Kumurap-kurap ang aking mata, pinoproseso ang kanyang sinabi. Narinig ko ba siya ng tama. Totoo bang sinabi niyang he’s fond of me? Weh? “You’re really good at your work. I admire you for that. No single mistake or problem ever since you started working at my company. And for that, I commend you.” Nakangiting sabi niya sa akin. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil iba ang iniisip ko. Akala ko naman—grr, never mind. Nakarating na kami sa bahay nina Silas. Kagaya nang unang punta ko rito ay mapapanganga ka pa rin talaga dahil sa ganda at garbo ng kanilang bahay. Pakiramdam ko ay maganda rin ang bahay nila sa Laguna. Pumasok na kami sa loob ng bahay at laking gulat ko nang maabutan pa namin si Ara. “Hi Kuya!” bati niya sa kapatid bago iyon halikan sa pisngi. Napatingin siya sa akin at