Natulala ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa narinig o mas dadagdag lamang iyon sa magulo kong nararamdaman. Mabigat ang aking paghinga. Hindi ko maibuka ang aking bibig dahil hindi ko rin naman alam ang aking sasabihin kung sakali mang ibuka ko iyon. “Why are you always in a hurry going home, by the way? Ayaw mo bang kasama ako?” Another f*****g bomb. Hindi pa ako nakaka-recover sa una niyang sinabi ay may panibago na naman. “H-Hindi sa ganoon, Sir. Baka kasi nakakaabala ako sa inyo kaya mas pinipili kong umuwi.” Totoo naman. Isa sa rason kung bakit lagi akong pauwi sa tuwing naandito ako ay dahil nahihiya ako sa kanya na baka nakakaabala ako. “So, kapag sinabi kong hindi ka nakakaabala, will you choose to stay?” Hindi niya nakatinging sabi sa akin. Mabuti na l