Chapter 1
Chloe’s POV
"Brantley, Pare...parang awa mo na, ‘wag mo na akong tanggalin sa grupo nyo. Promise, hindi na talaga ako papalpak sa susunod..." pag mamakaawa ko kay Brantley. isa sa pinaka gwapong lalaki dito sa school. Leader ng grupo nang mga gwapong lalaki dito sa school.
"Chloe,este Joey last mo na ito ha?! Sa susunod na pumalpak ka sa utos ko, wala kana, tatanggalin na kita sa grupo namin! Maliwanag ba Joey?!" sigaw na galit ni Brantly.
"Oo, Brantly last na ito, ‘di na ako papalpak, promise!" payuko kong sabi sa kanya..
"Okay! Siguraduhin mo lang Joey! Talagang hindi ka nanamin tatanggapin sa susunod na pag kakamali mo!" Pang aasar na sabi ni Lance. Isa rin na gwapo dito sa school pero ibahin nyo sya. Si Lance ang pinaka mabait na gwapo dito sa school. Hindi siya suplado.
"Oo, Lance promise..." sagot ko sa kanya.
"Good chloe!" Sabi ni lance habang hinihimas himas pa niya yung buhok ko. Ewan ko ba at palagi niyang ginagawa saakin yan..
"Lance! Sabi nang Joey eh, hindi Chloe nakakasukang pakinggan eh," nakakunot kong noong sabi kay Lance.
"Sa susunod Brantley, ‘wag na talaga nating tanggapin ‘yang tomboy na yan!" Galit na sabi ni Chandler. Isa na pinaka mayabang. Ewan ko ba dyan kay chandler na yan palagi nalang maiinit ang ulo saakin. Si chandler ay isa rin sa gwapo dito sa school na siya namang pag ka supla-suplado at parati nalang mainit ang ulo, lalong lalo na saakin. Pakiramdam ko nga hindi niya ako gusto eh, kasi ni minsan hindi niya ako pinapansin.
"Chandler, humingi naman ng sorry saatin si chloe eh, kaya pagbigyan nanatin siya," pagtatanggol na sabi ni Lance. ang bait bait niya talaga saakin. Ewan ko nga lang dyan kung bakit ayaw na ayaw niya akong tinatawag na Joey, gusto daw niya ay Chloe.
"Oh siya, tara na nga sa room at masyado na kayong nagkaka initan," sabi ni brantley na sabay namang lakad. Syempre dahil sa siya ang leader ng grupo namin ay dapat na sumunod kami kaagad sa kanya.
Habang nag lalakad kaming apat ay nandyan na naman ang mga babaeng nagkakadarapa kay Brantley.
"Omg nandyan na ulit sila...nakita ko na magiging future husband ko." Sabi nung isang babaeng student.
"Hoy ‘wag kang illusyunada bababe ka! Engaged na ho kami ni Brantley, kaya please! ‘wag kang feelingera…" sabi naman nung isa ring babaeng student.
Grabe! kung anu-ano pinag sasasabi ng girls dito sa school. Talagang patay na patay sila kay Brantley. Sasarap mga kurutin!
"Hey Joey, oras na para bumawi ka. Nakikita mo ba ‘yung babaeng maganda na yun? kuhanin mo cellphone number niya para saakin," sabi niya sabay turo doon sa babaeng pag kagand-ganda.
"Oh, ayan Tomboy, kapag pumalpak kapa, wala kana talaga!" sabi ni Chandler na nanlilisik pa ang mata.
"Oo, Chandler gagawin ko ito nang walang palpak," sabi ko kay sabay takbo doon sa babaeng tinuro ni brantly
Pagkapalapit ko doon sa babae ay nakatalikod siya kaya nagparamdam na ako.
"Ah, Eheeemm…" nagulat nalang yung babae kaya bigla siyang humrap saakin.
"Oh, ikaw pala, ang tomboy na kasali sa grupo ng mga gwapo dito sa school. ‘Wag mong sabihing pinopormahan mo ako? Tsk! ngayon palang sinasabe ko na sayo, hindi ako pumapatol sa tomboy. Hindi tayo talo at saka si Brantley lang ang gusto ko!" Mataray na sabi ni Margaux. Isa sa pinakamagandang babae dito sa school. Magandang ubod nang taray.
"Actually, kaya nga ako nandito ay dahil pinapakuha ni Brantley ang cellphone numer mo."
"Sigurado ka? Baka mamaya ikaw lang talaga ang kumukuha sa number ko," taas kilay na sabi saakin ni margaux. Sarap din pektusan nito. Asa naman siyang gusto ko siya e, si Brantley din ang bet ko.
"Promise, Margaux si Brantley nga nag papakuha ng number mo, hindi ako. Ayun sya oh," sabay turo ko kay Brantley.
Si Brantley todo naman ang kaway kay Margaux.
"Omg! Siya nga ang nagpapakuha. Teka, tomboy it oh, paki bigay sa kanya." nag kakandarapa si margaux sa pag sulat sa papel ng kanyang number. Halata ding patay na patay siya kay Brantley.
Pagkaabot ni Margaux na kanyang number ay agad naman akong tumakbo papunta kina brantley at sabay abot nung papel sa kanya.
"Oh, ayan Brantley. Hindi ako pumalpak ngayon ah," sabi ko kay Brantley na nakatodo smile pa.
"Ayos, Chloe, nagawa mo." Ayan nanaman si Lance. Chloe nanaman! Ang kulit talaga a himas himas nanaman niya ang buhok ko. Nagulo tuloy yung hair style ko.
"Si Lance naman eh, sabi nang ‘wag na ‘wag mong ginugulo yung buhok ko. Nawawala tuloy pag ka pogi ko." nang sabihin ko yun ay sabay irap naman saakin itong si Chandler. Minsan talaga mapagkakamalan mo talaga siyang bakla kasi ang galing galing talagang mang-iirap.
Nang matapos ang klase namin ay tuloy uwi naman ako sa bahay, kung saan may kasama akong babae. Isa sa pinaka matalik kong kaibigan.
“Nandyan na pala ang dakilang tomboy," sabi ni celine na nakapamewang.
"Letche! Nag saing kana ba celine?" sabi ko sa kanya habang nag papalit ako ng damit
"Opo naman po! Hiyang hiya naman po ako sainyo Madam Chloe, kung hihintayin pa kitang umuwi para mag saing,” mapanura niyang sabi at saka siya tumawa. “Hahaha! Joke lang Girl!" ito talagang si Celine, kahit kelan lagi nalang akong pinag ti-tripan.
“Sige ka, hindi kita bibigyan nito, bumili pa naman ako ng barbecue. Uulamin ko ito mag isa," pang iingit ko sa kanya habang winawagay-way ko yung supot ng barbecue.
"Penge ako nyan!" pag mamakaawa niya. Naghabulan pa kami. Ganito kami palagi. Naghaharutan at always bonding kahit dadalawa kami.
Habang kumakain kami ay bigla nalang sumeryoso sa pag sasalita si Celine
"Kelan mo ba titigilan ‘yang pag papanggap mong maging tomboy? Alam mo ginagawa kalang utusan nung mga yun eh, lalo na yung Brantley nayun," sabi ni Celine habang nakatingin saakin ng seryoso.
"Basta, handa akong mag pakatanga hangga’t nakakasama ko ng malapitan si Brantley," sagot ko sa kanya habang punong puno ng pagkain yung bibig ko.
"Bakit ba kasi patay na patay ka dun sa Brantley na yun? Madami naman diyang mas gwapo pa doon. Hanggang ngayon nang hihinayang parin ako sa mahaba mong buhok na pinagupitan mo nang maikli para lang sabihing tomboy ka. Ay naku Girl, naiinis ako sayo!" sabi niya habang himas himas nya ang buhok ko.
Kahit naman ako, nang hihinayang din ako nung pinagupitan ko yung buhok.Naalala ko tuloy...
*FLASHBACK*
First year higschool ako nun nang may bagong transfer sa school namin. Swerte naman akong magiging classmate ko pa sya.
Pagkapasok na pag kapasok niya sa room namin ay agad akong napainlove ni Brantley. Napakagwapo niya talaga, pati nga yung mga classmate kong girl noon patay na patay din kayBrantley na halos araw araw ata nila laging binigyan ng kung anu-anong regalo itong si Brantley.
Bumuo si Brantley nang isang grupo na puro gwapo. Nag hanap sya nang puro gwapo sa school namin. Unang niyang nakuha si Chandler, sumunod naman si ay Lance.
Lumipas noon ang kalahating buwan, patindi ng patindi ang pag ka gusto ko kay Brantley at doon nag simula akong mag isip na mag paka-tomboy at subukang sumali sa grupo nila..
"Celine, sanay kabang gumupit na buhok?" seryoso kong sabi sa kanya na ginagulat niya.
"Bakit papabawasan mo ba yang hair mo?" nakangiting sagot niya.
"Actually, paiklian ko na yung hair ko, ‘yung mga hanggang batok ba?"
"Ano?! At bakit naman?! ‘wag! Sayang ang buhok mo!" Nakasigaw na sabi ni Celine
kinuwento ko sa kanya ang lahat lahat. Tungkol dun sa pag ka inlove ko kay Brantley at sa pag planong pag sali sa grupo nila. Dahil doon, napapayag ko din si Celine na gupitan ako. Iniklian na nga nya yung buhok.
Pag ka ikli naman ng buhok ko ay kinausap ko ang principal ng school namin na baka pepwedeng mag suot ako ng pang lalaki na uniform. Nung una nagulat ang principal, pero laging gulat ko nang mapapayag ko din siya.
Kaya naman kinabukasan pumasok na ako sa school na naka uniform na pang lalaki. Halos lahat nagulat saakin. Sinubukan ko na ding lapitan ang grupo nila Brantley.
"Brantley, pwede bang sumali sa grupo nyo?" pag tatanong ko.
"Nahihibang ba itong tomboy na ito?" pang aasar ni Chandler
"Umalis ka nga! Hindi ka pwede sa grupo namin!" sigaw na sabi naman ni Brantley.
Lumuhod ako noon sa harap nila at sinabing.. "Please, tanggapin nyo na ako. Kahit ba gawin nyo nalang akong utus-utusan, basta isali nyo lang ako sa grupo nyo! Parang awa nyo na, isali nyo ako please..." sobrang pag mamakaawa ang ginawa ko sa kanila
"Tumayo kanga dyan, ‘dibat ikaw si chloe?" nagulat ako nang hawakan ang kamay ko ni Lance at itinayo ako.
"P-paano mo ako nakilala??" pag tatanong ko kay Lance.
"Baka pwedeng tanggapin nanatin siya kahit utusan na nga lang Brantley?" sabi ni Lance kay Brantley.
"Mukhang enjoy nga yan. Okay, sige, tanggap kana sa grupo namin basta, palagi mong susunurin ang mga utos namin ah?"sabi ni Brantley
"Oo, salamat Brantley, Lance at Chandler at tinanggap nyo ako…"
Simula noon ay palagi nila akong kasama kahit saan. Pero yun nga lang, parati nila akong inuutusan, wala akong pakielam kung mapagod ako sa kakautos nila basta ba’t natititigan ko sa malapitan si Brantley at parati ko siyang nakakasama.
*END OF FLASHBACK*
"Chloe, ikaw naman ang mag ugas na pinggan ha? Wala kanang ginawaga dito?!" sabi ni celine habang papatayo na. Tapos na kasi syang kumain.
"Opo, Madam Celine."
Pagtapos kong kumain ay tumuloy na ako sa pag uugas nang mga pinggan. Matapos nun ay agad naman din akong nahiga para matulog na. Medyo napagod na din ako at kailangan din makabawi narin ako nang lakas para sa mga utos nila brantley bukas.
Excited nadin akong mag bukas dahil makikita ko na ulit si Brantley my baby... ang future husband ko.