Kumunot ang aking noo. Nagpapatawag si Sir ng meeting ay kapag end of the month. Minsan nga ay wala pa. Anong kailangan niya ngayon at bigla siyang nagpatawag ng meeting? Napabuntong hininga na naman ako at kumuha ng notebook at ballpen dahil baka may importante siyang sabihin na kailangan kong isulat upang hindi ko makalimutan. Nagtutulakan pa kami kung sino ang unang papasok sa loob ng conference room. Si Venice iyong itinulak namin papasok kaya wala na siyang choice kung hindi ang batiin si Silas at pumasok sa loob. Doon ako naupo sa tabi ni Chad para hindi masyadong malapit kay Silas. Hindi ko siya tiningnan. Wala namang rason para tingnan ko siya. Binati ko na rin naman siya kanina kaya wala ng ibang dahilan para makipagtitigan pa ako sa kanya. “I received an email from CCBI. Ther