“Uuwi ka pa ba ng Manila? Baka gabihin kayo sa daan. Balita ko ay uulan pa naman mamaya. Ipagpaliban niyo muna ang pagbalik niyo ng Maynila. Baka abutin pa kayo nang malakas na ulan,” sabi ni Tita habang pinapakain kami ng niluto niya. Hindi naman ako masyadong nakakain dahil busog pa ako. Bukod pa roon ay wala akong gana. “Salamat po.” Pinagmamasdan ko lang si Silas na panay ang ngiti kay Tita sa tuwing inaabutan ito ng pagkain o maiinom. Bakit ba siya ngumingiti? Hindi naman siya ganyan sa iba. Batukan ko siya ng isa, eh. Napatingin naman ako kay Tita na tuwang-tuwa kay Silas. Tumitingin pa ito sa akin at nagta-thumbs up. Hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin ng ginagawa niya. “Ang sarap niyo pong magluto, Ma’am.” Bumalik ang tingin ko kay Silas at napagiwi ako sa sinabi niya. S