Chapter 22

1357 Words
CHLOE'S POV Nagising nalang ako sa sobrang init at teka, p-paano naging maganda ang kwarto ko? s**t! I remember na. Nasa bahay nga pala ako ni Chandler. Teka, 'di kaya ito ang kwarto ni Chandler? Wow lang ha! Kasing laki ng bahay ko itong kwarto lang? Grabe! Kwarto niya lang bahay na! Super yaman talaga nila Chandler. Wala akong naalala na napunta ako dito kagabi. Ang huling naalala ko ay kumakain kami sa kusina ni Chandler. Yun lang kaya paano ako napunta dito? Bigla naman sumagi sa isip ko yung panaginip ko. Dahil buong gabi kami mag kasama ni Chandler ay siya tuloy laman ng panaginip ko. Biruin mo, hinalikan daw ako ni Chandler sa panaginip ko at mag kayakap kami habang natutulog. Tapos pag gising ko, nakatitig siya sa mukha ko. Grabeng panaginip yun. Kelan kaya mag kakatotoo yun hahaha! Parang ang sarap sa pakiramdam ng ganun INLOVE? Teka, Chloe! Inlove?! Paano ko nasabi yun? Anong inlove? Inlove ako kanino? Chloe, wag mong sabihing inlove ka kay Chandler? No, Chloe! Tumigil ka! Lumabas ako ng kwarto iyon at itinigil ko na ang mga kahibangan ko. Paglabas ko ay laking gulat ko nalang na may nakita akong magandang binibini sa may sofa. Humihigop siya ng kung ano sa maganda niyang tasa. "Okay ka n aba Chloe?" k-kilala niya ako? "Wag kang magtaka kung kilala na kita, kinuwento na lahat saakin ng anak kong si Chandler ang nangyari." Mama pala ni Chandler siya. Pero bakit hindi ata kamuka ni Chandler. Aywan, baka sa papa niya siya kumuka ng mukha. Mabuti pa si Jillian may pag ka hawig sa kanya. "Ah, pasensya na po, akala ko po ay friend lang kayo ni Chandler, mukha po kasi kayong batang tignan.Anyway, okay na po pakiramdam ko. Salamat po sa pag aalala," hiya kong sabi sa kanya. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay parang gusto ko rin mag ka Mama, yung feeling na may mag aalala sayo. Bigla tuloy nag mumugto ang mga mata ko. "Are you okayy? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya. Lumapit tuloy siya saakin at hinipo niya ang mga ulo ko. Kasunod nun ay bigla niya akong niyakap. "Bakit ka umiiyak Ija?" pag tatanong ulit niya. "Pasensya na po kayo, may naalala lang po ako, " sabi ko sa kanya. Grabe! Lalo akong napaiyak nung niyakap niya ako. Damang dama ko ang tunay na yakap na ng magulang sa yakap ng Mommy ni Chandler. "Alam mo Ija, ang gaan na loob ko sayo. Pakiramdam ko ay dati pa tayong mag kakilala," sabi niya na tila hindi ko ma-gets. "Ha? Ano po tita?" pag tatanong ko. "Nevermind. By the way, nandon si Chandler sa kusina, kasama ni Jillian, gumagawa sila ng coockies." Bigla akong tumungo sa kusina nila at doon nakita kong masaya silang nag luluto ng cookies. Ang sarap din siguro mag ka pamilya. Nakakainggit tuloy. "Good morning, Chandler, good morning Jillian at goodmorning din po Lola," bati ko sa kanila. "Gising ka na pala Ate Chloe, goodmorning din po sayo," sabi ni Jillian na sabay naman yakap saakin. "Goodmorning din, Chloe ayos naba pakiramdam mo?" Sagot ni Chandler na tila ba hindi siya makatingin saakin. "Ah, oo Chandler, ayos na ako. Teka, bakit sa lababo ka nakatingin pag kinakausap kita? Nahihiya ka ba saakin Chandler?!" pag tatanong ko sa kanya. "Ha? A-ako nahihiya sayo? Hahaha! Bakit naman ako mahihiya sayo?" Sabi niya. Ang wirdo talaga niya ngayon. Anong bang pakulo iyon? "By the way, gumawa po ako ng cookies for you!" Nakangiting sabi ni Jillian. "Chandler, siya ba ang iyong girlfriend?" Pag tatanong ni Lola. "Ay hindi po manang, friend ko lang po yan," sagot ni Chandler na sabay naman pula ang kanyang mukha. Kuya, ang pula na naman ng face mo Hahaha!" asar na sabi ni Jillian kaya tinawanan namin siya nila Manang. Pati si manang na akala ko lola nila ay naging close ko narin. Maghapon kaming nag bonding nila Jillian at Chandler. Kinulit ako ng kinulit ni Jillian kaya hindi ako makauwi. Ayaw niya at mag wawala daw siya kapag umuwi ako. Hanggang sa napilit na namin siya. "Jillian, uuwi na muna si ate Chloe ha? Babalik din naman ako dito, every saturday para galain ka, promise iyon Jillian..." inuto ko siya at mukhang umipek naman. "Okay po, basta bisitahin mo ako dito ah? Mamimiss kita," sabi ni Jillian na maluha-luha pa at talagang kumiss pa sa pisngi ko. "So, paano Jillian, hatid ko muna ate Chloe mo ha?" Sabi ni Chandler na sabay naman akay saakin na tila kinuryente ako ng hawakan niya yung kamay ko. Na ground ata ako hanggang puso ko. Ano iyon? Ang weird! Papalabas na kami ni Chandler ng bigla naming maka salubong ang Mommy niya, kaya naman nag paalam narin ako sa kanya. "Uuwi na po ako, salamat po sa magandang pag trato ninyo saakin," sabi ko sa kanya with matching payuko pa. "Walang anoman, Ija. Ingat kayo. Saka gumala ka kapag may time ka ha?" Sabi niya. Ang bait lang talaga niya at ang gaan na pakiramdam ko sa kanya. "Sige po, salamat po ulit," nakangiti kong sabi. Habang nag mamaneho siChandler ay hindi manlang siya kumikibo. "Hoy, ba't ang tahimik mo?" pambabasag ko sa katahimikan. Nakita kong nagulat naman siya. "Ah. eh, nag c-concetrate kasi ako sa pag-mamaneho dahil kaka sanay ko lang mag drive. Hindi pa ako masyadong sanay kaya diretso lang tingin ko," sabi niya nang hindi parin lumilingon saakin. "Ganun ba. Anyway, may ikukwento ako sayo. Grabe! Dahil buong gabi tayo mag kasama kagabi ay ikaw tuloy laman ng panaginip ko. Alam mo bang hinalikan mo ako sa panaginip ko at dilang yun, mag kayakap daw tayo, habang nakahiga at tinititigan mo yung mukha ko. Kakaibang panaginip noh? Napaka layong mangyari sa reality!" kwento ko sa kanya at pag tingin ko sa kanya ay halos pulang pula na naman yung mukha niya. Grabe! Dapat na sigurong bansagan ko siyang mr. redface Hahaha! Madalas siyang mamula. "Ang weirdo nang panaginip mo. Asa ka naman na halikan kita Chloe! Saka tayo magkayap tss! Nakakangilong isipin Chloe!" Ang yabang na naman nito hmp! Nakakainis na naman siya. "By th way, salamat talaga sa lahat lahat ha? Masaya ako na close na tayo. Dati, ikaw yung pinaka kinatatakutan ko sa school, pero hindi ko inaakala na magiging super close tayo ng ganito. Salamat talaga Chandler," sabi ko at bigla ko na lang nayakap si Chandler. "T-teka, Chloe! Wag kang yumakap at baka bumangga tayo!" sabi niya at bigla na namang namula ang kanyang mga mukha. "Sorry Chandler! Teka, bakit ba madalas namumula yang mukha mo?" pag tatanong ko. "Ah, eh, ganyan ako kapag natatakot, namumula ako. Tulad niyan, niyakap mo ako, natakot tuloy ako, muntik na kasi tayong mabangga dahil ginulo mo pag mamaneho ko," sabi niya ng pautal-utal. Grabe siya, namumula pala siya kapag natatakot, may ganun ba? Ang alam ko pag natatakot ay namumutla ah. Pero kabaliktaran yung kay Chandler Hahaha! Hanggang sa makarating na kami sa bahay ko. "Diyan Chandler, diyan nalang. Doon ako nakatira," sabi ko sabay turo ko sa bahay ko. "Ah, okay. May kaliitan pala. Pero sino yung lalaking nakaupo sa tapat ng bahay mo?" Nagulat ako sa sinabi ni Chandler nayun. Pag tingin ko ay si Tristan na gunggong pala. "Sino yan Chloe? Kilala mo ba yun? Baka magnanakaw yun, ohh baka naman masamang tao yan! Sandali nga't lalabasin ko siya't maupakan!" Sabi ni Chandler na tila susugod nga siya. "S-sandali, Chandler hindi yun masamang tao, pinsan ko yun! Sige na, bababa na ako, salamat sa pag hatid mo." Bumaba na ako pero nakita kong hindi parin umaalis si Chandler at nakatanaw parin siya sa akin. Bumalik ako sa kanya at kinatok yung bintana ng kotse niya. "Oh, bakit hindi ka pa umaalis? Ay, wait siguro may hinihintay ka noh?" sabi ko sabay halik sa pisngi niya. Bigla din ako nagtatakbo pag katapos nun. Ewan ko ba kung bakit ko ginawa iyon? Para akong baliw! Mang muli ko siyang tanawin ay ayun bigla ata siyang nagulat sa ginawa ko kaya agad agad niyang pinaandar yung kotse niya at tila mababangga pa, na torete ata sa pag halik ko sa kanyang pisngi Hahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD