itay na naghihintay sa akin. “Itay, paano si Carmela?” “Ako nang bahala sa kapatid ko. Ihahatid muna kita sa bahay ng tiyang Nenang mo. Pangsamantala ay roon muna kayo ni Carmela. Habang ako naghahanap ng pera upang ibayad sa Mafia na ‘yun!” “Itay, bakit doon pa kami titira kay tiyang Nenang. Dito na lang kami ni Carmela,” nakikiusap na sabi ko sa aking Itay. Sa totoo lang ay ayaw kong tumira sa bahay nito. Sobrang tapang ng pinsan ni Itay na ‘yun. “Mas mabuti kung doon kayo. Kahit wala ako ay may titingin sa inyo ni Carmela.” Agad akong niyaya ni Itay lumabas ng bahay. Ini-lock nito ang pinto. Ngunit ang susi ng bahay namin ay ibinigay rin sa akin. Pero nagbilin si Itay sa akin ay huwag daw akong uuwi rito hanggang walang pahintulot nito. Tanging pagtango na lang ang aking ginawa. Hanggang sa tuloy-tuloy na kaming umalis. Isang sakay lang ng tricycle ay nakarating kami sa bahay ng pinsan ni Itay. Sa loob ng squatter area nakatira ang pinsan ni Itay. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa tapat ng bahay ni Tiyang Nenang. Marahang kumatok ang Itay ko. Hanggang sa bumukas ang pinto at iniluwa ang mukha ng pinsan ni Itay. May sigarilyo ito sa bibig. Kitang-kita ko agad ang mabalasik na mukha ng tiyang Nenang ko. “Siya na ba ang anak mo? Akala ko’y dalawa iyan? Nasaan ang isa?” tanong ng babae. “Susunduin ko pa sa school. Ikaw na muna ang bahala kay Trish,” anas ng aking Itay. AGAD akong pinapasok sa loob ng bahay ni Itay. Kabadong humakbang ako papasok sa loob. “Sumunod ka sa akin, Trish. Ipapakita ko sa ‘yo ang magiging kwarto mo!” masungit na sabi sa akin ni Tiyang Nenang. Agad akong sumunod sa Ginang. Pagpasok sa isang maliit ng kwarto ay nakita ko agad ang papag. Kasya naman kami rito ni Carmela. “Siya nga pala, Trish. Sa bahay na ito ay may mga patakaran ako. Ang una sa lahat ay ayaw ko ng tamad at kung ano’ng oras nagigising. Kung gusto ninyong magkasundo tayo kumilos kayo ng nararapat at naaayon sa gusto ko!” mariin sabi sa akin ng pinsan ng Itay ko. “Huwag kang mag-alala tiyang, hindi po kami magiging pabigat ng aking katapid.” “Aba! Dapat lang! Dahil hindi ko kailangan sa aking bahay ang mga batugan na tao!” Agad din itong tumalikod sa akin. Ako naman ay napaupo sa papag. Parang lalong gumulo pa ang buhay namin nina Itay at Carmela. Alam kong hindi magiging madali ang buhay namin ni Carmela rito sa puder ni Tiyang Nenang. Ngunit wala naman kaming magagawa pa dahiil si Itay pa rin ang sunod. Nang hihina na naupo na lamang ako sa papag. Hanggang sa bigla akong napatingin sa pinto ng kwarto na tutulugan namin ni Carmela dahil nakita ko si Itay at ang kapatid ko. Papalapit ito sa akin. Agad naman akong tumayo para salubungin sila. Mukhang wala pang alam si Carmela sa mga nangyayari. “Ikaw na ang bahalang magsabi sa kapatid mo kung anong nangyayari. Kailangan ko nang umalis.” Lumapit pa si Itay sa amin ni Carmela at agad kaming niyakap. May inilagay rin si Itay sa aking palad. “Itabi mo at tipirin mo habang wala pa ako…” bulong sa akin ni Itay. Dali-dali kong itinago ang bigay ni Itay. Alam kong pera ito kahit hindi ko tingnan. Hanggang sa umalis na si Itay. Ay agad na nag-usisa ang aking kapatid. Ayaw ko namang maglihim dito kaya sinabi ko ang lahat-lahat ng aking nalalaman. Kitang-kita ko sa mukha ni Carmela ang takot. Agad ko naman itong pinakalma. At sinabi kong malalampasan din namin ang lahat ng pagsubok. “Basta ipagpatuloy mo lang ang pag-aaral mo. Huwag na huwag kang titigil o susuko, Carmela. Ang gusto ko ay makatapos ka sa iyong pag-aaral, iyon lang ang tanging hangad ko sa ‘yo upang matupad ang gusto ni Inay noon na makapagtapos ka. Kahit hindi na ako, Carmela. Ikaw na lang…” anas ko sa aking kapatid. “Pangako ate Trish, hindi ko sasayangin ang mga ginawa mo para sa akin…” Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Carmela. Hanggang sa magpaalam ito sa akin na lalabas ng kwarto, kakausapin daw niya si Tiyang Nenang. Nang lumabas ang aking kapatid ay agad kong tiningnan ang perang ibinigay ni Itay. Nakita kong sampung libo ito. Kaya naman dali-dali kong itinago. Dahil alam kong magagamit iti ni Carmela. Pinaghiwa-hiwalay ko ang pera. Iba-ibang taguan. May maliit na drawer naman sa kwartong ito. Inayos ko ang mga damit namin at sa ilalim ng damit ko inilagay ang ibang pera. Mayroon din sa loob ng short ko. Nang natiyak kong hindi na nakikita ang pera ay agad akong lumabas ng maliit ng kwarto. Hinanap ko agad si Carmela. Nakita ko ito sa kusina at naghuhugas ng plato. Teka, na saan kaya si Tiyang Nenang? “Trish!” narinig kong sigaw ng Pinsan ng Itay ko. Dali-dali akong lumapit dito. Nakita kong may hawak itong timba na may lamang mga damit. “Oh! Isampay mo ito. Siya nga pala. Bukas ay pumunta ka sa address na ito. Dahil may nagpapalaba. Ikaw na ang maglaba roon. At ‘yung bayad ay ibigay mo sa akin.” Agad din nitong inabot ang isang maliit na papel sa akin. “Sige po at pupuntahan ko bukas,” anas ko sa babae. “Sige! Sige. Mabuti pala at nandito kayong magkapatid. May mga mauutusan na ako. Aalis na ako. May sugal ako ngayon!” Nagmamadali itong tumalikod para lumabas ng bahay. Dali-dali ko namang sinampay ang mga damit nito. Pagkatapos magsampay ay naglinis din ako ng loob ng bahay. Upang walang masabi sa amin si Tiyang Nenang. Nang matapos ako sa aking gawain ay naupo ako sa silya. Nag-isip ako ng malalim. Nag-aalala rin ako para sa kaligtasan ng Itay ko. Sana ay maging ayos lamang ito. Napatingin naman ako sa pinto ng bahay ni Tiyang Nenang nang bumukas ito. Dali-daling pumasok si Tiyang. Mukhang natalo sa sugal kaya hindi maipinta ang tabas ng mukha nito. “Trish, may pera ka ba riyan? Kailangan ko lang mabawi ang natalo sa akin. Pahiramin mo muna ako!” Sabay lahad ng kamay niya sa aking harapan. “Tiyang Nenang, 500 lang po ang pera ko na binigay ni Itay.” “Puwede na ‘yan! Akin na ang 500, Trish.” Agad kong kinuha sa bulsa ng pantalon kong suot ang 500. Ibibili ko sana ito ng ulam na manok kaya nag-iwan talaga ako ng 500. Upang makatikim naman si Carmela ng masarap na ulam. Ngunit kung hindi ko naman bibigyan si Tiyang Nenang ay baka magalit ito sa akin. Kaya ibinigay ko na lang ang 500. Wala man lang pasasalamat na umalis ang matanda sa aking harapan at muling bumalik sa pasugalan. May naiwang pang 100 pesos. Kaya ito na lang ang ibibili ko ng noodles at tuyo. Lumabas din ako ng bahay para bumili ng ulam namin. Hindi naman kalayuan ang tindahan kaya agad akong nakabalik sa bahay ni Tiyang Nenang. “Ate! Ate Trish! Si Tiyang Nenang, nasa kwarto natin. At binuklat ang drawer---” Hindi ko na pinatapos magsalita si Carmela. Dali-dali akong pumasok sa kwarto namin ni Carmela. Nakita ko agad si Tiyang na naghahalwat sa drawer namin ni Carmela. “Tama nga ang aking hinala na may pera ka pa, Trish!” Agad na kinuha ang isang libong piso. “Tiyang Nenang, huwag mo naman pong kuhanin ang baon ni Carmela---” Balak ko sanang kuhanin dito ang isang libo ngunit agad nitong inilayo sa akin. “Aba! Pinagdadamutan mo ako, Trish? Saan ba kayo nakatira ngayon, ha? Saka, hindi na kailangan pumasok ng kapatid mo mag-aasawa lang naman iyan. Sayang lang ang magagastos diyan. Ako ang masusunod! Hindi na papasok sa school si Carmela. Dahil naghanap na ako ng puwede ninyong paglabahan bukas. Para naman may pakinabang ako sa inyong magkapatid!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD