May kotse na ngang naghihintay sa amin. Pumasok na ako sa loob at sumunod naman siya. Tahimik lang ako at nakatingin lamang sa bintana. Mabilis lang naman ang magiging byahe dahil hindi naman kalayuan ang amin sa lugar na ito. Nararamdaman kong patingin-tingin si Owen sa direksyon ko ngunit hindi ko siya kinikibo. Kailangan muna naming magpalamig pareho. Kahit kailan sa relasyon namin ay hindi ako nagselos na walang pruwebang hawak at puro assume lang. Kaya parang ang hirap paniwalaan na pinagdududahan niya ako kahit wala namang dapat ika-selos. Pakiramdam ko ay wala siyang tiwala sa akin. Nagpasalamat ako kay Manuel nang maihatid niya kami sa apartement ko. Dali-dali naman akong pumasok sa loob. Mahirap na kapag nakita pa ako ng ibang kakilala. Baka magtanong sila kung saan ko nakuha an