“Yes, Ma’am?” bati sa akin ng isang waiter. Ngumiti ako sa kanya at binabalak na sabihing may kasama ako nang marinig ko na agad ang boses ni Eloise. “Hyacinth!” Dinambahan niya ako at tumingin sa waiter. Sinabi niya rito na kasama nila ako. Ngumiti kami sa waiter at naglakad na papunta sa table nila. Agad akong kinilabutan nang makita na naandito nga sila—except for Gio and that Zavian. “Oh my! Hyacinth is here, too.” Ngumiti sa akin si Nevaeh at ang iba pang mga pinsan nilang babae kaya’t ngumiti rin ako, hindi pinapahalatang kinakabahan ako. “Maupo ka na sa tabi ko.” Hinigit ako ni Eloise and to my f*****g surprise pinagigitnaan ako ni Eloise at ni Silas. Great! Ang galing lang talaga. Alam ko na kanina pa ako tinitingnan ni Silas pero mas pinipili kong huwag tumingin sa direksyon n