“Sigurado ka bang okay ka lang mag-isa, Hyacinth. Gusto mo bang samahan muna kita? Wala pa namang pasok bukas, eh.” Umiling ako kay Eloise at tumigil sa paglalakad nang nasa tapat na kami ng apartment ko. “Okay lang ako. Mas gusto ko munang mapag-isa ngayon. Sige na, alam kong pagod ka rin.” Buong lakas akong ngumiti sa kanya kahit na sobrang bigat na ng nararamdaman ko. Nagdadalawang-isip man ay sinunod niya ang sinabi ko. “Tawagan mo ako, ha.” Tumango ako sa kanya at nagpaalam na. Nang makaalis si Eloise ay tsaka lamang ako tuluyang pumasok sa apartment ko. Kakasara ko pa lang pinto ay agad na akong humagulgol. Kanina ko pa ito pinipigilan dahil ayoko namang magbyahe na pugto ang mga mata. Ayokong may ibang taong makakita sa akin na umiiyak dahil lang niloko ako ng boyfriend ko. Tat